Chapter 5

1510 Words
 Chapter 5 TAHIMIK si Blessie ngayon at hindi ako sanay. Ramdam ko na iniiwasan nya ako wala naman akong alam na ginawa ko. Alam n'yang pinagmamasdan ko siya pero hindi pa rin nya ako tinitignan iniiwasan pa nga niyang magkasalubong ang mga tingin naming dalawa. Hinayaan ko muna siya baka meron lang siyang suliranin na kinakaharap ngayon. Hanggang hapon ganun pa rin siya, at hanggang sa malapit nang mag uwian, kaya hindi kona matiis tinanong ko na siya. "Best may problema ka ba?" parang meron syang gustong sabihin sa'kin pero nagdadalawang isip pa. "Best! hindi ako sanay na ganyan ka! May problema ka ba? pwede mo akong sabihan." sabi ko sa kanya. Tinignan ako nang matagal at biglang siyang yumakap sa'kin nang mahigpit, nagulat ako nang umiyak siya. "M-ay may sasabihin sana ako sayo best!" kinabahan ako dahil napaka seryoso nang mukha nya. "Sa susunod na linggo na ang alis namin best." "Akala ko naman kung ano na! Eh di mas mabuti, para kaagad kayong makabalik dito." Malungkot siya nang tumingin sa'kin. “Hindi best... baka matagalan pa ako dun or baka dun na rin ako tumira.” Nabigla ako sa sinabi niya. "Ahhh--?" “Sina papa at mama lang ang babalik dito" sabi pa niya. "Ah bakit!? akala ko ba papasyal lang kayo sa lola mo dun?" nagtataka kong sabi sa kanya.  Nung isang araw nagpatulong siya sa'kin na bumili nang regalo ang sabi niya dadalawin lang daw nila ang lola niya dun. Kaya pala napaka seryoso nang mukha nya. "Yun nga rin ang alam ko." "Biglaan lang best, kahit ako nagulat rin. Si lola kasi kailangan nyang may kasama sa bahay, nagkasakit kasi siya at medyo mahina pa ang katawan, kaya kailangan niya nang may mag-aalaga sa kanya kaya kailangan kong maiwan sa kanya dun"  Si Blessie lang ang nag iisang apo dahil solong anak lang ang daddy nya.  "Hindi naman pwede maiwan si daddy dun dahil kailangan sya sa company at syempre si mommy kailangan din sya ni daddy dito. Kaya ako lang ang pwede. Gusto kong tumutol best pero wala akong magawa nag aalala din ako kay lola.” Naiyak ako kaya niyakap ko din sya. "Best alam kong mahirap din para sayo ang gagawin mo, pero kailangan mong gawin alang alang sa lola mo. Isipin mo nalang nagbakasyon ka lang at babalik ka din." sabi ko para kahit papano mapagaan ko ang pakiramdam niya. Mahabang katahimikan, walang gustong magsalita nagpapakiramdaman lang kaming dalawa. "Pano ang pag aaral mo?" basag ko sa katahimikan. "Itutuloy ko nalang siguro dun" sabi niya nang malungkot pa rin. Tinitignan ko siya habang tulala pa rin "B-est lagi mo akong tatawagan o kaya imemessage ah! lagi mo rin akong babalitaan.” "Oo naman!” sabi ko at muli na naman kaming nagyakapang dalawa. Naisip ko si Blessie na nga lang ang kasa kasama ko tapos aalis pa at iiwan ako. Nasanay na ako sa kanya, siya lang ang lagi kong kasama dito at nasasabihan ko nang problema at mga iniisip ko. Naikwento n'ya sa'kin dati na ang lola daw niya ang nag alaga sa kanya simula nung bata sya, kaya hindi niya matiis na hindi puntahan ngayon kailangang kailangan siya nito.  Ilang araw nalang aalis na siya kaya sinulit namin ang bawat araw. Lagi kaming lumalabas pag wala nang kaming klase, nanunuod nang sine, kumain sa labas kaya laging gabi na ako nakakauwi nang bahay. "Best si Lawrence! Hindi mo ba napapansin lagi siyang nakatingin sayo?" tanong nya sakin habang naglalakad kami hallway.  Tumingin ako sa kanya "Hindi naman bakit?" "Minsan kasi pag hindi kita kasama nakakasalubong ko siya hinahanap ka! minsan naman pag kasama kita nakikita ko s'yang nakatingin lang siya sayo."  "H-hayyy naku baka nagkataon lang! ang dami kayang nagkakagusto dun, ewan ko lang kung mapansin ako nun. Hindi ba sabi mo dati sa’kin wala naman siyang pinapansin na babae?" pero sa totoo lang, kahit ako man napapansin ko din pagkatapos nang nangyari sa canteen lagi ko siyang nakikitang nakatingin sa'kin. Ayoko nalang bigyan nang kahulugan, baka mali pala ako nang hinala. “Hindi pa ba siya nagtapat nang nararamdaman niya sayo? iba kasi makatingin.” dagdag pang sabi niya. “Hmmm... pag-aaral muna ang priority ko sa ngayon.” Sabi ko nalang sa kanya. Gusto ko talagang makapagtapos muna nang pag-aaral bago ko pagtuunan nang pansin ang mga bagay na yon. Kinikilig siyang bumulong sakin “Best! Malay mo baka nabighani mo siya sa mala dyosa mong kagandahan. Tsk… tsk…” pinapungay pa niya ang mga mata niya nang tumingin sa'kin, natatawa nalang ako sa mga pinag gagagawa niya. ANG bilis lumipas nang mga araw nakaalis na agad si Blessie. Hindi parin ako sanay na walang kasama, hinahanap hanap ko parin ang presensya nang bestfriend ko. Magmula nang mangyari ang insidente sa canteen hindi ko alam kung sadya ba o talagang nagkakataon lang na lagi kaming pinagtatagpo ni Lawrence. Ngingitian ako pag makakasalubong ko siya. Minsan kahit nasa malayo siya nakikita ko pang nakatingin lang sa'kin. Late na akong nakalabas nang classroom kanina, kaya pagdating ko nang canteen marami nang tao. Naghahanap ako nang mauupuan nang may biglang tumawag sa pangalan ko. "G-IANNAaa!”  Lumingon ako hinahanap ko kung sino hindi ko naman makita sa dami nang tao. Hanggang sa itinaas niya ang isa niyang kamay, dun ko palang nakita na si Ryan pala. Nakita ko na kasama niya si Lawrence, nakaupo sa harapan niya at nakatingin din sa'kin, bumilis bigla ang t***k nang puso ko. Ayoko sanang tumabi sa kanila baka hindi ako makakain pero wala akong makitang bakanteng mauupuan. Malalate ako kung hindi pa ako sasabay sa kanila. Wala akong nagawa kaya pinuntahan ko nalang sila. "Dito ka nalang umupo sa tabi ko" sabi ni Ryan sa'kin. Umupo nga ako sa tabi niya "Salamat" sabi ko. "Oh bat mag isa ka lang?! Hindi mo ba kasama Bestfriend mo?." hindi pa pala nila alam na wala na dito si Blessie.  Nakita nila bigla akong nalungkot pagka banggit nang pangalan niya. "Umalis na siya kahapon pa! pumunta na nang ibang bansa. At doon na rin niya ipagpapatuloy ang pag aaral niya." malungkot kong sagot sa kanila Kailangan daw kasi sya nang lola nya doon." Nakatingin sila sa’kin at nakikinig "A-ahh kaya pala kita sa mga mata mo ang lungkot!"  "Kung kailangan mo nang makakasama, nandito lang kami ni Lawrence diba pare?" tumango naman si Lawrence bilang sagot. "Oh kaya kung may kailangan ka sabihan mo lang kami ‘wag kang mahihiya sa'min nang kaibigan ko."  Ngumiti ako "Salamat!" sabi ko. "Pare magsalita ka naman!" sabi ni Ryan kahit bulong narinig ko parin iyon. Magkatabi kami ni Ryan at nasa harapan ko naman si Lawrence. Hindi ako makakain naiilang ako kay Lawrence bawat subo ko nakikita ko nakatingin siya sa'kin, nagkunwari nalang akong hindi ko siya nakikita. Tapos na ang huling klase namin pauwi na ako napansin ko si Lawrence na parang may hinihintay sa labas. Nagkubli muna ako, at hihintayin ko pa sana s'yang umalis bago ako bumaba, nakaupo siya sa harap nang building namin bumilis bigla ang t***k nang dibdib ko.  Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pag nakikita ko siya, o kahit marinig ko lang ang pangalan nya.  Kalahating oras na ang lumipas hindi pa rin sya umaalis sa kinauupuan niya, kaya nag pasya na akong bumaba na. Tumayo s'ya nang makita akong naglalakad. "Oh Lawrence! may hinihintay ka?" tanong ko kahit sa totoo lang kinakabahan ako.  Tila naman siya nahiya "Oo i-kaw! p-pauwi na talaga sana ako, naisip ko kasi wala kang kasama kaya hinintay kita para isabay na s-sana..." Napakamot pa siya sa kanyang batok. Nabigla ako kaya hindi agad ako nakapagsalita. Hinihintay niya akong sumagot. Nahiya naman akong tumanggi dahil naghintay na siya nang matagal kanina kaya pumayag na ako. Nakasakay na kami sa sasakyan niya pero hindi pa rin kami umaalis.  Tumingin siya sa gawi ko "Pwede bang kumain muna tayo bago kita ihatid sa inyo?" nag-aalinlangan niyang tanong sa’kin. Bigla nyang hinawakan kamay ko "P-lease..." tumango nalang ako sa kabiglaan. Ang lapit nang mukha niya sa'kin nalalanghap ko ang mabango nyang hininga akala ko hahalikan niya 'ko, parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang kaba.  "Here! wear your seatbelt." siya na rin ang kusang naglagay dahil hindi ako makagalaw sa sobrang lapit niya. Hindi ko pa sya ganun kakilala. Nabibigla nalang ako sa bilis nang mga nangyayari. Pagkatapos naming kumain hinatid nya ako sa bahay. Nagulat na naman ako at nagtataka, dahil bakit alam niya kung saan ako nakatira? wala naman akong natatandaang sinabi ko sa kanya. Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako nang pinto "Salamat sa dinner at sa paghatid Lawrence! Mag-iingat ka sa pag uwi." sabi ko. Tumango lang siya bilang tugon "P-wede ko bang makuha yung phone number mo? at pwede din ba kitang tawagan sa phone Gianna--?" tumago ako at ibinigay yung number ko. Hihiga na sana ako nang biglang mag vibrate yung phone ko, binuksan ko hindi nakaregister yung number "+639*********: Nag enjoy ako Gianna. Salamat, see you tommorow.... -Lawrence." sabi nang mensahe, hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi ko nalang siya nireplayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD