Chapter 35 ILANG buwan nalang mula ngayon kaarawan na si Gian, kaya gusto ko siyang bilhan nang regalo. Nagpasama ako kay Raychelle para ibili siya nang damit at sapatos. Balak naming isama sana siya kanina ngunit hindi pumayag si Nay Melba dahil katatapos lang niyang nagkasakit baka mabalikan daw siya kaya dalawa na lang kami ni Rachelle ang umalis. Nauna na namin siyang naibili nang damit kaya sapatos nalang ang kulang. Busy kaming tumitingin nang mga sapatos para sa kanya, tinatanong ko pa nga si Rachelle kung kakasya ba kay Gian ang sapatos na hawak ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Napahinto ako sa gulat hindi muna ako lumingon pero kilalang kilala ko ang boses na ‘yon. “G-Gianna--!?” “Gianna!? Best ako ‘to si Blessie, remember?.” Kahit kilalang kilala ko ang bose

