Chapter Twenty One

2977 Words
Chapter Twenty One Dangerous TAHIMIK lang ako habang sinusundan maglakad si Denisa. Pabalik na kami ngayon sa dormitory matapos ang hindi kompotableng naging usapan namin nila Khalil at Carter. Siguro ay hindi lang ako sanay sa gaanong klaseng ugali niya. Masyado kasi siyang... Palakaibigan. Parang sa sobrang palakaibigan nga niya ay hindi ako gaanong nagiging komportable kaya kahit papaano ay naginhawahan ako nang biglang sumulpot ulit si Denisa para hilahin ako paalis sa sitwasyon na iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti. Lagi talaga siyang nandyan para sagipin ako. Para siyang secret agent kung kumilos at bayani sa pagliligtas ng araw ko. Walang kibong pinihit ni Denisa ang doorknob para buksan ang kwarto ng aming dorm. Agad siyang sumalampak sa isang kalapit na upuan para tanggalin ang kanyang sapatos at medyas. Sa isang linggo ko rito ay medyo alam ko na ang routine ni Denisa. Pagkatapos ng klase at nakauwi na kami sa dorm ay agaran siyang maliligo. Noong una pa nga ay pinagsabihan ko siya na hindi maganda ang ganoon dahil baka mapasma pa ang paa niya dahil buong araw siyang nakasapatos pero binabalewala lang niya ang mga sinasabi ko. Sabi niya ay wala naman daw siyang paki kung anong mangyari sa kanya kaya naman hindi ko na rin siya pinakekealaman pa sa mga bagay na gusto niyang gawin. Kaya naman dumiretso nalang ako sa kama para maupo at tanggalin ang sarili sapatos at medyas. Ipapahinga ko muna ito. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung sakali mang mapasma ang paa ko pero nakasanayan ko na rin kasi na ipahinga muna ito dahil iyon ang laging binibilin nila nanay ay tatay sa akin palagi. Bumuntong hininga ako saka ibinagksak ang kalahati ng katawan sa higaan habang ang mga binti ko naman ay nakatapak pa sa sahig. Habang tulala akong nakatingin sa kisame ng aming kwarto ay narinig ko ang pagsara sa pinto ng banyo. Mukhang pumasok na si Denisa para maligo. Bumuntong hininga ulit ako sa gitna ng katahimikang bumalot sa paligid. Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko maiwasan na ma-miss sila nanay, tatay, at ang dalawa kong nakababatang kapatid na sila Porty at Priscy. Gustong-gusto ko na sila ulit makita at makausap kahit sandali pero wala kasi akong cellphone na pwedeng gamitin para ma-contact sila. Sila nanay at tatay ay meron, dati rin ay meron ako pero binigay ko na ang lumang cellphone ko sa kapatid kong si Porter dahil tingin ko ay mas kailangan niya iyon sa pag-aaral. Isa, tingin ko naman ay hindi hamak na mas magaling siya sa pag-aaral kaya naman gusto rin siyang suportahan nang buong makakaya. Matalino talaga ang kapatid kong iyon. Para siyang si kuya Asher na magaling din noong nag-aaral pa siya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang maalala nanaman iyon. Si kuya Asher... Nam-miss ko na rin siya. Parang lumabo ang paningin ko habang nakatitig sa kisame at mayamaya ay napagtanto ko na luha pala ang dahilan. Hindi ko talaga maiwasang maging emosyonal kapag si kuya Asher na ang usapan. Nasa kalagitnaan ako sa pagpupunas ng mga luha nang bigla kong narinig ang pagpihit ng doorknob. Parang awtomatikong napaayos ng upo ang katawan ko nang matanaw ang ulo ni Tiffany na kasalukayang papasok sa loob ng kwarto, sa likod niya ay nakasunod na rin si Victoria na kasalukayang ngumungiya ng tingin ko'y chewing gum. Niyakap ko ang tuhod ko habang nakasandal sa pader. Nang magtama ang paningin namin ni Tiffany ay agaran niya akong inismiran. Umikot din ang mga mata ni Victoria pagkatapak na pagkatapak ng mga paa niya sa kwarto. Sanay na ako sa ganitong klaseng ekspresyon na ipinupukol nila sa akin tuwing magkikita kami rito. Sa totoo nga lang ay hindi naman kami madalas nagkikita, isang beses ko palang ata sila nakasalubong sa campus at minsan ay hindi pa sabay-sabay ang uwi namin dito sa dorm. Kadalasan ay sa gabi, bago matulog, ay doon lang talaga kami nagkakakitaan. "Tss..." Iritadong itinapon ni Tiffany ang kanyang kulay pink na bag sa higaan. Habang si Victoria naman ay prente nang nakaupo sa isang couch malapit sa double deck nila para magtanggal ng kanyang sapatos na mukhang pinagsamang black shoes at bota. Tahimik lang si Victoria sa ginagawa niya pero kapansin-pansin ang pagk-krus ng kanyang mga kilay na animo'y wala siya sa mood ngayon. Mukha naman talag silang laging wala sa mood... Lalo na sa akin pero ngayon ay parang talagang iritado ang datint ng kanilang presensya. "This place sucks," inis na bulong-bulong ni Tiffany bago humilata sa kanyang higaan, ni hindi man lang nag-abalang tanggalin ang kanyang sapatos na kagawig ng kay Victoria. Pinatong niya ang kanyang braso sa mukha na parang pagod siya sa mga nangyari ngayong maghapon. "Yeah, it really sucks. I just wanna get get rid of this room and find a more decent one," sagot naman ni Victoria sa kanyang kaibigan. Mas malakas ay hindi hamak na iritado ang boses niya kumpara kay Tiffany. Naging agresibo rin ang pagnguya niya ng chewing gum na animo'y handa siyang makipag-awa ano mang oras. Palihim akong napalunok ng laway. Parang bumigat ang dibdib ko at biglang kinabahan, sa tingin ko ay hindi magandang nakikita nila ako ngayon habang maiinit ang ulo niya. Parang kailangan ko muna ata lumabas ng kwarto at mauna na sa cafeteria. Pero naalala ko na kailangan kong hintayin munang matapos maligo si Denisa, lalo na't kapag siya ay lagi naman niya akong hinihintay. Namalayan ko nalang na kinakagat ko nanaman ang kuko ko dahil sa pagsisimula nanaman ng aking pagkabalisa. "I swear... Mangongolekta talaga ako ng maraming points ngayong taon. I'll do that so I can immediately get out of this suffocating s**t of a room," bulalas ni Tiffany habang nakatakip pa rin ang braso sa kanyang mukha. "I agree. Isa pa, what makes this room even more unbearable is the fact that we have to share this with some good-for-nothing probinsyana girl who always likes to seize the spotlight with her paawa facade," umikot ulit ang mga mata ni Victoria saka binalibag ang sapatos sa gilid ng kanilang higaan bago nag-dekwatro sa couch na inuupuan. Buong tapang niyang sinalubong ang mga mata ko gamit ang iritado niyang mukha. Agad akong napaiwas ng tingin dahil hindi ko kinaya ang intensidad nito. Hindi ko maintindihan pero tingin ko ay ako ang babaeng tinutukoy niya kanina. Pero... 'probinsyana girl who always likes to seize the spotlight with her paawa facade' ang sabi niya. Hindi ko naman gusto ang atensyon na nakukuha ko mula sa mga tao dahil sa mga pagkakamali ko na nagdudulot lang ng kahihiyan sa akin. Baka nagkakamali lang ng akala si Victoria sa akin. Gusto ko rin sanang magsalita pero parang may bagay na nakabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makabuo ng kahit anong salita man lang. Lagi nalang ako nawawalan ng lakas na magsalita sa mga ganitong pagkakataon. "True. Akala naman niya she can climb her way to the top with her cheap tactics. As if..." Medyo tumaas ang tono ng pananalita ni Tiffany tapos ay inalis ang brasong nakatakip sa kanyang mukha. Bumangon siya nang kaunti sa pagkakahiga bago sumandal sa headboard ng kanyang higaan. "...what a pathetic girl. She thinks that her fraud innocence is enough to seduce the Alpha of this school. Oh no, scratch that, she actually thinks that she can seduce every single man in this school with her stupid stuttering techniques and clumsy antics. Ha! I can't wait to see ger expression once she meets Epsilon," Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko habang pinakikinggan ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Tiffany. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakakapanikip ito ng dibdib. Kung ako man ang tinutukoy niya sa mga sinasabi niya--hindi ko alam kung paano ito pabubulaanan. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano nanaman ang nagawa kong mali para pag-isip sila nang ganito. Pero siguro ay may kaunting katotohanan sa mga sinasabi nila? Siguro kaya sila nakakapag-isip nang ganito ay dahil naiinis sila sa paraan ng pagkilos, pananalita, o pakikitungo ko sa ibang mga tao sa paligid ko? Yumuko ako at halos ibaon na ang mukha sa nakatupi kong tuhod. Hindi ko naman sila masisisi kung ganoon nga dahil totoo naman sigurong nakakairita akong makausap o makita man lang. Wala naman talagang tao na gugustuhin akong makasama at maging kaibigan dahil hindi ako katulad nila. Siguro kahit kailan ay hindi ako tutugma sa hugis ng lipunan. Tama, ayos lang siguro na mairita sila sa akin o mainis dahil isa lang naman akong tao na walang karapatan para magkaroon ng isang kaibigan... Nang tuluyan ko nang ibinaon ang mukha ko sa aking tuhod ay saka ko narinig ang bayolenteng pagbukas ng pinto ng banyo. Napuno ang kwarto ng isang napakatapang na amoy na maihahalintulad sa pabango ng isang lalaki. Pamilyar ang amoy na ito dahil iyon lagi ang amoy na pumupuni sa kwarto tuwing natatapos maligo si Denisa. "Ugh, that potent scent again..." Dinig kong reklamo ni Victoria. Iniangat ko ang ulo ko at namataan sila Victoria at Tiffany na nagtatakip ng ilong. Dumukot ng spray si Tiffany sa kanyang bag saka in-spray-an ang hangin at pinaypayan. "This girl really doesn't really have a taste for perfume," singhal ni Victoria. "Kung ayaw mo 'kong maamoy, humiram ka ng oxygen tank sa clinic," malamig na sagot naman ni Denisa bago humarap sa full-length mirrror namin dito sa kwarto. Halata sa mga mukha ni Tiffany at Victoria ang disgusto sa sinabi ni Denisa. "Argh. I really hate it here! We have such imbecile roommates. One is a manipulative social climber while the other one is an uncultured swine," inis na reklamo ni Tiffany na napapadyak pa sa unan sa kanyang paanan. "Edi matulog ka sa corridor, roommate kayo ni manong Mario. Laki ng problema, ah," biglang bwelta ulit pabalik ni Denisa sa kanya habang tinatanggal ang tuwalya sa kanyang ulo. Napakagat ako sa labi habang pinapanuod ang tensyon na unti-unting nabubuo sa loob ng kwarto. Napaisip ako sa sinabi ni Denisa, si manong Mario ay isa sa mga nakilala kong Janitor na naglilinis dito sa dorm tuwing umaga. Balak ba ni Denisa na palayasin sila Tiffany at Victoria at hayaan silang matulog kasama si Mang Mario sa labas? "See what she just said, Vicky? She really knows nothing about etiquette and good manners. Gosh, hindi ko alam kung ba't siya napasok sa school na 'to," hindi makapaniwalang utas ni Tiffany. "Right! Didn't know that uncultured swines are capable of being qualified here. Well, she probably has a connection or something," segunda naman ni Victoria na para bang wala ang taong pinag-uusapan nila sa kwartong ito. "Yeah, maybe she doesn't look well-off, anyway. Sikat lang naman siya rito dahil sa pagiging takaw-gulo at mainitin ng ulo niya. She doesn't fit any of the standards that a decent  student must possess. Maybe, the rumors are true. That the only reason she's here is because she and her mother is being funded by a stinky sugar daddy--" Natigil sa pagsasalita si Tiffany nang biglang may bumulusok na baraha sa harapan niya. Kahit ako ay natutop ang labi dahil sa talim ng dating ng pagkakatapon ng barahang iyon. Hindi man nito nagawang bumaom sa pader sa gilid ni Tiffany pero tingin ko ay sapat na iyon para galusan siya kung sakali mang sa balat niya ito tumama. Napalunok ako ng laway bago binaling ang tingin kay Denisa. Siya lang ang kayang makapagtapon ng baraha sa ganoong paraan. Mabilis ang paghinga niya habang nakatingin sa harapan ng aming full-length mirror. Sa kanyang kanang kamay ay may dalawa pang baraha na nakaiipit sa mga daliri niya. Hindi ko alam kung saan at paano niya naitatago ang mga barahang iyon pero alam ko na kakaiba talaga si Denisa. Imbis na matakot ay hindi ko nanaman napigilan ang sariling mamangha sa angkin niyang kakayahan. Para talaga siyang isang secret agent! Samantala, napuno ng katahimikan ang buong kwarto. Halatang nagulat si Tiffany sa naging aksyon ni Denisa. Maging si Victoria na nakaupo sa kalapit na couch ay bahagya ring nakaawang ang labi. Para bang hindu sila makapaniwala sa nangyari. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ni Denisa sa kanila pero nakakagulat pa rin talaga. Binalik ko ulit ang tingin kay Denisa at napansin na humigpit ang hawak niya dalawang baraha sa kamah niya at halos mayupi na ang mga ito. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "Kung wala kayong disenteng sasabihin, mabuti pang lumayas nalang kayo sa kwartong ito dahil baka dugo na ang susunod niyong maamoy," marahan ang pagbigkas ni Denisa sa bawat salita sa pamamagitan ng isang mababaw at malamig na tono. Napakagat ako ng kuko dahio sa pinaghalong takot at pagkamangha sa aura niya ngayon. Nanginig ang labi ni Tiffany at parang may gusto pa sana siyang sabihin pabalik pero sinara nalang niya ulit ang labi niya bago madabog na nagmartsa palabas ng kwarto nang walang sinasabi. Gulat namang napabangon si Victoria at tarantang sinuot ulit ang kanyang black shoes na mukhang bota bago hinabol ang kaibigan. "W-Wait, Tiff!" Hiyaw niya at nagkumahog na lumabas ng kwarto kahit na hindi pa maayos ang pagkakasuot sa sapatos. Ang nagmamadaling pagsara ni Victoria sa pinto ang huli kong narinig bago nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Kami nalang ulit ni Denisa ang nandito sa loob. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa loob ng kwarto. Kinakagat ko ang kuko ko habang tinatantya ang mood ni Denisa. Hindi ko alam kung magandang ideya bang kausapin siya ngayon dahil mukhang siya naman ang iritado pero hindi ko kayang tagalan ang ganitong klaseng katahimikan mula sa kanya. "U-Uhm. A-Ayos ka lang ba, Denisa?" Hindi ko alam kung magandang panimulang tanong iyon pero gusto ko pa ring itanong. Hindi ko kasi alam pero parang naapektuhan siya sa mga pinagsasabi nila Tiffany at Victoria kanina. Tumingala si Denisa at pumikit. Para bang pilit na kinakalma ang sarili. Bigla nanamn tuloy akong nabalisa, tingin ko ay iritado talaga siya. Nagpakawala ulit siya ng isang mukhang inis buntong hininga bago idinilat ang singkit niyang mga mata. "Nakakataas talaga ng prisyon ang dalawang clown na iyon," inis na sinabi niya habang nakatingin ang blangkong mga mata sa kisame. Umiling-iling pa siya bago itinapon sa sahig ang dalawang lukot na barahang gamit niya kanina saka siya humarap ulit sa salamin para suklayin ang maikli niyang buhok gamit ng kanyang mga daliri. Linunok ko ang laway na nakabara sa lalamunan habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. Mukhang maayos na ulit siyang kausapin? Huminga ako nang malalim bago pinilit na ngumiti. "Ah, hehe. G-Ganoon lang siguro talaga sila," sabi ko. Tingin ko naman ay may kabutihan pa rin naman sa loob nila dahil kung hindi ay hindi sana nilang pinahahalagahan at itinuturing kaibigan ang isa't isa. Siguro ay sadyang hindi lang naging maganda ang simula ng pagsasama naming apat sa kwartong ito kaya naging maasim ang pakikitungko nila sa amin ni Denisa. "Ganoon lang talaga sila?" Hindi makapaniwalang inulit ni Denisa ang naging sagot ko. "Parang wala lang sa iyo ang mga pinagsasabi nila kanina? Nasa banyo palang ako rinig ko na ang mga pagbubunganga nilang nakakairita tapos para sa iyo, wala lang ang mga iyon?" Malamig ang pagbitaw niya sa bawat salita. "Tsk. Hindi ko alam kung inosente ka lang talaga o ignorante na..." May ibinulong pa siyang kung ano pero hindi ko gaanong naintindihan dahil medyo mahina. Kinamot ko naman ang batok ko at pilit na inisip kung papaano ako sasagot nang hindi siya mas lalong mairita. "B-Baka sadyang nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan kaya nasasabi nila ang mga g-gaanoong bagay tungkol sa akin," nahihiya kong ani. Nahagip ng mga mata ko ang pag-irap ni Denisa sa harapan ng salamin bago niya iyon tinalikuran para humarap sa akin. "Hindi mo talaga alam kung bakit ganoon ang pakikitungo nila sa iyo?" Seryosong tanong niya sa akin. Kumurap-kurap naman ako habang tinititigan ang seryoso niya mga mata. "U-Uh, 'di ba... medyo masungit naman talaga s-sila? Pero sanay naman na ako sa ganoong ugali nila," "Oo tama ka, natural na demonyita talaga ang dalawang iyon pero hindi mo ba napapansin na mas naging agresibo sila ngayong araw na ito?" Tanong ulit ni Denisa. Napaawang naman ang mga labi ko at pilit na inisip kung ano ang gustong iparating ni Denisa pero sadyang hindi ko maisip kung ano iyon. Nang mapansin niyang hindi ko alam kung anong isasagot ko ay napabuntong hininga ulit siya na para bang napapagod siya sa usapang ito. Kinagat ko ulit ang labi ko. "Ang dahilan kung bakit iritado sila ngayon, maging ang ibang mga kaklase natin ay dahil unti-unti kang napapalapit sa apat na iyon," si Denisa na mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong. Kumunot naman ang noo ko at mas lalong naguluhan. "S-Sino... Sino ang apat na taong tinutukoy mo?" Wala naman akong kilalang tao ba nakakausap sa eskwelahan na ito maliban 'kila... "Sino pa edi sila Sygmund at ang mga alagad niyang parang kabute," halos iritadong sagot ni Denisa. Nanlaki naman ang mga mata ko. Sila Sygmund? Bumilis ang t***k ng puso ko ng nang dumaan sa isip ko ang mukha niya. "Tsk..." Ani ni Denisa nang mapansing nanahimik ako nang banggitin niya ang panagalan ni Sygmund. Umirao ulit siya ng isang beses bago diretsahang tumingin sa mga mata ko. "Delikado silang tao kaya hindi maganda na napapalapit ka sa kanila," seryoso niyang ani. Napawi naman ang ngiti na hindi ko namalayang dumapo sa labi ko saka ako napatingin kay Denisa. Layuan? "B-Bakit mo naman sinasabi iyan, Denisa?" Bakit niya sinasabing mapanganib silang tao? "M-abait naman si Sygmund at... m-matulungin. B-Baka nagkakamali ka lang," depensa ko. Hindi nagsalita ng ilang segundo si Denisa at nanatili lang na nakatitig ang malalamig niya mga mata sa akin bago siya umiling at tinalikuran ako para humarap ulit sa salamin. "Marami ka pang hindi nalalaman. Basta binabalaan kita, habang napapalapit ka sa kanila, mas mapapalapit ka rin sa peligro," -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD