Chapter Nineteen

1996 Words
Chapter Nineteen Trouble A G A P E TULALA AKO habang naglalakad pabalik sa aming dorm. Katatapos lang ng Clique Assembly at pinahintulutan na kami ni Sandra na bumalik sa dormitory para makapagpahinga. Pero hanggang ngayon, parang lumulutang pa rin ang isipan ko. Hindi ko lubos maisip na ang inaakala kong payapang meeting na iyon ay nauwi sa hindi inaasahang pangyayari. Bigla ba namang pumasok nang walang pasabi ang misteryosong lalaking iyon. Tapos, tingin ko pa ay hindi nasa mabuting estado si Sandra at ang lalaki, para bang may kinikimkim silang negatibong emosyon sa isa't isa. Kaya tuloy kahit na umalis nang wala ring pasabi ang lalaki ay hindi pa rin nawala ang kakaibang tensyon sa loob ng conference hall. Hanggang sa matapos ang assembly, naririnig ko pa rin ang bulungan ng iilang mga estudyanteng naroroon din kanina at nakasaksi ng mga pangyayari. Pinag-uusapan pa rin nila ang tungkol sa mga kaganapan kanina. Nahagip pa nga ng mga mata ko kanina na sumusulyap-sulyap din sila sa akin na parang tungkol sa akin ang pinagk-kwentuhan nila. Nakayuko tuloy akong naglalakad ngayon dahil hindi ako kumportable sa mga tingin nila sa akin. Pero kung sabagay, siguro ay kasalanan ko naman dahil kung naging masinop lang sana ako sa gamit at kung sana ay hindi ko naiwala ang Clique Card ko ay hindi mangyayari ito. Hindi sana nagulo ang assembly. Na-late na nga ako ng dating, nagdulot pa ako ng hindi kanais-nais na komosyon sa conference hall. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa panlulumo sa sarili. Pakiramdam ko ay sinabutahe ko ang kauna-unahang Clique Assembly ngayong tao. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naglalakad. Pero kahit naman may kaunting tensyon na natira noong umalis ang lalaki, kahit papaano naman ay hindi nawala ang poise ni Sandra kaya hinahangaan ko siya sa bagay na iyon. Nagawa pa rin niyang maituloy ang assembly na para bang walang nangyari. Maayos niyang na-explain ang mga mga bagay-bagay sa mga kagaya kong transferees at sa mga freshmen din. Na-orient niya kami nang maayos tungkol sa clique na kinabibilangan namin ngayon. Reconcilers... Inangat ko ang kamay ko para pagmasdan ang suot na relo habang patuloy na naglalakad. Kakaiba talaga ang relong ito, hindi ko mapigilanh mapahanga nang patuloy na pinaliwanag ni Sandra ang mga bagay na kaya ng relong ito na tinatawag nilang White Guardian. Naalala ko pa kung paano niya iyon ipinaliwanag kanina... "Gaya ng nabanggit ko kanina, clique watches are designed to monitor the students' conducts and behaviors wether we act according to what is expected from us. Hence, The White Guardian is no different from the other clique watches. This beloved watch exclusively monitors the actions of the students who are under thr Reconcilers clique," naglakad si Sandra sa gitna ng mini stage habang nagpapaliwanag. Isang mala-anghel na ngiti ang lumapat sa labi niya bago siya huminto sa paglalakad para pagmasdan kaming lahat. "For the new students, you might be wondering how can this simple watch monitor each one of us?" Patanong niyang ani pero mayamaya ay siya rin ang sumagot. "To answer that probable question, let me introduce you to the C-System..." kumumpas ang kamay ni Sandra tapos ay biglang nag-flash sa malaking white screen sa likod niya ang mga katagang: C-System: The Revolutionary Way to Study "A lot of few are already used to this term, some may only be familiar and some might still be oblivious to this concept so let me explain this for the sake of the orientation," Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga salitang naka-flash sa white screen. Pamilyar ata iyon, ah. Parang narinig ko na ata iyon--Ah! Parang may lumitaw na bumbilya sa ulo ko nang maalala kung saan ko narinig ang salitang iyan. Nabanggit nga pala iyan sa akin ni Denisa noong first day at bumibili kami ng pagkain sa cafeteria. Para makabili ka ng pagkain sa cafeteria, kailangan mo ng points pero hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa proseso kung paano iyon nakukuha. Basta ang alam ko lang, lahat ng iyon ay parte ng tinatawag nilang C-system. "At the start of a new school year, every student will have to undergo a certain Psychological exam which was exclusively developed by Libertio Academia itself. The clique where you will belong will be determined depending on the result of the said exam. Thus, all of us are here because the exam stated that our behaviors and principles are heavily influenced by moral conducts and peace-seeking attitude--that is why we are called the Reconcilers," naglakad ulit si Sandra papalapit sa white screen. Kinumpas niya ulit ang kamay at lumipat ng slide ang presentation at nag-flash sa screen ang picture ng isang clique card na may logo ng kalapati at araw; ang clique card naming Reconcilers. "Now, may I ask you to hold your clique cards?" Tanong ni Sandra sa amin. Nilabas naman ng mga estudyante ang mga kanya-kanyang clique cards. Nakayuko naman ako habang hawak-hawak ang sa akin. Medyo nahihiya pa rin ako dahil naalala ko ang eksenang ginawa ng lalaking iyon dahil sa katangahan kong iwala ang bagay na ito. "Each students were given their own clique cards depending on the cliques their in. Now, these cards are extremely important. Consider this as your debit or credit card inside this school but instead of spending with money, you use points. At the start of a new school year, every students will be given a provisional balance or points which they can use for their transactions within the first week of school. However, after this Clique Assembly, you will not be recieving provisional balance anymore. So gaining a decent amount of points requires a competetive academic performance. If you are able to have a good marks during your quizzes, tests, or exams, you will automatically earn points. But if you want to earn MORE points, then you need to accomplish your weekly and monthly tasks..." Kumurap ako ng tatlong beses at sinubukang i-digest ang mga sinabi niya. Tasks? Tama ba ang narinig ko? "So, what are the weekly and monthly tasks? These tasks are the activities or challenges that all of us need to accomplish in order to gain extra points. Most tasks are individual but in some cases, it requires a group effort from the clique members. We receive a notification about these tasks through the White Guardian," itinaas ni Sandra ang kanyang kamay para ipakita ang kanyang relo. "The White Guardian will vibrate when a notification about your weekly or monthly tasks appear," Napanganga ako. Aba, iba talaga ang eskwelahan ng mga mayayaman! Namimigay sila ng ganito ka-hightech na relo? "Aside from that, you can also check your current clique card balance through the White Guardian too. Just press the barcode on top of the watch and it will automatically scan it for you," ipinakita sa amin ni Sandra kung paano niya tinapat ang kanyang clique card sa taas ng relo kaya ginaya ko rin ang ginawa niya. Hinanap ko ang barcode sa card tapos ay itinapat ko iyon sa monitor ng relo, mayamaya lang ay may sunod-sunod na nag-popout  sa screen. Analyzing Student's Identity... 5% 50% 100% Analysis Complete! Agape Cristobal Provisional balance: 100 points Napanganga ulit ako habang tinititigan ang White Guardian. Grabe, ang astig pala talaga ng relong ito! "Now that you have registered your identity to your respective watches, expect to receive your weekly tasks by next week. Good luck..." Bahagya akong napangiti habang pinagmamasdan ang relo. Noong natapos ang assembly ay dito ko nalang binuhos ang atensyon para hindi mapansin ang paninitig ng iba. Pinanggigilan ko itong pindot-pindotin. Nakakamangha dahil para siyang isang maliit na touch screen cellphone. May iba't ibang software na pwede mong gamitin--kulang nalang ay games. Sayang mas masaya sana kung meron ganoon dito-- "Aray! Tambina naman, oh!" Natigil ako sa paglakakad nang hindi ko inaasahang may mabanggang tao. Medyo nawalan pa ako balanse at muntik nang matumba sa semente pero buti nalang ay hindi natuluyan. Samanta, ang tao namang nabangga ko ang natumba. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing nakasalampak siya sa semento at mukhang natapon at nagkalat pa ang laman ng mga dala niyang paper bag. "Bwiset naman, oh! Hindi tumitingin sa dinadaanan!" Irita sabi ng lalaki habang sinusubukang lumuhod para pulutin ang mga natapon niyang paper bags. Napansin ko na may kasama pa siyang isang lalaki na umupo rin para tulungan siyang pumulot. Nanlaki ang nga mata ko sa pangyayari. Bakit ba lagi nalang akong may nababangga sa eskwelahan na ito? Napaka-iresponsable ko talaga! "S-Sorry po! Hindi ko sinasadya!" Paghingi ko ng tawad. Nakakahiya dahil lagi nalang akong humiginga ng tawad pero lagi lang din namang nauulit. "Tss. Sorry, sorry ka pa jan," bulong-bulong ng lalaki habang nagmamadaling pulutin ang naglakat na gamit. Samantala, tahimik lang ang kasama niya na tinutulungan siyang iligpit ang mga natapong laman ng paper bags. Pero halata sa itsura nila na para bang natataranta sila. Tumulo ang pawis sa mukha ng lalaking nabangga ko habang pinupulot ang mga gamit. Iyong kasama naman niya ay parang nanginginig pa ang kamay. Tatlong brown na paper bags iyon na may lamang maliliit na kahon. Sa kahihiyan ay yumuko rin ako para tulungan silang iligpit ang mga kahon sa loob ng paper bags. "S-Sorry po tala--" "BALIW KA BA?" Nagulat ako at hindi natuloy ang sinasabi nang biglang marahas na sinampal ng lalaki ang kamay ko noong tinangka kong hawakan ang isa sa mga kahon na natapon para sana tulungan siyang mamulot. Napaawang ang labi ko dahil sa hindi inaasahang inasta ng lalaki. "'Wag kang hahawak ng kahit ano sa mga 'to!" Singhal niya sa akin sa parang medyo kabadong boses. Lalo akong nagulat at naguluhan. Bakit bigla siyang nagalit? Gusto ko lang siyang tulungan para sana mapabilis ang trabaho. "P-Pero gusto ko lang naman kayong tulung--" "Hindi na namin kailangan ng tulong mo! Kaya pwede ba umalis ka na!" Inis niya ulit na bulyaw sa akin, halos magdikit na ang mga kilay niya sa iritasyon pero hindi mawala sa isip ko na parang may bahid ng kaba sa mga mata niya. Bigla naman siyang siniko siya ng kasamahan niya. "Hoy, Jojo tama na iyan. Bilisan nalang natin," awat sa kanya ng kasama niya bago ito tumingin sa akin. "Miss, kaya na namin 'to, pwede ka nang umalis," sabi niya sa akin. Ibinuka ko ang labi ko para sana magsalita pero hindi ko alam ang dapat sabihin. Medyo natulala pa rin ako habang pinagmamasdan ang lalaking nabangga ko na nagmamadaling kunin ang tumalsik na maliit na kahon hindi kalayuan. Tumalsik iyon noong marahas niyang tinampal ang kanay ko dahil sinubukan kong hawakan iyon para sana tulungan siya. Napaka-iresponsable mo taoaga, Agape. Nanlulumo akong tumayo habang pinapanuod silang hindi magkumahog na kunin ang mga naglakat na maliliit na kahon. Napansin ko pa na ang isa sa mga maliliit na kahon ay nawalan bumukas dahil sa pagkakatilapon sa semento kanina. Nakita ko tuloy ang laman... nanliit ang mga mata ko nang mapansing parang mukhang isang bote ng vitamins ang laman niyon. Napansin ng lalaking nabangga ko na nakatayo pa rin ako sa harapan nila at pinagmamasdan sila kaya kinunutan niya ulit ako ng noo. "Ano? Ba't nandito ka pa? 'Di ba sinabi na namin na umalis ka na--!" "Woah, woah, woah. Looks like some heated argument is happening here," Naputol ang sinasabi ng lalaki nang biglang may isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likod ko. Ang kaninang nagsasalitang bibig ng lalaki ay nakanganga nalang ngayon habang nakadirekta ang mga gulat na mata sa kung sino mang tao sa likod ko. Dahan-dahan naman akong lumingon para kumpirmahin kung sino iyon. Isang malapad na ngisi ang sumilay sa labi niya nang magtama ang mga tingin namin. "Isn't it amusing? Every time we see you, you always seem to be in some kind of trouble," Nanlaki ulit ang mga mata ko nang makumpirma kung kanino galing ang boses na iyon. Si Khalil! At kasama niya rin si Carter. -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD