It hurt. Ilang araw din akong lugmok at nakatulala lang. Matapos 'yong nangyari, hindi ko alam kung paano ulit mare-regain 'yong lakas ng loob at katawan ko. Para akong nanghina na lang bigla, e. Ang gara lang sa pakiramdam. Iyon 'yong unang beses na ipagtulakan niya ako ng gano'n. Lalo na no'ng sinabi niyang napapagod na siyang makausap ako... it was painful. Hindi ko maipaliwanag 'yong naramdaman ko noon. Halo-halo, e. Hindi ko in-expect na kaya niya 'yong bitawan. But maybe, he was right. Nakakapagod naman talaga ako. Ang dami niyang sinakripisyo para sa pagkakataon na 'yon tapos sinira ko lang. Pagod siya ngayon para sa pagkakataong 'yon tapos kinuha ko 'yon mula sa kanya. Mas nadagdagan lang ang pagod niya. Naiintindihan ko ang sinabi niya sa'kin. Kahit ako man, alam na nakakapag

