"Misaki." "U-Uh, uy..." Kumunot ang noo ni Chloe. "Sorry, nagulat ba kita?" Dahan-dahan akong umiling. "Hindi naman." "Sorry talaga, Misaki!" Umawang na lang ang labi ko nang yakapin niya ako ng walang pasabi. Ganito talaga silang dalawa ni Kira. Mahilig silang manyakap na lang bigla. Siguro normal na ito sa mga babaeng magkakaibigan? Ito kasi ang unang pagkakataon ko na maka-experience, e. Ang awkward naman kasi kung yayakapin ako noon ni Ezrel na wala namang dahilan, 'di ba? No'ng una, nagugulat pa ako at naiilang. Pero habang tumatagal, gumagaan na rin ang pakiramdam ko sa tuwing ginagawa nila ito. I just smiled a bit at let her hug me. "Okay lang 'yon, Chloe." "Bakit mo niyayakap si Misaki?!" Umangat ang tingin ko kay Kira na palapit sa'min. "Ako rin dapat!" Halos hindi na

