Ezrel seemed to be hiding something from me. Nitong mga nakaraang araw na nakasama ko siya sa bahay, ramdam ko na marami pa rin akong hindi alam sa kanya kahit na tingin ko, alam ko na halos buong buhay niya dahil sa 'di nauubos niyang kwento sa'kin. Hindi ko pa rin ulit nakikita si Ria kaya hindi ko pa ma-confirm sa kanya 'yong tinext niya sa'kin noon sa field trip. If nakita niya bang may nakasunod sa'king shinigami. Pareho nilang sinasabi na nakakakita sila ng shinigami pero hindi ko alam kung dapat ko ba silang paniwalaan. Masyadong maraming uncertain information na ang hirap i-process ng utak. Interested talaga ako sa shinigami pero ni hindi ko inisip na maaaring maging totoo sila. Pero kahit na gaano pa ako ka-interested no'n, hindi ko rin pinangarap na makakita ng isa. Tha

