Chapter 3

2648 Words
Yassmin's P.O.V "Nagbabasa ka din sa Book Reads?" tanong sakin ni Harry. Nag-angat ako ng tingin dito. "Oo naman, pampalipas oras lang, " sabi ko. Mahilig talaga akong magbasa, mapalibro man o sa mga online reading platforms. Ito ang nagsisilbing pampalipas oras ko. Hindi ako mahilig pumunta sa mga Malls dahil masyadong maingay. Sanay ako na inuubos ang oras ko habang mag-isa at nasa iisang lugar lamang. Sa sobrang busy ko kasi sa trabaho bilang isang Psychologist ay mas lalo akong walang oras para gumala o pumunta kung saan-saan kaya Book Reads ang napagtuunan ko ng atensyon. " Hahaha, nagbabasa din ako ng Book Reads eh, " natatawang sabi ni Harry. Hindi na ako sumagot dahil dumating na din ang order namin. Mukha ngang masarap ang mga ito dahil na din sa mabangong amoy na binibigay nito. Mas lalo akong nakaramdam ng gutom. Ilang minuto lamang ay lumipas ay natapos agad namin ang aming kinakain. Hindi ako makapaniwalang ganun kami kabilis natapos sa pagkain dahil madami ang serving ng bawat order namin. Burp! Malakas na dighay ko. Hala! " Sorry, Mr. Lee, " nahihiyang sabi ko dito. Nakakahiya ka, Yassmin! Singhal ko sa sariling isip. " It's okay, Hahaha, " sabi nito na pinipigilan lalong matawa. Namumula ako habang patuloy na kinakain ng kahihiyan.  Subalit sa kabila ng kahihiyang mararamdaman ay nagawa kong titigan ang mukha ng lalaking ito. Hindi ko akalain na makakasabay ko sa pagkain ang isang Harry Lee. Mas lalong hindi ko inaasahan na makikita ko itong tunatawa sa aking harapan, gayong kahit ako ang dahilan ay hindi ko magawang mainis. Napaayos ako ng pagkakaupo ng bigla itong tumingin sa akin. Ngumiti muna ito bago nagsimulang magsalita. " Are you excited on your first day, Ms. Smith? " Tanong nito. Sandali muna akong nag-isip bago sagutin ang kaniyang tanong. " Sa totoo lang po Sir ay medyo kinakabahan ako. Ibang-iba na po kasi ito sa workplace na nakasanayan ko. Medyo maingay sa company hindi kagaya ng Hospital na tahimik pero lamang po ang pagiging excited ko Sir- este Harry, " mahaba kong sagot habang naiilang pa sa gusto nitong itawag ko sa kaniya. " hmmm, so ayaw mo pala ng maingay na palagid? " tanong nito. " Yes, " diretso kong sagot. " Hindi ba maingay sa mental health centers? " tanong ulit nito. " Maingay naman po Sir pero hindi po ako sa mental health center nagtatrabaho dahil meron po akong sariling opisina at schedule maya po masasabi kong tahimik ang paligid ko, " muli kong sagot. " So, Clinical Psychologist ka pala? " tanong ulit ni Harry. " Yes," sagot ko ulit. Tumango- tango pa ito saglit bago lumingon sa gawi ng waitress na nagasikaso sa'min kanina. Nang makita ay kinawayan nya ito at saka sinenyasan na lumapit. Agad namang lumapit sa amin ang waitress. " Yung bill namin, please, " nakangiting sabi ni Harry. Tumango ang waitress at saka pumunta sa counter. Pagbalik ay dala na nito ang aming bill saka iniabot kay Harry. " Here's your bill, Sir, " magalang na sabi ng waitress. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ni Harry. Nakita kong bumunot si Harry ng 3k sa wallet nito. " Keep the change, " nakangiting sabi ni Harry habang ibinabalik sa waitress ang bill. " Thank you Sir at Ma'am, " nakagiting pasasalamat ng waitress sa amin. Ngumiti lamang ako dito. Agad itong nagpaalam sa'min at saka bumalik sa counter. Tumayo naman si Harry at naglakad papunta sa likod ng upuan ko saka ako inalalayan tumayo. Tumingin pa ito sa akin at saka ngumiti. Ngumiti din ako bilang ganti. " Thank you, " sabi ko nang makatayo. Nakangiti itong sumenyas sakin na mauna sa paglalakad papalabas ng restaurant. Tumikhim pa ito at saka hinarap akong muli. " May pupuntahan ka pa ba Yassmin? " tanong nito. " Wala na Sir- Harry. Uuwi na ako sa bahay namin, " sagot ko. " Hatid na kita. Pauwi na din naman ako, " sabi nito. " May sasakyan din akong dala pero salamat sa pag-yaya, " maayos kong paliwanag. " Ganun ba? Sige, sabay nalang tayong pumunta sa parking lot. Tulungan na kita sa dala mo, " sabi nito at saka inagaw ang mga dala kong paper bags. " Ahhh, sge po, " nagaalinlangan kong sagot. Nauna na akong maglakad papunta sa exit ng Mall bale nasa likuran ko si Harry. Wala kaming imikan na naglakad papuntang parking lot. Naglakad ako sa direksyon ng parking lot kung saan ako nagparada ng aking sasakyan. Nang makalapit sa kotse at agad ko itong pinatunog at binuksan ang likurang bahagi. Pagkatapos ay tiningnan ko si Harry at saka muling kinuha ang aking mga pinamili. " Dito na ako, salamat, " nakangiting sabi ko. " hmmm, okay. You like black? " tanong nito pero ang paningin ay nasa kotse ko. " No, I love black. Ikaw, saan ka nagpark? " tanong ko naman dito. " Hahaha, yan lang ang kotse ko sa tabi ng kotse mo, " natatawa na namang sabi nito. Nilingon ko ang kotse na nakapark sa tabi ng sasakyan ko. " Hahaha okay. Sige, mauuna na ako, " pamamaalam ko. " Wait, saan ka nga pala nakatira? " pahabol na tanong nito. " Sa Belle Heir Village kami nakatira, " sagot ko mula sa loob ng aking sasakyan. " Really? Doon din ako nakatira, " nagugulat na sabi nito. " hmmm, okay. I'll go ahead, bye, " sabi ko saka binuhay ang makina ng aking sasakyan. Tumabi si Harry sa kotse nito nang paandarin ko na ang kotse ko. Binusinahan ko muna ito bago tuluyang umalis. Mabilis ang pagmamaneho ko dahil hapon na at gusto ko na din magpahinga. Lalabhan ko pa din ang mga pinamili kong damit para bukas ay paplantsahin ko na lamang. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nasa bahay na agad ako. Pumasok ako sa gate at saka maayos na nagpark sa aming garahe. Kinuha ko ang akong bag saka bumaba at nagpunta sa likod ng aking sasakyan. Kinuha ko ang aking mga pinamili saka pumasok sa bahay. Naabutan ko sina Mommy at Manang sa sala. Binati ko ang mga ito  saka nagpaalam na aakyat muna sa aking kwarto para magpahinga. Inilagay ko sa sofa ng aking kwarto ang aking mga napamili. Pagkatapos ay saka ko ibinagsak sa kama ang katawan sa ibabaw ng kama. Madilim na sa labas nang magising ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nilingon ko ang aking wall clock. Alas- otso na pala, dumating ako ay alas- tres nang hapon. Ganun ako katagal nakatulog? Nagpahinga lang ako sandali bago nagpunta sa banyo upang maligo. Pagkatapos magbihis ay bumaba ako upang kumain. Tulog na sina Mommy at Manang nang makababa ako kaya wala akong kasabay kumain. Ganun talaga sila, hindi nila ako ginigising kapag natutulog ako kasi alam nila na ayaw kong naiistorbo sa pagtulog. Pagkahugas ng mga pinagkainan ay muli akong umakyat dala ang isang tray na may lamang wine, crashed ice at goblet. Pumasok ako sa kwarto at ipinatong sa mini table ang tray na dala. Inayos ko ang suot kong roba at saka nagsalin ng wine sa goblet na may laman nang yelo. Lumabas ako sa veranda saka tumingala sa buwan. Sumimsim ng alak mula sa goblet at saka tumalikod sa grills na nagsisilbing harang ng veranda. Itinuon ko ang aking dalawang siko doon saka bumubuntong-hiningang tinitigan ang aking baso. Lumingon ako sa tabing veranda ng aking kwarto. Ganun na lamang ang gulat ko nang malingunan ko ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Harry Sa hindi inaasahang pagkakataon sinong mag-aakala na sobrang lapit lang pala natin sa isat-isa. Tadhana nga naman. Harry's P.O.V "Yassmin, " usal ko. Kapwa kami nakatitig sa isat-isa, hindi malaman kung papaano bubuwagin ang gulat na sumasakop sa aming dalawa. Sinong magaakala na sa dinami- dami ng tao sa village na to kami pa talaga ang magkatabi ng bahay na tinitirahan. Tumikhim ako bilang pagbasag sa namuong katahimikan. " Good evening, " nakangiting wika ko. " Good evening din, so magkapit- bahay pala tayo, " nakangiting sagot nito. " Hahaha, yeah! Nice, " sabi ko. " Di ka makatulog? " tanong nito sabay lagok ng alak na hawak. " Ito ang aking pampatulog, " sagot ko sabay pakita ng baso ng alak. Tumango ito saka inubos ang laman ng basong hawak. Bumuntong- hininga ako. " Mukhang ang lalim nang pinaghugutan nun ah," biglang usal ni Yassmin. Muli kong ibinaling ang paningin ko dito at saka ngumiti. " Sa sobrang lalim hindi ako makaahon-ahon," malungkot kong tugon. " Hindi ka makabangon because? " natatawang sambit nito. Tumungo akong muli at saka ngumiti. " Biro lang. Ano bang gumugulo sa isip mo? " seryosong tanong nito. Naisip siguro na wala akong oras para makipagbiruan. " Isang masamang ala-ala na tila isang bangungot na sa akin ay gumagambala, " ani ko. " Anong klaseng ala-ala? " sambit nito. " Ala-alang hindi pa ako handang ikwento sa iba, " sabi ko na wala sa kaniya ang paningin saka inubos ang alak na nasa aking baso. " Sige, pero kapag handa kana andito lang ako. Good night, " usal nito saka naglakad papasok ng kwarto. Nang makaalis ito ay saka ko nilingon ang pwesto kung saan ito nakatayo kanina. Nakaharap sya sa sliding door na pumapagitan sa veranda at kwarto nya samantalang ako'y nakatalikod sa aking sliding glass door. Paglipas ng ilang sandali ay nagpasya na rin akong pumasok sa kwarto at matulog. Tanghali na ako nagising kinabukasan siguro dahil sa aking nainom at pagod. Bumaba ako upang magkape at magalmusal. Saka muling umakyat ng kwarto para magasikaso ng mga papeles. Hindi na ako ulit lumabas ng kwarto. Dinadalhan na lamang ako ni Manang ng pagkain gayong ang sabi ko ay ako nang bahala. Ganito kasi ako magtrabaho, sa oras na maupo ako ay hindi ako tatayo hanggat hindi ko natatapos ang dapat matapos. Tuloy ay hindi ko na namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Inayos ko ang pagkakasalansan ng mga papeles ng kumpanya saka humiga sa aking kama para matulog. Lunes na bukas, kailangan maaga akong makapasok sa opisina. Hindi nagtagal ay idinuyan na ng antok ang aking diwa. Nagising ako ng mas maaga kesa sa oras na inilagay ko sa aking alarm clock. Umupo muna ako saglit bago pumasok ng aking banyo para maligo. Alas-singko na nang umaga siguro din akong gising na si Manang. Kumuha ako ng tuxedo na maayos na nakasampay sa loob ng aking damitan at saka nagbihis. Pagkatapos ilagay ang mga importanteng gamit sa aking briefcase ay saka ako bumaba. Naabutan ko si Manang na naghahain na ng almusal. Ipinatong ko ang aking briefcase sa may sofa saka dumiretso sa kusina para magtimpla ng aking kape. Saka ako naupo sa harap ng hapag-kainan. Nakahanda na din ang dyaryo na aking babasahin. " Manang tara po kain na, " tawag ko kay Manang na nasa kusina pa din. " O sige hijo, mauna ka na, " usal nito. " Seriously Manang, hahayaan nyo ako kumain mag-isa, " paawang sabi ko. " Sus ginoo kang bata ka oh! Sya sya sge na kakain na, " umiiling na sabi ni Manang. Napangiti ako. Kahit kailan ay hindi ako matitiis ni Manang. Nagsimula na kaming kumain. Hindi naman na din umimik si Manang. Naunahan kong matapos si Manang kaya pumunta muna akong restroom. " Maiwan ko na po kayo Manang ha, ako po ay papasok na, " pamamaalam ko dito. Kasalukuyan na itong nagliligpit ang aming pinagkainan. " Sya sige, ay mag-iingat sa pagmamaneho ha, " bilin nito sa akin. Ngumiti lamang ako at saka inabot ang kamay nito para magmano. Kinuha ko ang aking briefcase at saka lumabas ng bahay. Binuksan ko ang aking kotse at saka ito pinaandar. 6:30 pa lamang ng umaga ay nakarating na agad ako sa aking kumpanya. May ilan na ding mga empleyadong andoon. Maging si Jane ay maaga ding pumapasok sa aming opisina. Binuksan ko ang glass door ng aking opisina saka ipinatong sa ibabaw ng aking lamesa ang briefcase na kanina ko pang dala. Pagkatapos ay lumabas ako upang itanong kay Jane kung dumating na ba si Mang Canor. Si Mang Canor ang aming janitor. Sa kaniya ko din pinapaasikaso ang mga dumadating na kagamitan sa loob ng opisina. Pumunta ako sa table ni Jane. " Good morning Sir, " magalang na bati nito sa akin. Ngumiti ako. " Magandang umaga, Jane. Itatanong ko lamang sana kung dumating na ba si Mang Canor? " ani ko dito. " Ahhh opo Sir andun na sya sa may pwesto nya, " sagot nito habang tinuturo ang direksyon ng pwesto ni Mang Canor. Pinagawan ko talaga ng parang kwarto si Mang Canor bilang pahingahan nito kapag wala ng gagawin para hindi ito gaanong mapagod. Medyo may edad na din kasi ito pero talagang maasahan pa din pagdating sa trabaho. Bilib na bilib ako kay Mang Canor. Kumatok ako sa kwarto nito at saka nakangiting sinalubong ito. " Magandang umaga, Mang Canor. Itatanong ko lamang ho sana kung dumating na ho yung pinadeliver kong office table set. " magalang na tanong ko dito. " Ay magandang umaga din ho Sir. Ay opo dumating na ho kanina. Ang aga nga ho dumating eh hahaha andun na ho sa may dating pwesto ni Ma'am Aimy." wika nito na bahagyang nagalinlangan kung babanggitin ang pangalan ni Aimy. Bumuntong-hininga ako at saka ngumiti. " Nariyan na po kaya si Jason, ipapalipat ko po sana sa loob ng aking opisina. " sabi ko. Ang Jason na tinutukoy ko ay ang pamangkin ni Mang Canor na nagtatrabaho din sa aking kumpanya. " Ay nako, hindi po makakapasok at masama ho ang pakiramdam kahapon pa. " usal ni Mang Canor. " Ganun po ba? " sabi ko. " Ay ako nang bahala Sir. Madali lamang naman ho iyon. Kayang- kaya ko iyon, " wika nito. " Nako hindi na po Mang Canor ako na pong bahala. " sambit ko. Tinapik ko ito sa braso at saka gumawi sa direksyon ng dating pwesto ni Aimy. Pagkapasok ay nakita ko agad ang table set. Hinila ko ito papunta sa loob ng aking opisina. Magkalapit lang naman kasi iyon. Ipwinesto ko ito sa may dulo ng opisina ko.  Sa may gitnang bahagi kung saan katapat lang din ng aking table. Pagkatapos ay saka ako naupo sa aking swivel chair. Saktong alas- siete dumating si Yassmin. Kumatok muna ito bago pumasok sa aking opisina. "Good morning Sir, " nakangiti at maayos na bati nito sa akin. " hmm Good morning, Yassmin, " tugon ko pabalik " Saan po ang pwesto ko Sir? " tanong agad nito. " Doon ang pwesto mo," sabi ko habang nakaturo sa pwestong inayos ko kanina. Lumingin naman ito sa tinuturo ko saka ibinalik sa akin ang paningin. " Doon po Sir? Bakit? " tanong nito. " Hindi ba't ayaw mo ng maingay? Kaya dito ko nalang pinalagay yung table mo dahil tahimik dito. At saka para madali kong maiaabot sa iyo ang mga kailangan kong ipagawa. " paliwanag ko. Tumango ito. "Okay po Sir. Punta na po ako sa pwesto ko, Salamat, "sabi nito saka naglakad papunta dun. Ngumiti ako habang pinapanood ito. Lumipas ang maghapon na hindi naman gaano kadaming ginawa sa opisina. Tumingin ako sa relos na nasa aking braso. 7:30 na pala. Nakauwi na ang aking mga empleyado. Alas- sais kasi ang awas sa aming kumpanya. Tinapos ko lang ang mga papeles na para bukas kaya ako nagtagal. Nilingon ko ang pwesto ni Yassmin pero laking gulat ko na andoon pa din ito. Lumapit ako sa pwesto nito at saka nakitang nakatulog na pala ito. Nakita ko ding maayos nang nakapatas ang mga papeles na pinaayos ko sa kaniya. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mukha nito. Tunay na maamo ang kaniyang mukha, pero mas maamo ang itsura nito kapag tulog. Parang isang anghel na natutulog. Napangiti ako. *To be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD