Nang maka alis na ang mga panauhin ay nagka hiyaan pa ang dalawang naiwan sa loob ng opisina,
“ G’good morning “ panabay na bati ng dalawa sa isat-isa, napa yuko naman agad si Jerelyn dahil sa hiya at kinurot ang sarili, Habang si Yvo naman ay napa ngiti at napa kamot sa kanyang kilay.
“ Ahem! Tikhim niya para ma agaw ang pansin nito, hindi naman siya na bigo dahil napa angat agad ito ng tingin, kaya naman ay inilahad ni Yvo ang kanyang kamay sa kanyang ka harap at nagpa kilala dito.
“ MY NAME IS SHADEN YVO LONZAGA “
“ JERELYN PAREÑAS PINAKURAT “ SIR.
Habang magka dikit ang kamay nilang dalawa ay may na ramdaman silang kuryenti na dumaloy sa kanilang magka daupang palad. Kaya naman ay agad silang napa bitaw sa isat-isa.
“ ahmn! Follow me, tanging na sambit ni Yvo dahil parang na walan siya ng sasabihin, ewan niya ba hindi naman siya ganito sa ibang taong nakaka harap O nakaka salamuha niya at ito ang pinaka unang pagkakataon na nangyari ito sa kanya. s**t! Yvo umayos ka. Kastigo niya sa sarili Habang nag lakad palabas ng kanyang opisina at iginiya ang kanyang bagong secretary sa magiging pwesto nito sa labas ng kanyang opisina.
Jerelyn, dito ang magiging pwesto mo, ito ang mga magiging gamit mo sa araw-araw. Saiyo lahat dadaan ang mga tao dito sa opisina kung may mga kailangan silang mga papelis na kailangan kung pirmahan lahat ng schedules ko sa araw-araw ay dapat naka hanay at sasabihin mo sa akin. Tinuro niya ang lahat ng mga dapat nitong malaman patungkol sa kanilang trabaho at sa magiging trabaho nito.
Matapos niyang maipaliwanag ang lahat ay agad din siyang bumalik sa loob ng kanyang opisina dahil marami-rami paring naka binbin na mga papelis na kailangan niyang mapirmahan.
“- Habang sa labas naman ng opisina ni Yvo ay hindi mapakali ang dalaga sa kung anong klaseng ititimpla nito para sa kanyang boss. Binuksan niya ang kanyang Bag at kinuha ang isang garapon na nag lalaman ng kapeng Barako naka supot pa ito sa isang brown na paper bag na maliit.
Hanggang ngayun ay kapeng Barako parin ang nakasanayan niyang inumin. Naka tikim naman na siya ng ibang kape pero hindi pasok sa kanyang panlasa.
“- s**t naman oi! Ano bang kape ipapainom ko sa kapri Kong Boss Tanong niya sa sarili na siya lang din naman ang sumagot.
Bahala na nga lahat ng Avengers kung sa kali. Alangan naman na bilhan ko siya dun sa pang sosyal na kape, ano siya Hello!
Kung gusto niya iyong squarebucks na kape edi pabili siya, marami naman siyang pera. Ang hindi alam ni Jerelyn ay narinig pala ng kanyang Boss ang lahat ng mga sinabi niya, mahilig pa naman siyang mag salita pag nag-iisa.
“- Jerelyn! In my office! Ani Yvo na ikina laki ng mga mata niya napahawak pa siya sa kanyang bibig at dibdib dahil sa tinig nitong animo ay galit na galit at gustong manakit.
“- afatay na! ikaw kasi self bunganga mo kasi pahamak. buang mandayko! Paninisi niya pa sa kanyang sarili bago pumasok sa opisina nito.
“- dahan-dahan niyang binuksan ang pinto nito at siniguradong hindi maka gawa ng kahit na kunting ingay at dahan-dahang ini hakbang ang kanyang mga paa at bahagyang naka yuko. Ang hindi niya alam ay na tatawa ang kanyang Boss sa kanyang ginagawa. Ngunit ng mag angat siya ng tingin ay napakaseryuso na naman ng ang mukha habang naka taas ang isang kilay.
“- kape sir? Tanong niya sa kanyang Boss na walang expression ang mukha.”
“- coffee.” Sagot naman nito.
“- ngunit sa isip niya ay binulyawan niya na ito, inulit lang nito ang kanyang tanong at inenglish lang hayuff natu.
“- Anong klaseng coffee sir? Tanong niyang muli.”
“- yung naiinom.” Sagot naman nitong pabalang.”
“- alam ko pong naiinom ang kape sir.” Sagot niya naman dito. Hmn! Kala mo ha! Aniya sa kanyang isip.
“- Black coffee.” Ani’to.
-“ matabang O matamis?, Maalat O mapait?, maasim O maanghang? Dagdag tanong niya dito.
“- I said make me a coffee.”
“- kapeng barako O Nescafé? Dagdag tanong niya na ikina iling ng kanyang kaharap.
“- Nescafé.” Sagot naman nito.”
-“ Nescafé decaf, Nescafé gold, Nescafé red mug O Nescafé dolce gusto. Gusto na kita. Aniya at napa hawak agad siya sa kanyang bibig dahil sa huli niyang sinabi. Afatay self pahamak talaga bibig natin. Nakaka hiya. Kastigo niya sa sarili habang naka yuko.
“- get out Jerelyn and make me some coffee.”
“- ano nga munang kape ang gusto niyo sir, sabihin mo ng kompleto ayaw kung magka mali. Aniya sa kanyang Boss habang nag papa awa ang mga mata.
“- fine, fine, ulitin mo ulit yung mga variety ng Nescafé. Ani Yvo sa kanyang napaka madaldal at hindi nauubusan ng tanong na sekretarya.
“- ahm! Ano po. Nescafé decaf, gold, red mug, saka Nescafé dolce.. hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng dugtungan ito ng kanyang Boss. Dolce gusto na rin kita. Ani’to na nagpa kabog at Nagpa laki sa kanyang napaka bilog na mga mata at dali-daling lumabas sa opisina nito at patakbong tinungo ang Pantry.
Habang natarantang lumabas ang kanyang sekretarya ay napa ngiti naman si Yvo.
“- hinapo siya ng marating niya ang naturang pantry at agad na nag hanap ng kapeng maitimpla para sa kanyang Boss ngunit wala siyang makita na kape doon kundi puro mug lang ang nasa cabinet kaya napa kamot siya sa kanyang ulo at lumabas sa pantry at tinungo ang kanyang mesa.
Agad niya ring kinuha ang kanyang Baon na isang supot na kapeng barako na naka garapon at dinala sa pantry saka iyon ang tinimpla niya.
Hindi na siya kumatok at deritso ng pumasok sa loob bitbit Ang isang tasang kape. Ng ilapag niya iyon ay naka tutok lamang ang kanyang Boss sa kapeng dala niya.
“- Boss walang stock na kape Ang pantry niyo kaya yang kapeng dala ko nalang ang tinimpla ko para sayo. Paliwanag niya dito at agad ding nagpa alam na lalabas na.
Ininom niya agad ang kanyang kape habang nag ngatngat ng blue sky na biskwet.
Naging busy silang pariho at hindi na Namalayan ang oras na tanghalian na pala, busy siya kaka-encode habang busy din kaka-pirma si Yvo. Nang makarinig siya ng pag alburoto sa kanyang t’yan ay tumigil na muna siya sa ginagawa at kinuha sa kanyang tote bag at ang dala niyang baon para sa pananghalian.