Qyahara's P.O.V
Tahimik akong nakapasok sa loob kaya tahimik din akong nakalabas. Mabilis na takbo ang ginawa ko para lamang makabalik ako sa mansion.
Hindi ko na nga binuksan ang flashlight na dala ko kaya hindi ko alam kung tamang daan na ba itong tinatahak ko. Naka-ilang beses na rin akong nadapa pero hindi ko na ito pinansin. Bangon lang ako nang bangon habang panay pa rin ang takbo ko hanggang sa wakas ay nahanap at nakarating na ako sa likuran ng mansion.
Tumingin ako muli sa aking pinasukan. Sinabi ng hindi dapat ako naging curious, e.
Muli akong humarap sa pinto ng mansion. Walang oras na akong sinayang. Mabilis akong pumasok at tumungo sa aking kuwarto. Agad kong isinara ang pinto ng aking silid habang hinihingal ako nang sobra.
Muling bumalik sa aking isipan ang lahat ng na saksihan ko. Ang lahat ng nakita ko.
Pinatay ni Sir Aziz ang babae. Siya mismo ang pumatay nito. Anong klaseng tao siya?
Mafia organization?
Isa ba siyang mafia?
Isa ba siya sa mga ito?
Hindi ko akalaing sa likod ng magandang Cenny's Town ay mayr'ong nangyayaring kaganapan.
Walanghiya!
Kaya ayoko ng lumabas ng alanganing oras, e. Hindi kasi talaga maganda.
Dali-dali akong lumapit sa kama ko at humiga. Nagtalukbong ako ng kumot at kinumbinsi ko ang aking sarili na wala akong nakita ngayong gabi.
Na pumunta lang ako ng kusina.
Sa kusina lang ako pumunta, at wala ng ibang lugar. Wala akong pinasukan na gubat at walang narinig.
Ganoon nga, Qyahara!
Hindi naman ako nakita at nahuli kanina. Walang nakapansin sa aking pagpasok at paglabas sa hideout na iyon.
Mabibilis na paghinga ang aking ginagawa habang nasa ilalim ako ng kumot. Matinding kaba kasi ang nararamdaman ko, at patuloy na paulit-ulit na nagpla-play sa isip ko ang mga pangyayari.
Natigil ako sa pangungumbinsi sa aking sarili nang mayr'on akong narinig na katok sa aking pintuan.
Bigla akong napalingon dito at napabalikwas ng bangon. Mas dumagdag ang kaba ko ng kumatok pa ito.
Bubuksan ko ba ang pinto?
Mabilis na chineck ko ang akimg sarili.
Tumayo ako at nagpalit ng padyama at pantulog na damit. Medyo ginulo ko rin ang aking buhok. Nang makita kong ayos na ay marahan akong huminga nang malalim.
Lumapit ako sa switch ng ilaw saka binuksan ito.
Binuksan ko ang pinto habang nagpanggap akong kagigising ko lang. Bumungad sa akin si Peter. Hindi ko pinahalatang nagulat ako.
Kunyari ay pinunasan ko ang aking mga mata.
"Peter? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang kumihikab kuno.
"May kailangan ka ba? Anong kailangan mo sa ganitong oras?" Pinanindigan ko na ang aking pagpapanggap.
"Pasens'ya na kung naabala kita sa iyong pagtulog." hingi niya ng paumanhin.
"Okay lang. Ano ba iyon?" inaantok kuno kong tanong.
"Pinatatawag ka ni boss." saad niya na mayr'ong halong seryosong boses.
Hindi ko pinahalata ang gulat kong reaction pero ang puso ko ay lalabas na yata sa kaba. Mas mauuna pa yata sa aking tumakbo.
"Sir Aziz? Bakit daw? Hindi na ba puwedeng ipagpabukas? Masiglang bang importante ang pag-uusapan naman para ipasundo niya ako sa ganitong oras?" sunod-sunod kong tanong.
Isang ngiti lamang ang siyang tinugon sa akin ni Peter. Ang ngiti niya ay mayr'ong kahulugan. Sa ginawa naman niyang pagngiti ay parang naging isa siyang tagapagsundo ni kamatayan.
"Ang creepy mong ngumiti, Peter. Next time, huwag kang ngingiti." Hindi ko napigilang komento sa kaniya saka marahang lumabas.
"Para ka kasing tagapagsundo ni kamatayan, e. Lalo pa ngayon, at talagang ganitong oras mo pa akong sinundo." dagdag ko,
Sinusubukan kong maging kalmado at maging casual sa kaniyang harapan.
Napansin niya ba ang paglabas ko? Or nahuli niya ako kanina?
"Oh, siya! Saan ba kami mag-uusap ni Sir Aziz? Inaantok pa ako, e. Inaantala ni'yo naman ang pagtulog ko, e." kunyaring sambit ko.
Hindi ko na narinig pa ang tugon niya sa akin. Itinuro at pinauna niya na lamang ako sa aming daang tatahakin patungo sa aking boss.
Lihim na napalunok ako ng laway. Ilang beses ko nga itong ginawa, mawala lang ang kabog ng aking dibdib sa sobrang kaba.
Kinalma ko ang aking sarili habang naglalakad kami patungong office ni boss at talagang hindi man lang binuksan ang mga ilaw.
Nagpanggap ako na parang inosenteng bagong gising lang ako nasa hindi ako mabuking.
Anak ng tinapa naman kasi, e.
Ayan tuloy, Qyahara. Maglalagay ka pa sa peligro dahil lang sa nasaksihan mo kanina.
"We're here," Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Peter. Tumigil kami sa isang pinto.
Tumingin ako sa aming dinaanan. Ito ang unang beses akong pumunta sa office ni Sir Aziz. Hindi ko tuloy matandaan iyong daan na dinaanan namin. Bukod sa lutang ako, madilim pa ang nilakaran namin.
"Qyahara," untag sa akin ni Peter na ikinalingon ko sa kaniya.
Doon ko lang nakita na bukas na pala ang pinto. Ayaw man ng mga paa kong humakbang papasok subalit wala akong choice. Baka mapansin pa ako ni Peter.
Pagpasok ko ay isang napakaganda at napakagarang office ang nabungaran ko. Napakalawak ng loob nito. Lihim na ngumiwi ako dahil ang kulay ba naman ay combined ng black and red.
Halatang hindi friendly si Sir Aziz. Office pa lang ay itataboy ka na. Kung hindi ka sanay ay matatakot ka talaga.
Wala sa sariling napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pagsara nito. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize kong ako na lang ang naiwan.
Hahabulin ko pa sana pero wala na akong nagawa pa dahil huli na rin naman.
Napasimangot tuloy ako.
Iniwan pa ako ritong mag-isa, baka patayin pa ako rito, e.
Huwag naman sana, mayr'on pa akong gagawin at tatapusin, e. Saka na niya patayin kapag tapos na ako.
Inilibot ko ang aking paningin sa loon ng silid. Wala naman akong nakitang Sir Aziz. Naglingon-lingon pa ako dahil baka nasa gilid-gilid lang siya.
"Sir," mahinanang tawag ko.
Niloloko lang ba ako ni Peter?
Wala namang tao rito, e.
Hindi naman yata ako pinatatawag ni boss.
Tsk!
Makabalik na nga lang at makaalis na rito. Baka maabutan pa ako rito at matuluyan na.
Sa aking paglingon sa aking likuran ay nagulat ako ng bumungad sa harapan ko ang napakalamig kung tumitig na walang iba kun'di si Sir Aziz.
"H-Hi," alanganin kong bati.
>>TheKnightQueen ❤️