Peter's P.O.V
Dapat tour guide ako ngayon kasi maraming parating na mga turista kaya lang ay sa akin inatas ang maghanap ng bagong mga katulong.
Wala kasing nagtatagal na katulong kay boss, e. Hindi lang magustuhan ang luto ay tanggal kaagad. May makita lang siyang kapiranggot na dumi or alikabok ay tanggal na kaagad.
Wala pa yatang isang linggo ang isang bagong katulong ay tanggal na kaagad.
Narito ako sa registration house. Ang mga pupunta kasi rito ay dapat mayr'ong data about them. Nang malaman din namin kung sino ang pumapasok at lumalabas sa aming town.
Dito ako tumambay. Sinubukan kong magpaskil sa harapan ng hiring maid baka mayr'ong kumagat.
Mayr'on na akong anim na bagong nakuha pero kailangan pa ng isa para saktong isang linggo ang bilang, at saka kailangan medyo marami para kapag natanggal ang isa mayr'on pang matitira.
Pauwi ngayon si Boss kailangan ng may bagong katulong dahil isa na lamang ang nandoon at huling araw pa niya ngayon.
"Kuya Peter," Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Bakit?" ani ko,
"Mayr'ong gustong mag-apply bilang maid." sagot niya,
Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga rito sa sofa.
"Nasaan?" hanap ko.
"Nandiyan lang sa tabi, sa labas. Iyong nakatayong babae riyan." saad niya saka balik muli sa trabaho niya.
Lumabas kaagad ako at hinanap sa labas ang sinasabing babaeng mag-aaply ni Rhea.
Pagkalabas ko ay nakita ko nga ang isang babaeng nakatayo sa tabi kung saan ko ipinaskil ang hiring job ko.
Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa. Napangiwi ako, mapagkakatiwalaan ba siya?
Hindi siya taga-rito ay mukhang bago siya at isa sa mga naging dating na turista pero bakit wala siyang dalang mga gamit?
Lumapit na ako sa kaniya.
"Hi," bati ko,
Napalingon naman siya sa akin. Okay na siguro ito. Wala namang requirements sa appearance na nakalagay sa job hiring ko. Ang mahalaga ay may bagong maid na si boss.
"I am Peter. Ikaw ba ang gustong mag-apply bilang maid?" wika niya,
"Oo, ako nga." sagot niya.
"Ako rin pala si Qyahara." dagdag niya.
Qyahara? Ang ganda naman ng name niya.
"Okay lang ba na dalhin na kita sa main house ngayon? or may pupuntahan ka pang iba?" tanong ko.
Mabilis siyang umiling.
"Wala na akong pupuntahan. Magsisimula na ba ngayon?" malumanay niyang tanong.
Napakamot ako sa ulo.
"Oo, e. Wala kasing maids ngayon sa main house. Parating na si boss kaya kailangan mayr'on na siyang maabutang mga maids." saad ko naman.
Malalagot din ako, e.
Buti na lang ay may nahanap na akong anim at nadala ko naroon. Kung sakaling naroon na si boss ngayon ay may makikita na siya. Dagdag ko lang talaga siya.
"I mean, mayr'on ng nauna sa'yo roon pero need pa ng isa." dagdag ko baka sabihing nagsisinungaling ako.
"Let's go," pagyaya ko sa kaniya.
Mukhang hindi siya palasalita.
Tumalikod na ako pero agad akong humarap at tinanggal ko ang pinaskil ko. Baka may mag-apply pa saka na ako ulit kukuha kapag mayr'on ng natanggal sa ngayong batch.
Tahimik na nakasunod siya sa akin. Narating namin ang aking sasakyan. Pinasakay ko siya at nagsimula na rin kaming tahakin ang daan papunta sa main house kung saan bahay ni Boss.
"Naghahanap ka ba ng lugar na matutuluyan?" hindi ko napigilang itanong sa kaniya.
Curious kasi ako kung bakit wala siyang dala ni isang gamit. Tanging maliit lang na pack pack ang dala niya. Nagmukha nga siyang si Dora, e. Baka naman maraming laman 'yang bag niya.
Pagtingin ko sa kaniya ay nagkakamot siya sa kaniyang ulo. Mali ba ako ng tanong?
"Bakit mo naman natanong?" balik tanong niya.
"Sa lahat kasi ng mga taong nagpunta rito ay ikaw lamang ang kaisa-isang walang dalang mga gamit or bag. Ang mga narito kasi ay mag-s-stay lamang sila rito ng three to four days, tapos ikaw tila yata gusto mong manatili rito." ani ko,
"Bakit? Bawal bang manatili rito? Tourist lang ba ang mga tinatanggap ni'yo?" inosenteng tanong niya.
"Hindi naman bawal. Ang mga kasamahan mo ngang mga bago rin ay galing din sa labas ng aming lugar." sagot ko,
"Ang totoo kasi niyan ay naghahanap ako ng lugar na tahimik at malayo sa syudad. Masiyado kasing maingay doon kaya umalis muna ako pansamantala." sambit niya na ikinalingon ko sa kaniya saglit.
"At salamat sa taong nag-rekomenda nitong lugar ni'yo sa akin kaya heto ako, pumunta ako rito. Kailangan ko ng pera kaya kinuha ko na agad iyong job hiring." dagdag niya,
"Huwag kang mag-alala. Trabaho lang talaga ang kailangan ko. Pagbubutihan ko para hindi ako matanggal agad." tuloy niya.
"Kung nais mo talagang manatili rito ay dapat pagbutihan mo talaga. Ang iyong magiging boss ay dakilang masungit. Maling kunting gawa mo lang ay tatanggalin ka na niya. Hindi siya nagbibigay ng second chance kahit magmakaawa ka pa." saad ko,
Mas mabuti ng alam na niya ang ugali ni boss para naman aware na siya at makapag-ingat na siya agad.
Para hindi siya matanggal. Mukha pa namang mabait siya. Hindi naman siya mukhang magnanakaw despite sa looks niya.
Hindi nagtagal ay narating na namin ang main house. Pinagbuksan kami ng gate at pumasok naman kami. Itinigil ko ang sasakyan sa tapat ng mansion.
"We're here," saad ko pagkababa ko.
Bumaba rin siya at tumingin sa mansion.
Dumako ang tingin ko sa pinto ng mayr'ong palabas na cook. Pagbagsak balikat ito habang mangiyak-ngiyak na lumalakad palayo. Sinalubong siya ng guwardiya.
Lihim na napailing ako. Natanggal na naman ang bagong cook. Kahapon pa lang siya nasimula, e.
Napakamot ako sa ulo. Bagong problema na naman ito.
Narito na si boss.
Bigla akong napadako ng tingin sa kasama ko.
"Marunong ka bang magluto?" tanong ko.
Napalingon siya sa akin.
"Oo pero hindi ako kasing husay ng isang magaling na chief. Mga simpleng luto lang ang kaya ko." sagot niya ngunit napansin ko na tila hindi siya sigurado sa sinabi niya.
"Then you are the new cook starting today." I declared.
Nanlaki ang kaniyang mga matang tumingin sa akin. Nagsimula na akong maglakad. Tinungo ko ang pinto at pumasok na ako sa loob ng mansion.
Sumalubong sa akin si Mayordoma Charing.
"Siya ba ang bagong cook natin?" agad niyang tanong sa akin sabay tingin sa kasama ko.
"Naku kailangan natin ng bagong cook talaga lalo na ngayon. Mukhang badtrip si Sir. Hindi niya nagustuhan ang pinaghain sa kaniya. Nagpapahatid siya ngayon ng bagong makakain." takot na may halong pag-aalalang wika niya.
Humarap ako kay Qyahara.
"Puwede ka ng magsimula as new cook." saad ko sa kaniya.
Bumaling ako ng tingin kay Manang.
"Puwede po bang ikaw na bahala sa kaniya. Siya ang bagong cook natin. Pakituro sa kaniya kung saan ang kusina. Pakisabi na lang din sa kaniya kung ano pa ang kaniyang dapat gawin." magalang sa sambit ko.
"Ay! Walang problema, iho." sagot niya sa akin.
Dali niyang kinuha sa tabi ko si Qyahara saka hinila na siya papuntang kusina.
Umakyat ako ng hagdan at pinuntahan si Boss.
Pagkatapat ko sa isang pinto ay kumatok ako ng dalawang beses. Hinawakan ko ang doorknob saka marahang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si boss.
Pumasok ako at sinara ang pinto.
"Welcome back, boss." maligayang bati ko.
Umalis siya dahil mayr'on siyang pinuntahang event.
Hindi ba siya naging successful dahilan para siya ay maging ganito ka-badtrip?
"Hindi ba naging maganda ang paglabas mo, boss?" curious kong tanong.
"Badtrip ka naman, e." I added.
Wala akong narinig na sagot sa kaniya. Mabilis na napatayo ako ng mabilis niyang nakuha ang kaniyang baril sabay kasa nito.
"May mga bagong maid at cook akong nakuha.". mabilis kong report.
Hindi puwedeng makipagbiruan kay boss ngayon.
Nasa ibabaw ng mesa mo ang kanilang information. Marahan akong humakbang palapit sa mesa saka isinama sa mga papel ng bagong maid ang tungkol kay Qyahara.
"At ito naman ang sa bagong cook." dagdag ko,
Humakbang ako patalikod ng dalawang beses. Lihim na napalunok ako ng laway. Mas tumindi ang dark aura niya.
"Leave," malamig niyang utos.
Agad akong tumalikod at patakbong pumunta sa pinto. Mabilis ko itong binuksan at lumabas.
Napahawak ako sa aking dibdib. Matinding takot ang siyang naramdaman ko habang nasa loob ng office niya.
TheKnightQueen