Chapter 13

6408 Words
Party Kila IT was 6pm nung kumatok si Mean para sabihing nasa baba na raw ang sundo. Kanina pa ako naghihintay sa kung sino man ang susundo sa 'kin ayaw kasi nilang sabihin e. I just put lip and cheek tint para may kulay ang mukha ko, duh pool party naman yun. Nagsuot din ako ng dilaw na sun dress at d 'orsay flats habang ang buhok ko naman ay hinayaan ko lang na nakalugay. Bitbit ko rin ang isang paper bag na inihanda ni mama naglalaman iyon ng damit na pagbibihisan ko, pati na ang swimwear just in case na sipagin akong mag swimming. But ofcourse I have to, di naman ako kj at takot sa tubig 'no? Lumabas na ako at nag umpisang maglakad pababa with cross fingers, sana hindi si Kian. Ganun na lang ang pagbagsak ng balikat ko noong masilayan kung sino ang nandoon, ang nakangiting abot tenga na si Kian. Isa na namang bwisit, tsk! "Luh? Dissapointed? Ganiyan ka na ba sa 'kin Kila? Tita oh, sobra po sa 'kin yung anak n'yo." Ayan na naman yung pagsusumbong niya na parang bata na kinaiinisan ko. Napairap na lang ako at saka humalik kay mama. "Para talaga kayong aso't pusa." natatawang si mama, "Basta Kian, ingatan n'yo anak ko ah. Hatid n'yo yan bukas ng buo ah!" Tumango naman si mokong saka nagbeso na rin kay mama. "Areglado tita." "Sige na po Ma, para naman pong isang buwan akong mawawala. Bye na po." sabi ko at hinila ko na si Kian, kumaway na lang din si mama sa amin Kina Kurt na kami mag oovernight, dahil muli ang motto namin ay walang uuwi hanggat di gumagapang. At isa pa, mansion naman ang bahay nila Kurt kaya walang magiging problema. "Handa ka na bang malasing Kila?" tanong nito bago buksan ang makina ng kotse "Handa pa sa handa!" nakangising tugon ko at tinaas ko pa ang dalawang kamay Pinaandar na niya ang sasakyan at habang nasa daan ay nagso-soundtrip pa kami ng mga kanta ng Parokya ni Edgar na paboritong banda ni mokong. Halos 30 minutes din nagmaneho si Kian bago namin marating ang bahay este mansion nina Kurt, hindi naman iyon kalayuan sadyang mabagal lang magdrive si Prince. Huminto kami sa isang magarbong gate, at naghintay na kusang magbukas iyon. Pagbukas ay makikita mo ang mahabang entrada, napaliligiran ng pine tree ang pathway ng sasakyan. Napalawak ng bakuran kung kaya't nasa loob nakaparada ang mga kotse ng bisita. Nung makapag park si Kian ay doon ko mas naigala ang mga mata ko, nakakalula ang laki at ganda ng mansion nina Kurt. Isa itong cluster type modern mansion kaya naman talaga namang nakakalulang pagmasdan. Meron ding bahay na nakahiwalay sa mansion na sa tingin ko ay ang guest house na kung susumahin ay mas malaki at magara pa sa mga bahay sa subdivision ni Villar. Doon dumidiretso ang mga bisita ni Kurt, bakit nga naman gagawing party venue ang mansion diba? "Whoa! Di ko inaasahan na ganito pala kayaman si Kurt." bulalas ko kay Kian Nagmumukha na naman akong inosente, walang wala kasi ang mansion nina mami sa Bulacan sa mansion ng lolo ni Kurt. Basta, I am really into modern style house. "Labas pa lang yan. Tara para mas lalo kang mamangha." sabi nito at inalalayan ako maglakad patungo sa mansion "Diba doon ang party?" tanong ko sabay tingin sa guest house "Yup. Pero nasa mansion sina Kurt." Hindi na ako kumontra at sumunod na lang kay Prince. Nagkalat sa paligid ang mga bodyguards na sobrang lalaki ng katawan. Tanging kami lang na mga kaibigan ni Kurt ang allowed na magpunta sa mansion, anong kayamanan kaya ang tinatago nila dito. Pinagbuksan pa kami ng guards sa double door at doon mas lalo akong namangha sa interior ng bahay, para akong nasa isang 5 star hotel dahil sa ganda ng interior nito. Kombinasyon ng black and gold ang makikita mo sa loob. Ang ganda! Natigil lang ako sa pagtingala noong lumapit na sa amin sina Kurt, Miel, Hyun at Rye. San na naman si Ranz? "Kurty boi, pwede ba akong magpaampon sa lolo mo?" pabirong bungad ko "Che! Ako lang ang pwede nilang ampunin diba Kurty baby ko?" pagkontra agad ni Rye Umasim ang mukha ko. Kaya pala lab na lab niya si Kurt. "Kila, ganyan na ganyan din ang reaksyon namin nung unang punta namin dito." sabi naman ni Miel "Nakakalula, feeling ko tuloy dukha ako e." pabirong sabi ko pa, "Maiba ako, nasan nga pala si Ranz?" Mabilis na napa-ayie si Kian. Inirapan ko na lang ito. Malisyoso! "May gagawin daw, pero darating yun don't worry." sagot ni Hyun. Tumango na lang din ako, baka bigyan pa nila ng kulay pag nagtanong pa ako. "Gusto mo bang mag house tour?" tanong ni Kian Kumislap naman ang mga mata ko. "Pwede ba?" nag pout pa ako kay Kurt "Sus! Para ka namang iba." natatawang sabi nito Nagsimula na siyang ilibot ako sa mansion nila, una kaming nagtungo sa fitness area, bukod sa kumpletong gym equipments ay mayroon ding billiards and bowling dun. "Marunong ka ba mag billiards Kila?" tanong ni Kurt Umiling naman ako. "Yaan mo, one of these days tuturuan ka namin." Tumango naman ako habang nakangiti, well actually hindi pala nawawala ang ngiti sa mukha ko. Sunod na pinuntahan namin ay ang cinema room. Ticket booth na lang ang kulang at mukha na itong cinema sa mga mall. Mayroon ding pool sa labas with jakuzi, habang olympic size pool naman ang nasa loob.. Parehong may mini bar ang mga iyon, mukhang si Kurt ang nag isip ng idea. Mayroon ding indoor basketball full court, grabe ano to? Araneta? Nakakalula! Marami pang mga kwarto sa baba, pero hindi na namin inisa isa yun. Sumakay na kaming elevator paakyat sa 2nd floor, yep de-elevator nga ang mansion nila. Siguro ay dahil na rin patanda na ang lolo niya. Pareho lang din ang interior doon at sa 1st floor, ipinakita din ni Kurt ang kwarto niya na may 190° view. Triple ang laki ng kwarto niya sa kwarto ko. Hindi niya na ako pinatuloy, makalat daw kasi, akalain mo marunong pala mahiya 'to. Pinagmamalaki rin nilang pinakita sa 'kin ang mga kwarto nila, yep meron silang sari-sariling kwarto sa bahay na yun. And to my surprise, meron ding kwarto na may pangalan ko. "Meron din ako?" "Ofcourse! Open it." nakangiting tugon ni Kurt Excited ko namang binuksan yun, at natawa pa ako dahil pink ang pintura at mga curtain ng kwarto. Pero atleast may mga skateboard paintings and mini sculpture. "Do you like it?" tanong ni Kian "Uhm except sa pink ng theme, I love it naman." "Sabi sa inyo wag pink eh, alam n'yo namang hindi babae to." sabi ni Rye at napakamot sa batok "Ito kasing si Kian nakaisip niyan." dagdag pa ni Kurt Tiningnan ko naman ito at base sa kaniyang mukha, obvious namang sinadya niya yun. "What will I expect." sabi ko at inirapan ko ito, "But, thankyou. Sobrang na-appreciate ko ito, kahit kulay pink pa yan. Thankyou Kurt, thankyou guys." nag-pout pa ako Pakiramdam ko ay ang halaga ko na sa kanila, kahit sandaling panahon ko pa lang silang nakakasama. "Ops. Maya na drama. Lets go na." si Rye at nag umpisa na itong maglakad pabalik sa elevator Dumiretso kami sa third floor, rooftop na yun. Mayroong infinity pool with a view of Fuentabela and La Cuervo at siyempre mini bar tulad nung sa iba pa. "Hindi naman kayo mahilig sa pool 'no?" natatawang tanong ko Nangiti naman si Kurt, "Sayang ang space e, pero ito talaga ang hang out place namin." Tumango tango naman ako, sabagay mukhang relaxing nga talaga dito. Bago bumalik sa elevator ay napansin ko pa ang helepad nila, big time talaga. Pagkadating sa 1st floor ay doon ko lang din napagtanto na aquarium pala ang sahig nito at may mayroong dalawang higanting isda roon. "Ano yan?!" nangungunot ang noo ko "Arapaima yan. Yung malaki, 20 years old na tapos yung isa naman 13." paliwanag ni Kurt Tumango tango naman ako habang sinusundan ko ng tanaw ang mga higanteng isda. Mas matanda pa sakin ang isda, at mas mayaman kung tutuusin. Sana all isda. "So, tara na sa guest house?" tanong ni Kurt "Wait, may nakalimutan pa tayong puntahan. Kila shouldn't miss it." sabi ni Kian at ngumisi sa 'ki Agad naman akong tinamaan ng curiousity. "Ano ba yun?" Naaatat na akong malaman. Pero sa halip na sagutin nila ako ay hinila ako ni Kian, patungo sa isa pang bahay pero parang hindi bahay dahil simple lang ang disenyo nito. Pahaba iyon at isang palapag lang, hindi naman siguro ganun kalaki ang garahe ng mga multi-billionaire 'no? Pagkatapos i-type ni Kurt ang password sa computer generated na pinto nito ay doon na tuluyang nalaglag ang panga ko. As in, is this even for real?! Tama nga ako, garahe nga iyon na naglalaman lang naman ng hindi bababa sa dalawampung sasakyan. Simula sa pangkaraniwang suv, hanggang sa mga mamahaling sports car. Mayroon ding mga vintage car, armored car at van, pati na rin mga wrangler jeep at pick up. Sabagay ano pa nga bang aasahan ko eh CEO ng Vermillion Car Corporation ang lolo ni Kurt. "s**t, pwede bang dito na lang ako tumira?" sabi ko habang isa isang nilalapitan ang magagara at vintage na sasakyan, "Kurt, puno na garahe n'yo bigay mo na sakin to." sabi ko habang hawak hawak ang kulay dilaw na sports car "Asawahin mo na lang si Kurt, para sa 'yo na lahat yan." Agad nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Rye. "Bakit si Kurt? Eh yung lolo niya mayaman? Diba?" pabirong sabi ko Hindi naman maipaliwanag ang mga itsura nila. Naglakad lakad pa ako, at sa dulo ay mga motor naman ang nandoon. "Di ka ba nagmomotor Kurty?" "I do. But I am not allowed to." sagot niya at nagkibit balikat Sabagay mas safe nga naman ang kotse. Busog na busog ang mata ko sa mga sasakyang nandoon parang ayoko na ngang lumabas e. "Grabe Kurt, nakakalula ang yaman n'yo." Napabuntong hininga ito. "Hindi ko naman matatawag na mom and dad ang mga sasakyan na yan." sagot niya at bahagyang ngumiti pero mababakas sa mata ang lungkot Dun ako natauhan sa pagkalula ko sa mga bagay na meron siya, wala akong sariling kotse pero meron akong mga magulang. At kahit saang anggulo tingnan, di hamak na mas maswerte ako. "Gusto mo bang maging mom and dad ang mga parents ko?" pabirong sabi ko at saka ko ito inakbayan, kahit halos di ko siya maabot Gusto ko lang siyang pangitiin ng totoo at mukhang nagtagumpay naman ako. "Baka umoo ako." pabirong tugon niya Kinutusan ko pa siya. Bumitaw na ako sa pagkaka akbay dahil di ko nga abot kaya siya na lang ang umakbay sa 'kin. Naglakad na kami patungo sa guest house kung saan nasa likod nun ang isa pang swimming pool na ang sukat ay kalahati ng olympic pool. Umaalingawngaw ang musika na nagmumula sa bandang ni-hire ni Kurt. Ay siyempre may malaking tarp doon na may picture namin ni Ranz, with a text. "Maglasingan tayo Mr. and Ms. AMU". Oo nga pala, para sa amin ang party na ito, magkano kaya ang ginastos ni Kurt dito? Ibang klase. "Kila!" salubong sa 'kin ng Kila's angels, kumaway naman ako at ngumiti sa kanila. Aba ang se-sexy ng mga suot nila ah, parang nagsisisi na tuloy ako na monokini ang dinala ko at hindi bikini. Tsk tsk. Nandoon na din ang varsity team nila sa basketball. Pero may kulang ah. "Wala parin si Ranz?" "Ito na tinatawagan ko na." tugon ni Kian Hala himala matino ang sagot niya sakin. "Papunta na raw. Start na raw natin ang party." sabi ni Kian pagkababa niya ng cellphone "So, Kila yan na ba ang suot mo?" tanong ni Miel Oo nga pala naka-dress at flats pa ako. "Magpapalit lang ako." sabi ko at di ko na hinintay ang sagot nila Bumalik na ako sa loob ng guest house at naghanap ng cr para makapag palit. Pagkapasok ay agad ko ng hinubad ang sun dress na suot ko, kinuha ko na rin ang one piece suit and to my surprise may note na nakadikit dun. "Make sure to wear the shorts!!" Nangiti na lang ako kahit papaano pala ay namana rin ni mama ang pagka-conservative ni mami. Pagkatapos kong magbihis ay bumalik na ako sa pool, at aba naka-trunks na din ang mga mokong. "Eh?" kumunot pa ang noo ni Kian nung makita ang suot ko "Si mama ang naghanda ng isusuot ko." tugon ko at nagkibit balikat. "Sabagay baby Kila ka pa nga pala." pang aasar ni Rye kaya naman binatukan ko siya "Pero teka, Kila sino sa amin ang may pinakamagandang katawan?" tanong ni Kurt at nagpameywang pa sila Sinuri ko naman isa isa, habang pilit nilang nilalabas ang abs na wala naman talaga. "Uhm, I'll go for Kurt." sabi ko at mukhang tuwang tuwa naman ito "Umpisahan na ang party, dami pang sinasabi e." sabi ni Rye na magkasalubong ang Kilay Natatawa na lang kaming sumunod dito. "Good evening guys. I know kanina pa kayo naghihintay, kaya naman uumpisahan na nating maglasingan. Pero bago yun siyempre, pagsalitain muna natin si Kila. " sabi ni Kurt na inanyayahan ako sa harap ng mga bisita "Good evening. Una, salamat sa pagpunta, at pangalawa sulitin n'yo ang party ah. Syempre di naman ako gumastos nito." Natawa naman sila. "At isa pa nga pala, salamat sa yayamanin kong kaibigan na nag organize nitong party, Kurty boi." sabi ko pa at bumaling kay Kurt ngumiti naman ito sa akin, "At kung napapansin n'yo, wala pa si Mr. AMU, I don't know what is taking him so long. Pero sabi niya umpisahan na raw ang party. So guys, maglasingan na tayo!" sigaw ko at naghiyawan naman sila Muling tumugtog ang banda at ang bisita naman ay kaniya kaniya nang kuha ng kanilang maiinom. Nasa isang round table kaming magkakaibigan, nagtatawanan at nagkukwentuhan habang binubusog namin ng alcohol ang aming katawan. Habang payapa kaming nagkukulitan ay bigla na lang tumayo sina Kurt at Rye at binuhat si Kian sabay tapon sa pool. Tawang tawa kami sa mukha ni Kian, nag dirty finger pa ito sa dalawa habang inaalog ang ulo nya na wala namang laman este nalamanan ng tubig. Nagsitalon na rin sa pool ang dalawa kaya kaming tatlo nina Hyun at Miel ang naiwan sa table. "Miel di ka ba hahataw ngayon?" tanong ko Tumabang naman ang mukha nito. "Mamaya yan Kila, hintayin mo." natatawang sagot ni Hyun "Asa! Di ako gagawa ng kahihiyan ngayon no." Pinagtawanan lang namin siya. Let's see. "Bat kaya wala pa si Ranz?" tanong ni Hyun Oo nga, bat ba ang tagal ng mokong na yun. Halos kinse minutos na simula nung sinabi nitong papunta na siya. "Wala pa si Ranz?" kunot noong tanong ng kararating pa lang na si Kurt Kasunod niya sina Kian at si Rye na naka-akbay kay Shane, isa sa kila's angels. Ibang klase ang chickboy talaga ng mokong na 'to. "Obviously wala pa. Ano ba kasi bakit ang tag–" "Guyssss!" Naputol si Miel sa pagsasalita dahil may biglang sumigaw mula sa pintuan ng guest house. Dumating din, feeling vip amp. "Pasensya na may hinintay kasi ako, kaya natagalan." paliwanag nito "Hinintay?" ulit ko Pero imbis na sumagot ay bumaling ito kay Rye at saka ngumisi ng makahulugan tapos ay muling lumingon sa pintuan. At doon ay may pa-dramatic entrance pa ang isang babae, na walang iba kundi si ate Reign. Uh oh! "Hey! Am I welcome to your party?" malapad ang ngiti niya Wala ni isa sa amin ang sumagot dahil lahat kami ay napalingon kay Rye na naka akbay padin kay Shane, para itong nanigas sa kinatatayuan niya habang kami naman ay nagpipigil na ng tawa. "Ofcourse! You're more than welcome." sabi ni Rye nung matauhan ito, "Hays. Nangalay ang kamay ko buti na lang nag offer ng balikat si Shane, thank you ah. Sige na dun kana." Pinagtulakan pa niya palayo ang kawawang si Shane. Di na namin napigilang matawa sa nonsense na palusot nito. "Huli na lumulusot pa." tumatawang sabi ko, "Hi, ate Reign." Nakipagbeso naman ito sakin. "May pa-surprise ka pala Ranz ah." saad ni Kurt na bahagyang natatawa, "Mabuti nakasama ka Reign. So doon na tayo." Naglakad na kami pabalik sa table, habang si Rye naman ay nagpahuli at mukhang masama ang tingin kay Ranz. "Hey?" bati nito sa 'kin "Heyah! Lagot ka kay Rye, mukhang nagtatampo sa 'yo." Ngumiti lang ito. "Yaan mo siya." Nagpatuloy kami sa pag inom at pagkukwentuhan habang si Rye ay tahimik na naka-busangot sa harap namin. Kawawa naman tong kaibigan ko, may magandang oppurtunity na sana kaya lang nahuli pa sa pagiging chickboy. "Guys di niyo ba napapansin? Si ate Reign ang pinaka-sexy sa lahat ng babaeng nandito? Diba Rye?" pag uumpisa ng pang aasar ni Miel Tumango lang ito pero mas lalong nalukot ang mukha. "Grabe naman yun Miel. Ibig sabihin ba nun, di ako sexy? Rye ano sa tingin mo?" dagdag ko pa, at nagpapa-cute pa ako "Sobra naman kayo, nangalay nga lang ang kamay nung tao. Diba Rye baby ko?" dugtong pa ni Kurt at sinundot pa ang pisngi ni Rye Kami naman ay natatawa na sa itsura nito. Sobrang sama ng tingin niya sa amin, ayan na umaandar na pagiging isip bata niyan. Pabagsak nitong ibinaba sa table ang dalawa niyang kamay at saka tumayo. "Happy?!" halata ang inis sa boses nito tapos ay walang sabi sabing umalis sa harap namin "Hala kayo, napaka-mapang asar niyo kase." natatawang sabi ni ate Reign "Ranz, ikaw may kasalanan bakit kasi di mo sinabing isasama mo si Reign?" Nanisi pa si Kurt isa din naman siya sa tuwang tuwa kanina. "Oo nga. Suyuin mo yun." sulsol ko pa Isa nga rin pala ako sa mapang asar. Napakamot pa sa ulo niya si Ranz, pero tumayo rin ito at sinundan si Rye. "Pusong mamon talaga." sabi ni Kian Nagpatuloy ang masayang kwentuhan namin, katabi ko si ate Reign na kasalukuyang naka akbay sa 'kin, naging close kami agad e 'no? Maya maya pa ay bumalik na rin sina Rye at Ranz mukhang magkasundo na ang dalawa. "Okay na agad? Dapat magtampo ka hanggang bukas." salubong ni Kian kaya nakatikim siya ng batok sa dalawa "Ano uupo na lang kayo riyan magdamag? Sayaw naman tayo?" pag iiba ni Rye, at lumapit kay ate Reign sabay lahad ng kamay Aba! Napaka-bilis makabawi ah. Tatayo na rin sana ako ng may dalawang kamay na lumahad sa harap ko. Agad kumunot ang noo ko, si Ranz at si Kurt. "Aba, love triangle na ba ito?" panunukso ni Kian Agad ko nama siyang inirapan. Iniabot ko ang magkabilang kamay ko sa dalawa, para wala ng kung ano pang issue tapos ay naglakad na kami patungo sa harap ng banda at nakihalo sa mga bisitang nagsasayaw doon. Nakipag jamming din ako sa Kila's angels. "Guys! Guys! Gusto niyo bang marinig kumanta si Kian?!" pasigaw na tanong ni Kurt nung matapos ang kanta Nagsi-oo naman kami sabay cheer sa pangalan nito. Mayabang naman siyang umakyat sa entablado. Hambog! "Oh walang maiinlove ah, ako lang 'to." sabi pa nito at kinausap ang banda sa kung ano ang kakantahin niya Yabang amp! Nag umpisa ng hagurin ng gitarista ang kaniyang gitara sa saliw ng kantang "Your song" ng Parokya ni Edgar. And s**t! Kinilabutan ako nung marinig ko ang boses ni Kian, hindi ko inaasahan na may talent pala sa pagkanta ang isang 'to. Ang akala ko sa pambubwisit lang siya magaling. "Oh Kila, natatanaw kita. Wag kang kiligin!" Bwisit talaga pero infairness ang sarap sa tenga ng boses niya. Ipinikit ko pa nga ang mga mata ko, para di ko makita na bwisit yung kumakanta nun. "He has a talent. Isn't he?" Napadilat ako nung magsalita si ate Reign sa tabi ko. "Oo nga e. Di ko inexpect." After kumanta ni Kian ay nagpatuloy kami sa pagsayaw at pag inom, medyo tipsy na rin sina Hyun at Kian kaya nagdecide na kaming lumusong sa pool para mahimasmasan ang dalawang mababa ang alcohol tolerance. Napuno kami ng tawanan at sigawan, samantalang si Rye naman ay hindi umaalis sa tabi ni ate Reign kaya naman parang bodyguard na nakamasid sa kanila si Ranz. Nagsisisi na siguro ito at sinama pa ang kapatid. "Ranz c'mon di naman na bata si Reign. Hayaan muna silang dalawa." sigaw ni Kurt Pero mukhang ayaw nitong magpatinag sa pagiging guard sa kapatid. "Para namang di niyo kilala si Ranz, pagdating sa mga kapatid niya. Walang kaibi-kaibigan." sabi naman ni Miel Hinayaan na lang din namin itong bantayan ang kapatid. Nilibang na lang namin ang aming sarili sa paglalaro ng higanteng lobo, at paminsan minsan ay simpleng paglunod kay Kian. Simpleng tinginan at kindatan lang namin ni Kurt ay bigla na itong sasakay sa likod ni Kian at pagtutulungan naman naming ilubog ang ulo nito, tapos pag ahon ay mumurahin kami nito habang pinagtatawanan namin siya. Kawawang mokong. Kalaunan ay lumapit na rin sa amin ang tatlo at nakisali sa kung anu-anong laro at kalokohan na ginagawa namin. Nagpakuha din kami ng litrato para sa remembrance ng unang party na kasama ko sila. Ang unang kuha ay magkakaakbay kami, katabi ko si ate Reign at si Ranz naman ang kasunod niya. Mahigpit talaga. "Yung may pasan naman." sigaw samin nung ka-varsity nila na kumukuha ng pictures Dali daling lumapit si Rye kay ate Reign pero agad humarang ang nanlalaki ang matang si Ranz. "Bakit?" Napakamot ulo na lang si Rye. Sa huli si Kurt na lang pinasan niya, habang ako naman ay nakasabunot sa ulo ng mokong na si Kian. "Aray ano ba?!" reklamo nito "Eh sorry nalalaglag ako e." palusot ko pero ang totoo ay sinasadya ko talagang hilain ang buhok niya It was around 2am noong nagdecide kaming tapusin na ang party. Ilan sa mga guest ay umuwi at ang iba naman ay dito na nagpalipas ng gabi. Pagkatapos magbihis ay naglakad na kami patungo sa mansion, ang vip talaga namin at doon pa kami matutulog. Naka-loose shirt, shorts at slides lang ako, typical na pananamit pag nasa bahay lang ako. "Matutulog na talaga tayo?" tanong ni Kian "Ikaw, kung gusto mo maglaba ka muna." pilosopong sagot ni Kurt sa kaniya Agad na umasim ang mukha nito bago naglakad patungo sa kwarto niya. "Reign saang kwarto ka matutulog?" tanong ni Rye "I don't know. Kung saan na lang matutulog si Kila." "Ate ang feeling close mo naman, mamaya hindi sanay matulog ng may katabi si Kila e." "Oo nga." mabilis na pag sang ayon ni Rye Jusko Ryker, dinudumihan mo ang isip ko. Agad tumalim ang mga mata ni Ranz dito bago siya bumaling sa 'kin. "Kila, okay lang bang itabi mo si Ate sa pagtulog?" Tumango naman ako saka ngumiti kahit ang totoo ay hindi ako sanay ng may katabing matulog. We bid goodnight to each other at nagsitungo sa aming mga kwarto. "Pink?" medyo natatawa pa si ate Reign nung masilayan ang loob "Si Kian nakaisip niyan, halatang sinadya para bwisitin ako." "Pasaway talaga." sabi pa nito at inumpisahang iblower ang buhok niya, "Kumusta na nga pala kayo ni Ranz?" Agad nangunot ang noo ko sa tanong nito. "Kami ni Ranz?" Sumulyap siya sa akin saka tumango. "Well, we're a very good friend. Bukod dun, wala naman na." Napahinto ito sa pagtutuyo ng buhok at tumingin sa akin ng seryoso. "Hindi ba siya special sa 'yo?" Grabe may pagkama-issue din pala si ate Reign tulad ni Kian. I smiled awkwardly, "Lahat naman sila espesyal sa 'kin. Pero kung ang pinupunto mo ay in a romantic way... hindi ko alam at ayoko ring lagyan ng kulay ang maganda naming pagkakaibigan." Mukhang nasatisfied naman siya dun. "How about Rye? Do you like him?" tanong ko Aba di yata ako papatalo pagdating sa intriga. Nangiti ito at napailing iling. "Hindi ko rin alam, but he's cute and funny." Nangiti na lang ako sa sagot niya, I can clearly see that she's into Rye. "Aware ka naman na chickboy yun diba?" "Yeah. Pero sabi nga nila mas masarap magmahal ng gago, na handang magbago para sa 'yo." sagot niya Tumango na lang ako. Aysus! Eh mukhang wala pang planong magbago ang mokong na yun e. "Oh paano, mauuna na akong mahiga ah. Goodnight." sabi nito at ngumiti ng malapad, "Nga pala Kila, nabanggit sa 'kin ni Ranz na hindi ka nakikipag kaibigan sa mga babae. So if I am making you feel uncomfortable, pardon me. And if you don't want me to be your friend just let me be your ate, okay?" Tumango naman ako at ngumiti bilang pagsang ayon. "Nighty." dagdag pa niya "Goodnight Ate." Bahagya pa kaming nagtawanan. Habang nagtutuyo ako ng buhok ay bigla namang nag ring ang cellphone ko, dali dali kong dinampot at sinagot yun baka magising si ate Reign. Lumabas ako ng kwarto at saka ko sinagot ang tawag. "Ma gising ka pa?" "Hindi ako makatulog e. Ano tapos na ba party?" "Yeah. Matutulog na nga po ako dapat sa kwarto ko e. Saka kasama ko po si ate Reign." "Kwarto mo? Pero andiyan pala si Reign? Mabuti naman." "Bukas ko na po ipapaliwanag. At opo Ma, kasama ko si ate Reign. Kaya wag na kayo mag alala riyan, at saka wala parin ba kayong tiwala sa mga kaibigan ko?" "Hindi naman ang mga kaibigan mo ang issue. Nag aalala lang ako baka nasobrahan kana sa pag inom. Pero ngayon panatag na 'ko. Kaya sige na Kila, matulog kana. Goodnight baby." "Goodnight master. Mwah" Babalik na sana ako sa loob ng kwarto noong mapansin kong bukas ang glass door papuntang Veranda. Kunot noo akong naglakad patungo roon at bahagyang sumilip. Natanaw ko si Kurt na nakaupo habang humihipak sa kaniyang vape. Nagve-vape pala siya. "Pssst." mabilis itong lumingon sakin "Oh Kila, bakit gising ka pa? Di ka ba makatulog ng may katabi? May iba pang kwarto." "Kalma. Matutulog na talaga dapat ako kaya lang tumawag si mama. Eh ayoko namang magising si ate Reign kaya lumabas ako." Tumango naman siya. "Teka, ikaw bakit di ka pa natutulog?" "Hindi pa ako dinadalaw ng antok e." simpleng tugon nito Nag offer pa siya ng upuan sa kin na tinanggap ko naman. "Did you enjoy the party?" Tumango ako, "Yep. Sobra, thanks to you." sabi ko at binigyan siya ng isang malapad na ngiti Pinisil naman nito ng marahan ang pisngi ko. Luh! Matapos nun ay wala ng nagsalita sa amin. Parang pinagsisihan ko tuloy na pumunta pa ako dito, ewan parang bigla akong nakaramdam ng awkwardness. "Ah, nga pala Kurt nasan ang parents mo?" tanong ko na bumasag sa katahimikan Tumingin naman ito sa akin, at sa expression pa lang ay nakikita ko ng mali na nagtanong pa ako. "Ah eh hindi mo naman kailangan sagutin. Sorry kung natanong ko." kagat labing sabi ko Ngumiti naman siya ng tipid at muling tumingin sa kawalan. "My mom left when I was nine." Napatingin ako dito dahil sa bigla niyang pagsasalita. "A year after, my dad died because of loneliness and depression." dagdag pa niya Mas lalo akong napa-kagat labi. Ang chismosa ko kasi e. Tsk "I'm sorry to hear that. Pasensiya na nagtanong pa ako." nagi-guilty na sabi ko Humarap naman siya sa 'kin at saka ngumiti. "It's okay." Hindi ko na alam kung paano pa pagagaanin ang loob niya. "Don't worry, nandito lang kami na mga kaibigan mo para sa 'yo. Hmm" sabi ko na lang at tinapik siya sa braso "Yeah I know. This house feels empty pag wala kayo rito, ewan ko ba kasi bakit kailangan pang ganito kalaki e dalawa lang naman kami." ngumiti pa ito ng mapait sa huli niyang sinabi May mga bagay talaga na hindi kayang punan ng pera at yaman. "Tama na nga yan baka magkaiyakan pa tayo rito." pabirong sabi ko at inagaw ang vape na hawak niya Noong akma kong ilalapit sa bibig ko yun ay dagli niya namang binawi. "Pa-try lang. Wala naman akong nakakahawang sakit e." nanunulis pa ang nguso ko "Hindi naman yun e. Bawal sayo 'to." maotoridad na sabi niya Pero syempre hindi ako papatalo. Duh! "Try ko lang, isa lang please." nagpout pa ako baka sakaling umobra, "Pleaseee." Napabuntong hininga na lang siya. See, di ka uobra sakin Kurty boi. Ipinakita niya muna sakin kung paano gamitin yun tapos ay may pinindot pa bago ibigay sa 'kin. Ngumiti pa ito ng malapad. Inumpisahan ko nang sipsipin ang vape. And s**t! Parang napuno ng usok ang baga ko, kaya naman inubo ako ng grabe. Tawa naman ng tawa si Kurt habang mamamatay na yata ako kakaubo. "Naka-max ang watts niyan." tumatawang sabi niya pa at pinakita sa 'kin yung numero na hindi ko naman malinawan Ga–gu ka! Mama–matay nako!" nauutal na sabi ko habang hawak ang aking dibdib Natigil naman siya sa pagtawa at mukhang natataranta. Hinagod hagod niya ang likod ko, pero ang kati parin sa lalamunan. "Wait kukuha akong tubig." sabi nito at kumaripas ng takbo sa kwarto niya Para itong kidlat sa bilis. Pagkainom ng tubig ay medyo kumalma na ang lalamunan ko, habang lumuluha ang mata ko at naghahabol sa hininga. "Hala! Sorry. Sorry, gusto lang naman kitang biruin e." sabi nito, "Sorry talaga Kila. Ayos kana ba? Sorry." Nung makabawi sa hingal ay doon ko na siya hinarap at binigyan ng matalim na tingin, hinawakan ko ng dalawang kamay ang damit niya at saka hinila ang mukha nito sa akin. "You. Dead. Meat. Wala pang gumagawa nito sa 'kin!" sigaw ko sa mukha niya, "Mamamatay na ako, tuwang tuwa ka pa." Pasalamat ka wala pa akong naiisip na gawin sa 'yo para makaganti ako. Napakagat labi naman ito. "Sorry na nga. Sampalin mo na lang ako, o kaya suntukin mo 'ko. Sige na, gawin mo kahit ano para mawala ang galit mo." Padabog ko siyang binitawan. "Wag na. Napatawa naman kita e." sabi ko na kunwari ay galit padin ako Mukhang guilty na guilty siya sa ginawa niya, ayan konsensya mo na magpaparusa sa 'yo. "Sapakin mo na ako, baka hindi ako patulugin ng konsensya ko." Aba at ngayon siya pa itong nagpapaawa effect sa 'kin. "Okay." simpleng sabi ko at agad kong ibinigay ang hinihingi niya Napahawak naman ito sa pisngi niya, wala talagang nananalo sa 'kin. "Oh ayan, patutulugin ka naman na siguro ng konsensiya mo 'no?" pang aasar ko pa "Hirap mo talagang kalabanin. Tara na nga matulog na tayo." aya nito sakin Nakangiti naman akong sumunod sa kaniya. "Night Kurty boi." nakangising sabi ko nung nasa tapat na kami ng kwarto ko "Goodnight." tugon nito na may mukha na parang nagtatampo, "Siya nga pala Kila, we just did an indirect kiss." aniya at ngumisi Agad kumunot ang noo ko. Huh? Anong sinasa— Naalala ko yung sa vape, agad nanlaki ang aking mata at bago ko pa siya mabigyan ng isa pang sapak ay kumaripas na ito ng takbo patungo sa kwarto niya. Siraulong yun ah! Hindi naman issue sakin kung sinupsop niya yung driptip at sinupsop ko rin, pero yung sabihing indirect kiss yun. Ha! Talagang di ka papatalo Kurty boi ah! Well sorry ka pero di ko ibibigay sa 'yo ang gusto, duh it wasn't a big deal tho. Indirect kiss my foot! Tsk. Pumasok na ako sa kwarto at naabutan kong mahimbing parin ang tulog ni ate Reign, parang gusto ko tuloy sumigaw ng sanaol tulog na hihe. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko, 3:45 na pala. Tsk, kung natulog na lang sana ako edi nananaginip na sana ako ngayon. Ugh! Kinalma ko muna ang utak ko bago tuluyang nahiga sa tabi ni Ate Reign. *** "Good morning." bati nito sa 'kin habang nakaharap sa salamin "Good morning." balik na bati ko sabay nag inat Bumangon na ako at dumiretso sa cr para makapag toothbrush at hilamos. Paglabas ko ng cr ay nakabukas na ang pinto ng kwarto at nakasilip na ang mga mokong. "Morning Kila." malapad ang ngiti na bati sakin ni Kurt Maaga kang mang aasar ah. "Morning. Sarap ng tulog ko." nakangiting sabi ko at naghikab pa sabay inat Agad napawi ang ngiti nito, di ka oobra sakin pagdating sa asaran. "Baba na tayo, handa na ang breakfast." pag iiba nito "Teka nasan si Prince?" tanong ko noong mapansin na wala pa si mokong "Ayaw pang bumangon kaya hinayaan na lang namin." tugon ni Ranz Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at sumunod sa kanila. Pagdating sa dining area ay nakita ko ang isang lalaki na sa tansya ko ay nasa mid 60's na. Siya marahil ang lolo ni Kurt. "Good morning." masayang bati nito sa 'min "Good morning Gran." tugon nina Ranz dito "Gran, I want you to meet Kila." pagpapakilala sakin ni Kurt Hindi ako sigurado kung dapat ba akong magmano, o makipagbeso. Kaya minabuti ko na lang mag bow, as a sign of respect dito. "And ito naman po si Reign, she's Ranz eldest sister." Ngumiti ito sa amin. "It's nice to meet you girls. Nakatulog ba kayo ng maayos?" Tinanguan naman namin siya ni Ate Reign. "Wag na kayong mahiya sa 'kin, pwede n'yo rin akong tawagin na Gran if you want to. Oh siya have a seat para makapag breakfast na kayo." anyaya nito sa amin na malugod naming tinanggap Mukhang palabiro at maloko rin itong lolo ni Kurt, no wonder kung bakit malapit sa kaniya maging sina Ranz. "Oh, Ryker nakailang babae ka naman ba kagabi?" Nanlaki ang mga mata nito. "Gran naman, ano po bang sinasabi n'yo? Alam n'yo namang mana ako sa inyo na sa isang babae lang ang atensiyon." Pinagtawanan lang siya ni Gran. Tapos si Kurt naman ay may binulong sa kaniyang lolo na mas lalong lumapad ang ngisi sabay tingin kay Rye tapos ay napa- tsk tsk tsk. Napabusangot na lang si Rye, kawawang chickboy. Pagkatapos mag breakfast ay nagpaalam na rin kami sa lolo ni Kurt. "Kila diba si Kian maghahatid sa 'yo?" tanong ni Miel Oo nga no? Palpak na naman ang tigahatid ko. "Ako na lang maghahatid sayo." ani Ranz "Sige hatid mo si Kila, tapos ako na maghahatid kay Reign." nakangising si Rye Agad siyang pinukol ng matalim na tingin ni Ranz. "Loko ka ba? Pano naman ako?" sabat ni Miel kaya napakamot na lang ng ulo si chickboy "Ako na maghahatid kay Kila at Hyun." pagpipresinta ni Kurt na sinang ayunan naman namin Nilabas nito ang matte black na jeep wrangler, napaka angas! "Bye guys." Kumaway pa ako bago pumasok sa loob ng wrangler. Nag umpisa ng magmaneho si Kurt, at makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Restobar nina Hyun ilang metro lang kasi ang layo nun. "Bye Hyun, regards mo na lang ako kay tita." sabi ko "Okay. Ingat kayo, bye." tugon niya at saka tumalima "Kurty wait..." sabi ko nung akma nitong paandarin ang sasakyan Kumunot ang noo niya na siya namang sinuklian ko ng malapad na ngiti at puppy eyes. "Can I drive?" pa-cute na sabi ko "Tsk!" usal niya saka napangiti Bumaba na siya sa jeep at mabilis naman akong lumipat sa driver seat. "May lisensya ka ba?" tanong nito pagkasakay sa passenger seat Tumango naman ako. "Ayusin mo ah, wala tayo sa karera." bilin niya pa Tinapik ko naman ang balikat nito. "Yes sir!" masayang sabi ko at nag umpisa ng magmaneho Enjoy na enjoy ako sa pagmamaneho ng wrangler, grabe miss ko na talagang magdrive. "Wanna try?" Dali nitong naagaw ang aking atensyon at kitang kita ko ang lapad ng ngiti niya habang iniaabot sa 'kin ang vape. "Kurt gusto mo ba talagang sumabog nguso mo?" tanong ko sabay tingin sa kaniya ng masama "Bakit inaalok lang naman kita ah." natatawa pa ito Kinurot ko nga siya sa tagiliran. "Aray nakakailan kana ah! Inaalok ka lang naman ng indirect kiss e." pilyong sabi pa nito dahilan para bigla akong mapa-preno "Ahh! Sabi ko ayusin mo pagmamaneho e." Napahawak pa ito sa kaniyang ulo. Ngunit sa halip na sagutin ay tinitigan ko siya, mata sa mata. "Oh ano na namang plano mo?" Inilagay niya pa ang dalawang palad sa kaniyang mga pisngi. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kaniya habang tinatanggal ang lock ng seat belt ko, tapos ay dahan dahan kong inilalapit ang mukha ko sa mukha niya. "K-Kila..." kitang kita ko ang sunod sunod nitong paglunok Dinilaan ko pa ang upper lip ko sabay kagat sa ibabang bahagi nito, hindi na maipaliwanag ang mukha ni Kurt dahil sa ginawa ko. "Hinahamon mo ba talaga ako Kurty boi?" mahinhin na sabi ko at saka tinignan ang kaniyang labi Sobrang lapit na ng mukha ko sa kaniya, nararamdaman ko na nga ang mainit at mabilis niyang paghinga. "Baka di mo 'ko kayanin." pilyang saad ko at mas lalong inilapit ang labi sa kaniya Nakita ko namang napapikit ito. Kaya dun na ako bumitaw sa act ko. Tawa ako ng tawa sa ginawa niya, duh kala ba ng mokong na 'to hahalikan ko siya. "Bakit ka pumikit?" tumatawang tanong ko Mukhang pinagpapawisan naman ito. "Ewan ko sa 'yo. Masisiraan na yata ako ng bait." Nakakunot pa ang noo niya habang tuloy parin ako sa pagtawa. "Wag ka kasing makipag asaran kung di mo kayang panindigan. At ito.." Kinuha ko ang vape at humipak dun sabay buga ng usok sa mukha niya. "It's not a big deal to me. Kaya stop labelling it as an indirect kiss, okay? Hindi mo 'ko maaasar gamit yun. Better luck next time Kurty boi." sabi ko pa at pinisil ang kaniyang pisngi Nanatili namang nakakunot ang noo nito kahit nung nagmamaneho na ako. Pwede pala akong gumanap na seducer sa teleserye. Ha ha "Bye ingat ka!" Kumakaway na sabi ko pagkababa ko sa wrangler. "Heh!" pagsusungit nito pero sa huli ay kumaway din Akala mo oobra ka sa 'kin? Asa! I am Akila Cayne Samonte kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD