KABANATA 43: HINDI NGA TALAGA siya kinakausap ni Caro, unless tungkol ito sa trabaho. Kasalukuyan silang nag-i-imbestiga tungkol sa illegal drugs na nakuha sa airport. Galing na sila sa airport at nangalap sila ng mga impormasyon kung saan galing at sino ang padadalhan. Galing ito sa Italy, at ibabagsak lamang sana sa pinakamalapit na courier company. Mabuti na lamang at may pangalan at address pa rin kung kanino ipinadala ang package, iyon ang kinuha nila. “Ito ang address,” ani Dalee saka inabot kay Caro. Tumango naman si Caro saka dumiretso sa isang sasakyan na hiniram nila. Hindi naman kasi nila pwedeng gamitin ang police mobile dahil nag-iimbestiga pa lamang sila. Kailangan na muna nilang makakalap ng matibay na ebidensya bago sila makakuha ng warrant of arrest. Dala nila ang isan

