KABANATA 51: HINDI PA MAN nakakapagsalita si Dalee, tinakpan na ni Caro ang kanyang mga mata. “Imagine me on top of you…” he whispered. Napangiti siya sa ginawa nito. Kahit na takpan nito o hindi ang mga mata niya, si Caro pa rin naman ang nakikita niya. “Hindi si Andres ang nakikita ko…” Hinawakan niya ang kamay ni Caro saka inalis iyon mula sa pagkakatakip sa kanyang mga mata. Nagtama ang paningin nila. Ang kulay berdeng mga mata ni Caro ang nakikita niya. “Anong ibig mong sabihin?” takang tanong nito. “Hindi si Andres ang nakikita ko, kundi ikaw…” Caro stopped for a moment. Bumilis ang kabog ng puso ni Dalee nang walang pasabing dumukwang ito saka siya hinalikan sa labi. Mas lalong nagliyab ang init sa pagitan nilang dalawa lalo na nang maramdaman niya ang pagtama ng mismong

