[ALAS POV]
Ang mga mata ko ay tutok sa magazine habang nasa harap ko ang mainit na tasa ng kape. Nakaupo ako sa maliit na dining area malapit sa pool, ito kase ang pinaka preskong lugar sa ganito kagandang panahon.
"Sir, nandito na po si Aling Martha." Tawag sa akin ng isa sa mga katulong.
Walang gana ko s'yang nilingon, sa mga ganitong oras ay ayaw ko ng istorbo. Indinaan ko na lamang sa malalim na buntong-hininga ang inis ko.
"Anong gagawin ko sa kan'ya?" Tanong ko.
"S'ya po yung kinuha ng Daddy ninyo para maging personal maid ninyo sa trabaho." Sagot nito na dahilan upang tuloyan kong harapin ang katulong.
Inilipat ko ang tingin sa nakasarang entrada ng mansyon. Kailan ko pa kinailangan ng personal maid? Ano ako bata? Inis kong nasabi sa isip.
"Papapasokin ko po ba, Sir?" Tanong ng katulong sa akin.
Muli akong bumalik sa pagkakaupo saka sumimsim ng kape. "Papasokin mo." Ika ko.
Nang marinig ko ang mga yapak ng katulong paalis ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Dad. Inis parin ang nararamdaman ko habang naghihintay sa pagsagot n'ya sa tawag ko.
"Why the hell you hired a personal maid for me?" Ayon agad ang salubong kong tanong nang sagotin ni Daddy.
"You need it, anak." Dinig ko pa s'yang natawa.
"Seriously?" Singhal ko, "Dad, I am freaking 24. Can you imagine a 24 year old grown man having a personal maid?" Mas lalo akong nainis.
"It is not about the age, Alas Zamiel. It is about your time, kailangan mo ng personal maid to help you with anything lalo pa't masyado ka nang abala." Paliwanag n'ya.
"Still, I don't need it." Giit ko.
"Nand'yan na ba yung maid?" Tanong n'ya.
"Yeah."
"Let them in, magpakilala ka."
Them— What?
"Ilang personal maid ba kinuha mo?" Nagtataka kong tanong.
"Isa lang, gusto mo bang dalawahin ko?"
"No!" Agad kong tanggi, "You said 'Let them in', so hindi lang isa?"
"Isa lang ang kinuha kong maid, ang kasama n'ya ay anak n'ya." Kampante n'yang sagot.
"Tutulongan ko pa s'yang mag-alaga ng anak n'ya? Paano kung manggulo pa sa opisina yung anak no'n?" Inis kong tanong.
"You know what? Just let them in, meet them and have a talk. I have a lot of things to do." Iyon lang at ibinaba n'ya na ang tawag.
Inis akong bumuntong-hininga saka ko tinahak ang daan papuntang sala. Nakakatawa, talagang ipinilit ni Dad na kailangan ko ng personal maid. I'm not a kid anymore, I'm a grown man. At talagang isinama pa ng maid na 'yon ang anak n'ya, hindi n'ya ba naisip na sagabal sa trabaho n'ya ang magalaga ng bata?
Ilang saglit lang ay narating ko na ang sala kung saan tanaw ko si Manang Helen katapat ang dalawang babae. Ang isa ay matanda na't may puti na ang mga buhok, at ang isa naman ay dalaga. Naipako ko ang mga tingin ko sa babaeng iyon, kakaiba ang kulay n'ya kumpara sa normal na kulay ng isang tao. Ang pagka-puti ng balat n'ya ay maputla, ang mga labi n'ya ay hindi gaya ng sa iba na natural ang pagka kulay rosas. Mahaba at maalon ang itim na itim n'yang buhok, ngunit ang kan'yang mga mata ay kakaiba, tila matamlay. Is she sick? Nakita kong masiglang tumango ang babaeng iyon sa harap nila Manag Helen. I think she's not.
"Oh, Alas." Aligaga kong naibaling ang tingin ko ay Manang Helen, "Nariyan ka na pala, maupo ka dito." Anyaya n'ya.
Agad akong nagpunta sa katapat na sofa saka prenteng umupo. Matagal na sa amin si Manang Helen, bata pa lamang ako ay nagtatrabaho na s'ya sa amin. Itinuring na namin s'yang parte ng pamilya, s'ya ang namumuno sa mga kasambahay namin para magabayan sila ng maayos. Kaya ngayong may panibago na namang kinuha si Dad para makasama namin sa mansyon ay si Manang Helen ang humaharap. Sa kan'ya namin nalalaman kung mapagkakatiwalaan ba ang sino mang kukunin ni Dad upang magtrabaho sa amin.
"Who are they?" Tanong ko.
"Eto si Martha." Turo ni Manang Helen sa matandang babae, "At ito naman ang anak n'ya, si Calliope." Turo n'ya sa anak nito.
Muli na namang napako ang paningin ko sa dalagang iyon. Kung titingnan ay mukhang magka-edad lang kami. Hindi s'ya payat, sakto lang ang katawan n'ya. Kaya ipinagtataka ko kung ano ang sakit n'ya, o may sakit nga ba s'ya para maging ganoon s'ya kaputla. Binawi ko na lamang ang tingin ko mula sa kan'ya.
"You will start working tomorrow." Agad kong sabi saka tumayo.
Kita ko ang gulat kina Manang Helen at sa iba pang kasambahay, lalo na sa mag-ina na nasa harapan ko. Alam kong nagtataka sila kung bakit ganoon ako kabilis nagdesisyon.
"What?" Ako pa ang nagtaka, "Did I say something wrong?"
"Napakabilis mo naman yata silang tinanggap, Alas?" Nagtatakang sambit ni Manang Helen.
"What's wrong with that?" Tanong ko.
Nakita ko ang kakaibang tingin sa akin ni Manang Helen na tila ba nagsasabing hintayin ko ang pangaral n'ya sa oras na makaalis ang mag-ina. Pasiring ko na lamang na inalis ang paningin ko sa kanila saka umakyat ng hagdan, hindi ko pa man nararating ang tuktok ay muli akong napalingon sa ibaba saka tumama ang paningin ko sa babaeng iyon. Hindi s'ya ang rason kung bakit ko sila agad tinanggap, mukha lang talagang mapagkakatiwalaan iyong personal maid na kinuha ni Dad kaya ako pumayag. Nagiwas ako ng tingin saka ako muling naglakad papunta sa kwarto ko.
Kinuha ko ang laptop saka tumingin ng mga bagong labas na sapatos sa iba't-ibang online shops. Hilig ko ang mag-order ng iba't-ibang klase ng luxury shoes pagkatapos ay hahayaan ko lamang na amagin sa shoe wall ko. Bata pa lamang kase ako ay hilig na ni Mommy na bilhan ako ng mga sapatos, at ngayong hindi ko na s'ya kasama ay itinuloy ko ang hilig n'ya para sa akin. Ilang sandali pa ang lumipas ay pamilyar na katok sa pinto ang narinig ko.
"Alas." Dinig kong boses ni Manang Helen matapos pumasok, "Kamusta ang araw mo?"
"Everything's fine." Maagap kong sagot.
Nakita ko s'yang titigan ako saka napangiti at umiling. Nagtataka kong inalam ang dahilan ng ganoong reaksyon n'ya.
"Gaano kaayos ang araw mo't sa kauna-unahang pagkakataon ay tumanggap ka ng personal maid?" Diretso n'yang tanong.
Gusto ko ring tanongin ang sarili ko, ngunit maski sa akin ay wala akong maisagot. Ilang beses nang tinangka ni Dad na kuhaan ako ng personal maid, ngunit bigo silang mapapayag ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon kadali para sa akin ang pumayag kanina. Bumuntong hininga ako saka tiningnan si Manang Helen, ganoon parin ang uri tingin n'ya sa akin.
"I-I think she needs a job for..." Hindi ko maituloy.
"For?" Naghihintay na tanong ni Manang Helen.
"F-For her family, of course." Paglihis ko.
Kita kong tumingin sa akin ng diretso si Manang, "Para sa anak n'ya." Pagtatama n'ya.
Natigilan ako sandali ngunit nagtuloy na lamang na tila walang pakealam sa narinig. Ngunit ang totoo ay wala ang atensyon ko sa laptop ko kundi nasa mga sinasabi ni Manang Helen. Sadyang ayaw ko lang masabi n'ya na nagkakaroon ako ng interes sa buhay ng iba, lalo pa sa isang babae. Never, I'm Alas, I don't need a girl.
"Kailangan ni Calliope na maipadala sa ibang bansa." Natinag ako sa sinabi ni Manang.
Saglit ko s'yang tinapunan ng tingin saka muling ibinaling ang tingin sa laptop, "She's going to let her Mother work at that age para lang makapunta s'ya sa ibang bansa?" Kunwari akong suminghal.
Narinig kong matawa si Manang, "Hay nako, Alas." Hinawakan n'ya ang balikat ko, "Sa kakukulong mo sa opisina at dito sa mansyon ay wala ka nang halos nalalaman sa buhay ng mga tao sa labas." Napailing s'ya.
Damn. Napamura ako sa isip. Bakit hindi n'ya nalang kinontra ang sinabi ko at ikwento ang dahilan kung bakit pupunta ng ibang bansa iyong anak ng personal maid na kinuha ni Dad. I am f*****g curious! Mas inis ko pang sambit sa isip. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa inis.
"Ako'y bababa na't magluluto para sa paguwi ni Sir." Pagtukoy n'ya kay Daddy saka umalis.
Halos masabunotan ko ang sarili sa inis saka naiiritang isinara ang laptop ko. Dapat kase ay itinanong mo nalang ng diretso, Alas! Inis kong sabi sa sarili. Mukhang hindi ako makakatulog kaiisip ng dahilan.