Hindi mapakali si Farhisst sa kinauupuang kama. Nasa isang kamay niya ang kopitang may lamang wine. Katatapos lang ng kanilang kasal. Bahagya siyang napangiti nang balikan niya sa isip ang magandang mukha ni Odessa, ang mukha ng kaniyang magandang asawa. Nagmukha itong diyosa sa lahat lalo na at engrandeang garden wedding ang binigay niya. Halos hindi siya makahinga kanina habang naglalakad ito sa isle na napapalibutan ng mga bulaklak. Nagmistulang magical land ang malawak na bakuran sa mansion nang Philco kung saan ginanap ang kasal nila. Napuno ng mga halaman at naggagandahang bulaklak sa bawat tabi at pinaramdam niya sa dalaga kung ano ang salitang espesyal. Inasar siya ng kaniyang mga kaibigan dahil umiyak siya sa harap ng magulang ni Odessa habang tinanggap ang kamay ng dalaga. Pa

