“You love that man, right?” Napatango siya sa tanong na iyon ni Maccabi. Nakatingin lang ito sa kaniya habang 'di pa rin niya inaalis ang tingin sa dalawang bagong panauhin. Nabibwesit siya sa babae lalo na at kapit-tuko ito. “Nakakainis naman ang babaeng 'yan. Parang linta lang.” Sumilip din ito at napakunot noo. “Hindi naman. Naiinis ka lang, Ms. Philco, kaya nasabi mo 'yan.” Kung sabagay, tama ang lalaki. Naiinis lang siya. Sa katunayan, maganda ang babae. Ibang-iba sa kaniyang description pero naiinis siya kung bakit ngayon pa may ganang maglantad sa harap niya mismo si Frahisto! Ang sakit sa part niya kahit wala siyang karapatan. Kaniya ito nung una. “If you love him, then why don't you tell it to him straight? Malay mo, mahal ka pa rin niya.” Mabilis siyang napalingon kay Macc

