“Itang!” Mabilis napabangon si Odessa, Nag-ikot siya ng tingin at agad napababa sa kama. Akmang tatakbuhin niya na ang kurtinang nakaharang para magsilbing pintuan nang biglang pumasok do'n si Tina. Matagal siyang napatitig sa kaibigan at do'n lang tuluyang nag-sink in sa kaniyang isip, na wala na ang matanda. “I-itang...” nagsimulang gumaralgal ang kaniyang boses. Kasunod ang panay bagsak ng luha sa mata niya... Agad siyang tinakbo ng yakap ni Tina at hinayaan siyang umiyak nang umiyak sa balikat nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang matanda. Na wala na ito... Na iyon na ang huling pag-uusap nila sa araw na iyon. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Ni hindi man lang siya nakayakap ng mahigpit dito. Namatay ito sa mapait na paraan at walang kasalanan. Pinatay

