"Ngayon lang 'to nangyari na lalaki ang tumawag sa atin ha!" Galak na sumbat ni Coolen. Habang hinahawi nito ang buhok niya. "Dude, hello sino po sila?" Tanong ko. "James" Pahiya-hiya niya pang sabi. "James is my name" Heto na naman kaming tatlong nagkatitigan. I guess we have the same mind set. Pero napansin ko na ang sexy ng boses niya. "As in James Ruther?" Tumawa na lang ang lalaki sa sinabi ni Vivien. "Yes!" Napansin anamin na meron siyang british accent. "DJ Blossom parang dumudugo na ang ilong ko sa kaniya. Can you talk to him?" Lagot ipinasa na ni Vivien sa akin 'tong inglesero. "It is ok if we can talk in tagalog?" Tanong ko. "Yes, Ok lang sa akin." Oh my, mas sexy siyang pakinggan nang mag-tagalog siya. "Oh, It's nice to hear that! Alam kong na pakinggan mo ang tanong

