Chapter 28 “Kilala mo yun, Kara?” nagtatakang tanong sa kanya ni Camilla. Tumango siya. “Hmmm. Sa palengke ko siya nakita. Siya rin ang tumulong sa akin noong nanakawan ako. Naalala mo? Kaso, hindi ko na ulit siya nakita dahil nahanap ako ni Vlaire.” Tumango-tango ang dalaga. “Parang may kakaiba akong naramdaman sa kanya. May mali,” nag-iisip nitong wika. “Basta mag-ingat ka sa kanya.” “Bakkt naman? Mukhang mabait naman siya, ah,” katwiran niya. Umiling lang ito. “Basta mag-ingat ka lang. Hindi ko lang matukoy kung bakit nakakaramdam ako nang hindi maganda sa presensya niya.” “Sige. Ikaw ang masusunod.” Hindi na siya nagsalota nang magsimula na ang kanilang klase hanggang sa matapos. Wala ring imik ang kanyang kaibigan at pareho silang pokus sa pag-aaral. “Hey, can I join you?” ka

