Chapter 37 Nagmamadali sa paglalakad si Kara. Pumara siya ng tricycle at agad na sumakay. Ilang minuto lang din ang itinagal niya sa daan at narating din niya ang ospital. Kinakabahan pa siya dahil pakiramdam niya ay baka wala sa loob si Vlaire. “Salamat po, Manong.” Kaagad siyang bumaba at naglakad papasok sa loob. Mabuti na lang at wala masyadong pumansin sa kanya. Ayaw niyang makuha ang atensyon ng mga naroon dahil baka hindi siya papasukin. Kaagad siyang sumakays a elevator at pinindot ang third floor. Dire-diretso siyang lumabas pagkalapag sa taas. Hindi na siya kumatok pagdating niya sa silid ni Vlaire. Binuksan niya ito at nagulat siya na wala roon ang doktor. Kumunot ang kanyang noo. Mukhang hindi ito pumasok. Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ito ngu

