Chapter 46 “Kara!” tawag sa kanya ni Camilla ng may ngiti sa labi. Kaagad niya itong nilapitan. “H-Hi. Pasensya ka na at ngayon lang ako nakapasok,” paghingi niya ng paumanhin sa kaibigan. Iginiya niya ito sa isang bakanteng upuan. Marami-rami na rin kasi ang customers na kumakain sa kanyang bakery. “Kamusta naman kayo ni Dylan?” tanong niya pagkatapos nilang maupo. Umirap ang dalaga. “We are fine. Ikaw ang dapat kong tanungin. What happened to you? Nalaman ko kay Dylan na nagkasakit ka?” usisa ni Camilla sa kanya. “Psh. Ayos lang ako. Nabinat lang,” wala sa sarili niyang sagot dahilan kaya tumaas ang kilay ng kanyang kaharap. “B-Bakit?” takang tanong ni Kara. Bigla itong lumapit sa kanya. “Weh? Bakit ka nabinat? What did you do? Ginawa n'yo na ba ang sinabi ko?” pakindat nitong ta

