Chapter 48 “Push!” mariing utos ng doktor na nagpapaanak kay Kara. Halos bumaliktad ang kanyang sikmura. Hindi siga makahinga. Nahihirapan siyang ilabas ang kanyang anak. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. “Aah!” “Push! Come on. I can see her head. Now, Darling, push for me, okay?” Sinunod niya ang sinabi nito. Pikit-mata siyang umire hanggang sa lumabas ang kanyang anak. Halos lumabas ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan sa sobrang panghihina. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. “Girl. Your baby is a girl,” anang doktor. Napangiti si Kara bago nakahinga nang maluwag. “Salamat,” aniya. Nakahinga naman nang maluwag ang asawang si Vlaire na kanina pa hindi mapakali sa kanyang tabi. Hindi rin nito mawari kung ano ang gagawin at minsan pa ay pinagalitan ito ng

