Chapter 23: Confusion
Krystal Jung (f (x) ) as Raven Demi Elizalde
*****
Tulala pa din si gavin dahil sa nasasaksihan niya sa harapan niya. Gusto niya magtanong pero pinili na lang din niyang manahimik. Iniwan nila si aisaac sa loob ng quarters nila habang kumakain ng makarinig sila ng malakas na pagsabog sa labas.
Sinabihan nilang wag lalabas si aisaac at sumunod naman kaagad ito sa kanila.
Flashback...
Nakayakap pa din si aisaac kay raven which makes him confused. Never in his entire life na nakita niyang ganito ang captain nila towards to a guy. Except na lang siguro sa pamilya niya.
"I really missed you, noona" sabi ni aisaac dito at kumalas na ng yakap. Ginulo lang ni raven ang buhok ng binata at pinaupo na ito sa isang wooden chair.
"Namiss mo kamong asarin, kamusta na kayo?" Ganun pa din ang tono ng boses niya. Malamig.
Nagtaka naman si aisaac sa tono nito pero isinawalang bahala na lang niya. Ang mahalaga ngayon ay nasa harapan na niya ang babaeng dahilan kung bakit hindi siya kumakain ng matamis.
Napatingin siya sa mesa kung saan maraming sweet foods kasama na doon ang mga paborito niya. Halos lahat nga paborito niya e.
"Go on, eat. I know you're depriving yourself. What a stubborn kid." Panenermon niya dito.
Umupo ng napapailing si gavin sa isa sa mga upuan sa dining habang kumukuha ng isang slice ng chocolate mousse na binake ni raven. Gustong gusto nila ang luto ng dalaga dahil marunong talaga ito at hindi niyo yun maipag aakila pag natikman niyo ang luto niya.
"Kasi wala ka, paano ako kakain?" Tanong ni aisaac at nag pout pa. Muntik ng mabulunan si gavin sa pinag gagagawa nito.
"Bakit? Nasa akin ba ang kamay at sikmura mo para hindi ka makakain? Tsk!" Sermon ulit ni raven. Knowing her, hindi talaga siya magpapatalo pag may point siya.
"How am i going to eat kung hindi yung luto mo ang natitikman ko? How am i going to eat kung sa dalawang linggo na yun walang nagbe-bake ng mga cookies at cupcakes sa bahay? Nakakamiss kaya, lalo na yan panenermon mo" Sabi ni aisaac at do'n na natuluyang mabulunan si gavin sa mga sinabi ni aisaac.
Tinignan lang siya ni raven habang nabubulunan at walang makitang inumin sa paligid si gavin kung hindi puro chocolate drinks. Napangiwi siya, ayaw niya nun. Masyado ng matamis pag dumagdag pa yun sa sistema niya.
"Gusto mo?" Alok ni raven sa hawak niyang malamig na tubig at tila nang aasar pa ito. Hinablot kaagad ni gavin sa kamay ni raven ang tubig at nilagok ito ng walang hingahan.
Tinignan niya ng masama si raven dahil hinintay pa talaga nito na mawalan siya ng hangin bago ialok yung tubig na hawak niya.
"Aisaac? What the f*ck are you saying? Kailan ka pa naging ganyan?" Nagtatakang tanong ni gavin dito habang nagpupunas ng bibig.
Para tuloy isa silang buong pamilya habang sinesermonan ang nag iisa nilang anak dahil may ginawa itong kalokohan.
"Totoo naman kasi hyung! Tsaka na realize ko 'to simula ng nawala...kayo" Sabi niya habang nakayuko.
Napatingin si gavin kay raven na sinasabi ng kanyang mga mata ay (Mukang-may-napatino-ka-na-sa-apat-captain) pero inirapan lang siya ni raven at tinignan ulit ang batang-este ang isa sa mga boss niya ng seryoso.
"Aisaac, ayokong gagawin mo ulit yun. Hindi ka sanay na ginagawa yun. Alam mo ba na pwedeng bumagsak ang sugar mo ng biglaan dahil sa ginawa mo? Masyadong masama ang ginawa mo sa katawan mo. Naiintindihan mo ba?" Tumango naman si aisaac kaya napangiti ng konti si raven at hindi yun nakatakas sa paningin ni gavin. He shook his head. Hindi talaga siya makapaniwala sa inaakto ng dalawa.
"Kumain ka na, kaya kita pinapunta dito para diyan. Go on, eat" utos niya dito.
"How bout you? You're not going to eat?" Tanong sa kanya ni aisaac na excited na kumukuha ng dalawang slice ng cake, kumuha din ito ng cupcakes at chocolate bars, hindi pa nakuntento at kumuha din ng chuckie na nasa tabi niya.
"No, it's all yours. Ikaw lang naman ang walking cavity dito e." Sabi ni raven at napangiti naman dahil do'n si aisaac.
"I missed you calling me that! Yey! Nandito kana ulit kaya may tatawag na ulit sa'kin ng ganyan!" Napailing sila sa pagkaisip bata ng binata. Akala nila no'ng una ay napaka intimidating ng aura nito at matured yun pala ay kabaligtaran.
Tapos ng kumain si gavin habang si raven ay nagla laptop lang ng may bigla silang narinig na pagsabog sa labas. Nagkatinginan silang tatlo at tumayo sila raven at gavin para sana puntahan ang narinig ng nakita nilang susunod si aisaac.
"Don't you dare follow us aisaac, whatever happens stay here inside! Get it?" Utos ni raven dito. Napalunok naman si aisaac dahil sa tono nito kaya tumango ito at pinagpatuloy ulit niya ang pagkain niya.
Kahit gusto nila itong isama paglabas ay hindi pwede, bukod sa makikita siya ng iba nilang katrabaho ay may kutob silang hindi lang aksidente ang nangyari sa labas ng quarters nila.
End of flashback
Tinignan nila ang pinangyarihan at hindi ito gaano kalayo sa quarters nila. Napaisip tuloy silang dalawa.
"Is it possible na para sana talaga yan sa mismong bubong ng quarters natin raven?" Seryosong tanong ni gavin dito.
"It's not impossible, based on the distance sinadya nilang hindi ito patamain sa mismong kinatatayuan ng quarters natin, but the thing is who threw that grenade and bakit hindi nila mismong sinakto although sobrang lapit na?" Naguguluhang tanong din ni raven dito.
Napatingin sila sa kaliwa nila ng makitang paparating ang bravo team kasama ang tiyuhin niyang seryosong papalapit sa kanila.
"What happened here, Agent Alvarez and Captain Elizalde?" Tanong ni drake sa mga ito. Nagbigay pugay muna ang dalawa bago magsalita si raven.
"Someone threw a grenade here outside in our quarters, based on my observation he/she calculated the distance, because it's not accidentally. If it's accident he/she threw the grenade in a wrong way and in a long distance from our quarters but no. It's really calculated and it's almost hit our quarters" paliwanag ni raven sa mga ito.
"What?! But who could it be? Nakita niyo ba ang may gawa nito?" Tanong ni drake pero umiling si gavin.
"I planned to catch who's the culprit but the person hurriedly run away from here." Sagot ni gavin.
"Captain drake, captain elizalde. It's possible that someone trespassed in our place" Sabi ni captain Inigo Beltran. He's the leader of bravo company. Inabot niya ang iPad sa boss nila at nakita nilang patay ang dalawang bantay sa labas ng malaking gate ng agency nila. Patay din ang dalawang guwardiya sa loob ng gate.
"Damn! Find whoever he/she was. Make sure to tighten the security all over this place captain beltran. Specially sa mga likod na parte ng agency. Ayoko ng mauulit to" ma awtoridad na sabi ng mga ito kaya napatango naman sila.
Nagbigay galang muna sila dito bago napagpasyahan na pumasok ulit sa loob ng quarters. She hurriedly went to the living room habang hawak ang laptop niya.
Nagtaka si gavin kung anong ginagawa nito, ngayon na lang niya ulit nakitang humawak ng laptop ang dalaga at ganito pa kaseryoso ang itsura.
"What happened?" Tanong ni aisaac sa mga ito habang kumakain pa din, dinala na niya ang pagkain sa may sala para makausap ang dalawa.
"Someone barge in and threw a grenade outside our quarters kaya nagsipuntahan din ang boss namin pati ang bravo team." Paliwanag ni gavin habang nakapikit.
Si raven ay hindi niya maialis ang tingin sa laptop at sige lang ang pagtipa niya, minsan naman ay mapapatingin siya sa cellphone niya.
"Ahm raven--" hindi pa din lumilingon ang dalaga pero sumagot ito ng 'Hmm' halata talaga dito na ayaw nitong magpa istorbo.
"Ah, kasi, aish paano ba to?!" Bulong ni aisaac pero rinig na rinig naman siya ng dalawa.
"C'me on spill it aisaac" Sabi ni gavin. Tinaggal niya ang pagiging pormal dito dahil hindi talaga siya sanay. Hindi din naman nagrereklamo si aisaac kaya tinuloy na lang niya.
"Ah, kasi...someone sent me a death threat. Ewan ko ba ang weird e. Sa aming apat ako lang talaga naglakas ng loob sabihin kasi medyo...Ewan ko ba feeling ko kasi laging may nakatingin sa'kin, hindi lang sa'kin kung hindi sa aming apat na magpipinsan. Parang...parang lagi kaming binabantayan" Sabi ni aisaac.
Nakuha ni aisaac ang atensyon ng dalawa specially raven na kanina lang ay hindi maistorbo.
"Did you bring them or atleast one?" Tanong ni gavin dito.
"Yeah i have, kaya nagpapasama din ako sayo kay raven kasi parang siya ata ang pinatutungkulan ng sulat na 'to, pero may isa pa akong kopya pero ito naman ang unang sulat na natanggap ko." Nilabas niya ang dalawang itim na sulat. Ang isa ay pula samantalang ang isa ay itim.
Napangiwi sila ng maamoy ang pamilyar na masangsang na amoy.
"What the f*ck!/Damn it!" Sabay na mura nila gavin at raven.
Una nilang binuksan ang itim na envelope this is the first death threat na sinasabi ni aisaac. They open it at napakunot ang noo nila sa nakasulat.
Enjoy the last days of your life montefiore, you and your cousin will be dead soon.
B.L.A
Sinunod namang buksan ni raven ang pulang sobre na halata niyang dugo ito, binabad ito sa dugo ng hindi niya malaman kung hayop o tao, ang alam lang nila ay ang baho ng amoy nito.
Mas lalo siyang nagtaka ng makita ang nakasulat sa loob ng pulang sobre. Wala siyang maalala na kahit ano tungkol sa sinasabi sa sulat.
You killed her! You're going to pay for what you did! I will surely kill you the way you killed her! Put that in your mind raven!
-B.L.A
Nagtataka talaga si raven sa itsura pa lang niya. Hindi niya alam kung sino ba tinutukoy nitong sender at kung sino ba 'tong nagpapadala sa kanila ng sulat.
"Prepare your car gavin, aalis tayo mamayang madaling araw. Mukang hindi ko kayang maghintay ng isang linggo na nandito ako at alam kong nasa panganib hindi lang ang montefiore, kung hindi kayo at ang...pamilya ko." Sabi ni raven at nagtungo sa kwarto niya para mag ayos ng sarili.