Third Person's Pov Halos lahat sila ay natulos sa kinatatayuan nila ng marinig mula kay Alexander ang mga katagang iyon, samantalang si Raven naman ay halos pinapatay na siya sa mga tingin niya. Maya-maya lang ay biglang tumawa si Alexander at konti na lang ay maglupasay na siya sa sahig. Nakatingin lang sa kanya ang buong barkada at halos hindi nila maintindihan ang binata kung bakit na lang ito tumatawa bigla. "You all should have seen your face, i-it's so epic" Sabi nito at patuloy pa din sa pagtawa. When Alexander realize the silence he stopped from laughing and calm himself. "What do you mean?" Tanong ni Austine sa kanya. "Look guys, Raven is my girl-friend" inemphasize pa niya talaga ang salitang "Girl-friend" sa mga ito at napailing. "Ang dumi naman kasi ng mga utak niyo, tsk!"

