Episode 8

1538 Words
Chapter 8: Ambush ***** Nakaupo pa din ako kaharap ang apat na boss ko, magsisinungaling ako pag sinabi ko na natutuwa silang kaharap ako dahil ang totoo ay hindi. Ano bang problema ng apat na 'to sa'kin. Si sir alexander ay busy sa pagce-cellphone, si sir aisaac busy sa pagkain what do you expect to this glutton guy, si sir austine ay busy sa pagtingin sa mga babaeng kinulang sa tela, haist! Why do you need to reveal yourself that much? While sir archer? Pinatay ko na...chos! -.- Wala siyang ibang ginawa kung hindi tignan ako ng masama, what is his problem? Nakakapikon mga tingin niya, hindi ko alam kung hinuhubaran niya ako sa mga tingin niya e. Tsk! "Why are you staring at me young master?" Sa tanong kong ito sa kanya ay napalingon sa amin yung iba. "How sure of you? You're not beautiful to waste my time looking at you" Sabi niya at nginisihan ako. Talaga lang ha! I shrugged my shoulders at nginisihan din siya. Hindi lang ikaw ang marunong mamikon. "Baka nga ikaw diyan e. You're staring at me like you want to...taste me" siguro kung may iniinom ako ay kanina pa ako nabilaukan. Wtf! Seryoso siya? Tikman? Siya?  "You're a good comedian young master, to be honest. I'm not interested." Sabi ko. Tumalim ang tingin niya sa'kin but i didn't mind.  I admit he's handsome--no scratch that, handsome is understatement for him, he's like a son of God and Goddess. I'm not joking, ganun din ang tatlo pero mas angat ang itsura niya.  "See? That stare elizalde, are you imagining things on your mind with me?" Sh*t to! Hindi talaga siya titigil. I gritted my teeth and composed myself. Baka kung ano magawa ko dito sa lalaking 'to. "C'me on young master, you're the one who's staring at me earlier so I'm just returning you the favor to look back, it's seems you're the one who wants to...taste me" ano ba 'tong sinasabi ko! Bwiset kasi e! He lean on the table and look at me intently, alam kong nakatingin sa amin ang tatlo at nakikinig. Well, hindi lang sila ang nakikinig. "What if i say...yes? Are you giving yourself to me?" Seryoso niyang tanong. Napaka talaga ng lalaking 'to! Marunong ba siyang gumalang ng babae? Tsk. What do you expect sa isa din babaero. I rested my back and cross my arms above my chest, narinig ko siyang nagmura ng mahina pero hindi ko alam kung bakit. I smirked at him. "Not a chance young master" at inirapan siya. "Pwede ba?! Tigilan niyo nga yan kahalayan niyo, kinikilabutan ako sa inyo!" Sabi ni aisaac at umarte pa na hindi nga niya nagustuhan ang mga naririnig niya. Hindi ko siya masisisi siya lang ata ang matino sa kanilang apat. (Ehem! Medyo kadiri nga captain) Narinig kong sabi ni caezar sa ear piece na meron kami, inabot ito sa'kin ni keith kanina. "Shut up!" Sabi ko napatingin sila sa'kin ng masama. Ano nanaman?!  "Did you just say shut up to me elizalde?" Tanong ni aisaac habang nanlilisik ang mata. Tsk! Kaya naman pala.  "No young master" at hinawi ang buhok ko para makita yung earpiece na nasa tenga ko. Nilugay ko kasi ang buhok ko para hindi ito makita. Nakita kong kumalma naman sila and they're back to their business. Narinig kong nag static sa kabilang linya at halos mapamura ako sa sobrang sakit nun! Bwiset na florence 'to! Bakit ba kasi si caezar ang nilagay nila ngayon sa control! (Okay na ba?) (F*ck you florence!) Singhal naming lahat sa kanya. (Ang sama niyo! Inaayos ko naman ha!) "Why of all the seven of you siya pa ang nilagay niyo sa control? Alam niyo naman... nevermind." Sabi ko at huminga ng malalim. (Wtf! Captain grabe ka sa'kin! Dapat nga nandyan ako at nag eenjoy e!) Pagmamaktol niya. "Para ano? Para mambabae? Wag na lang" sabi ko and my gaze landed to sir archer pero umiwas din ako ng tingin ng makita ko siyang nakatingin sa'kin. (Asus! Sabihin mo na lang captain kung nagseselos ka, ikaw lang naman prinsesa ko e.) Pang aasar niya. Pero alam kong totoo sinasabi niya. (Please lang caezar ayaw namin ng away ngayon, maawa ka sa amin.) Rinig kong sabi ni carly. (Oo nga! Kung wala ka ng awa sa sarili mo ay maawa ka naman para sa amin!) Pahabol ni gavin. Gusto kong matawa pero pinigilan ko, alam kasi nila ang kaya kong gawin pag napiko ako sa kanila, I have my rules for my team at sigurado akong ayaw nilang maranasan ulit yun. No'ng huling ginawa ko yun sa kanila ay dalawang linggo silang tulog. (Ewan ko sa inyo! Anyways, let's get serious. It will starts in seconds) Hindi nga nag tagal ay umakyat ang emcee sa stage at ito ang nag lead. Nagsalita lang ng konti si madame elizabeth bago bumaba ng stage. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, I know there are instances na mangyayari ito pero hindi ganito kalala. Pucha!  ***** Sa paglapat ng paa ng matanda sa huling baitang ay umulan bigla ng bala sa paligid, maraming bisita ang nataranta at tumakbo palabas ng hall, ang iba ay dumaan na sa fire exit para hindi maabutan. "Get down!" Sigaw ni raven na sinunod naman agad ng apat. Hindi sapat ang pagyuko nila dahil kung saan-saan lumilipad ang bala. Buong lakas na binaliktad ni raven ang mesa para maging cover nila. Halos ilang mura ang lumabas sa bibig niya. "Gacheco, Alvarez and Santiago alisin niyo dito sila madame, pati si bella and veoli, move your ass alpha!" Sinunod naman agad nila ang utos ng captain nila. Nanliit ang mata niya ng may nakitang isang businessman na natira sa hall at tila inuutusan ang iba pa nitong tauhan bago umalis. "Ruiz and Castro 6 o'clock. Follow that man. I can sense something that he's the one who did this" mabilis na tumakbo ang dalawa palabas pagkatapos barilin ang tatlong lalaking papalapit sa kanila. Nag iisip pa lang siya kung paano itatakas ang apat ng biglang nagsara ang main entrance ng hall. "F*ck! Mendoza where are you?!" Mukang mapapalaban siya ngayon. Sa hindi kalayuan ay nakita niya si keith na papalapit sa kanya. Halos hindi na niya makilala kung sino ang kaaway at hindi dahil sa dami ng mga ito. "Captain! There so many of them" yan agad ang sinabi niya paglapit pa lang sa babae. Alam ni raven sa sarili niya na mas mapapabilis kung siya mismo ang kikilos, napatingin siya kay keith at sa apat na nakatingin din sa kanya. Alam niyang kahit hindi aminin ng apat ay kinakabahan na sila. Kinuha niya ang clutch bag niya kinuha ang baril at magazine nito. (Captain, nailabas na sila madame mula sa building, they're safe) "Good, Florence tell me how many left?" Tanong niya dito. Ito kasi ang may hawak ng CCTV cameras kaya masasabi niya. (Fifteen left inside, while ten on the outside, what do you want me to do captain?) "Make sure na wala ng matitira dyan sa labas para makalabas ng maayos sila keith, ako na bahala dito sa loob." Pagkasabi niya nun ay kinasa niya ang baril niya. "What are you doing?" Natatarantang tanong ni keith dito. "Maglalaro ng jack stone mendoza, isn't it obvious!" Singhal niya dito. "W-what?! B-but--hindi ka pwede lumabas sa kinseng lalaki na yan, magpapakamatay ka ba? Mayayari kami nito kila drake!" Sigaw niya sa dalaga. Hindi mapigilan ni raven na tignan ng malamig ang binata. Minamaliit ba siya nito? "Look mendoza, I'm not your captain for nothing. Stay here with them," pagkasabi niya nito ay walang pasabi siyang tumayo sa pinagtataguan niya at walang habas na binaril ang apat na lalaking paputukan sana siya. "Sh*t! What a hard headed woman!" Mura ni keith at ni radyuhan ang iba para ihanda ang sasakyan. Tumutulong din siya sa pagbaril habang nakatago. Lumipas ang ilang minuto at tatlo na lang ang natira, halos punit na ang kalahating laylayan ng damit ni raven kaya kitang-kita na ang mahaba at maputi niyang binti. Nakita ng apat kung paano ito makipaglaban at hindi nila maiwasang hindi mapahanga sa gaan ng katawan nito tuwing sumisipa at gumagalaw. Hindi napaghandaan ni raven ang lalaking sumulpot sa likod niya at sinakal siya. Mas malaki ang lalaki kesa sa kanya kaya hirap na hirap siyang makawala dito. Lumapit ang isang lalaki at sinikmuraan siya ng malakas, napamura naman agad siya ng dahil dun. Nag init ang ulo ni keith ng makita kung ano ang ginawa kay raven, wala na siyang bala kaya akmang tatayo na siya ng tumalim ang tingin sa kanya si raven. "Don't you dare!" Sigaw niya kaya nag stay siya sa pwesto niya. Sinikap ni raven na tadyakan ang lalaki sa harap niya, bago pa ito bumagsak ay kinuha niya ang baril ng lalaki sa tagiliran nito gamit ang kanyang paa. Lumipad sa ere ang baril at hindi siya nagsayang ng oras at hineadbutt niya ang lalaki sa likod niya, pagsalo niya sa baril ay hindi siya nagdalawang isip na barilin ang tatlong lalaki. Nawalan kaagad ito ng malay at automatic siyang napaupo sa sahig dahil sa pagod. Nang masigurado ni keith na okay na ay tumakbo siya papunta kay raven at inalalayan itong makatayo. Sumunod naman yung apat na hindi maipinta ang muka. "Rav, are you okay?" Tanong ni keith dito at tumango lang.  Napatingin sila ng biglang bumukas ang pinto ng hall at nakahinga sila ng malalim ng makita ang beta team na kasama ang mga kuya ni raven na si maic at johannes. Lumapit kaagad si maic kay raven at kinuha ito kay keith, hinubad naman ni johannes ang coat niya para takpan ang katawan ni raven na kitang kita na.  "Tsk! Next time don't wear something like this baby, okay?" Napangiti na lang si raven kay maic bago siya mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD