Chapter 39: First Day, Full Of Konsumisyon And Confusion ***** Raven's Pov Pwedeng magmura? Pwede di ba? Put*hamnida! Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip nila at pinagsuot nila ako ng ganito! Ayokong lumabas. Feeling ko pag lumabas ako last day ko na din sa mundong ibabaw. Halos tatlong oras na akong nakakulong dito sa banyo at hindi lumalabas. Bahala sila sa buhay nila dyan. Kanina pa sila katok ng katok pero wala akong pakialam. Hindi ko kinakaya 'to. Bakit ko ba nararanasan 'to? Naging masama ba ko sa past life ko? Bakit ako nagkakaganito? Bakit nga ba? Bakit?! Dahil sa lintek na swimsuit na 'to! Wag niyo ko sasabihan ng oa dahil kahit kayo hindi niyo din kaya sa sarili niyo ang magsuot ng ganito. "Raven! Lalabas ka o sisirain ko lahat ng dala mong gamit? You know what I me

