Chapter 21: Suspended
*****
Isang linggo pa ang lumipas at walang raven ang nagpapakita sa mga elizalde, nakarating na din ito sa buong pamilya ng dalaga at abot-abot ang kaba ang nararamdaman nila. Hindi nila alam kung ano pa ang iisipin at kung saan pa hahanapin ang dalaga.
Sila erin at jenna naman ay gustong bumalik ng pilipinas ngunit hindi sila makaalis dahil na din sa trabaho nila. Gumagamit na lang sila ng koneksyon upang mahanap ang dalaga.
Ang mga magulang naman nila ay nagbabalak na din na umuwi ng pilipinas para sa nag iisang anak.
Sila maic, johannes, james at jensen ay salitan ang paglabas ng mansion upang hanapin ang dalaga. Nakarating na din sila sa ibang bansa pero wala silang makitang raven.
Sila austine, alexander, archer at aisaac ay hindi na din maiwasang hindi mabahala dahil ang tagal ng wala ng dalaga. Aaminin nila na nakakamiss din kahit papano ang presensya ng dalaga.
*****
Sa kabilang banda naman ay kagigising lang ng dalaga na galing sa mahimbing na pagtulog. Nilibot niya ang tingin niya sa buong kwarto. Blue and white theme, malaking flat screen t.v sa harap niya, may balkonahe din at naririnig niya ang alon ng tubig.
Tumayo siya sa pagkakahiga at dumiresto sa may balkonahe, it's already sunset at kitang kita niya ang araw na papalubog mula sa kinatatayuan niya.
Hindi nga siya nagkamali sa narinig, nakita niya ang isang malawak na asul na dagat sa harap niya, pati ang simoy ng hangin ay nagustuhan niya. She can feel peace in this place. Nagtaka naman siya kung anong ginagawa niya dito at kung sino ang kasama niya.
Inisip niyang mabuti kung ano ba ang nangyari at parang tubig naman ito na mabilis na dumaloy ang alaala niya sa isipan niya. Her mission, she killed them, she burned them all and her eyes.
She taken aback ng maalala niya yun, mariin siyang pumikit at iwinaksi ang nasaksihan niya. Expected niya na yun pero naninibago pa din talaga siya.
Napatingin siya sa baba ng balkonahe at nakita ang grupo niyang may kanya-kanyang ginagawa. May nag iihaw, nag aayos ng lamesa at paligid. She smiled automatically, it's been awhile sinced ginawa nila ito.
Pumasok siya sa loob ng hindi nakikita ng mga kasama niya, napatingin siya sa paligid at kinuha niya ang towel, nakita naman niya ang mga paper bags sa may couch at hinalungkat ito. Puro damit pambabae.
Didiretso na sana siya ng banyo ng mahagip ng mata niya ang mini clock sa gilid ng higaan niya. It's already 6:00 PM and August 26, 20**. Nagulat siya sa nakita.
"Wtf! It's already 26?! It means...two weeks has already passed?!" Hindi siya makapaniwala sa nakita. The hell!
Mabilis siyang nagtungo sa banyo at naligo, kailangan niyang makausap ang mga kaibigan niya about dito.
Mabilis naman siyang natapos at nagbihis lang ng itim na jogging pants at puting v-neck t'shirt. She tie her hair in a messy bun at pinaresan ng puma na tsinelas. Nang masiguradong okay na siya ay lumabas na siya ng kwarto niya.
Paglabas niya ay nagulat si carly ng makita siya at parang nakakita ito ng multo.
"Captain" bulong nito na narinig din naman ni raven at tinanguan niya ito.
"Where are the others?" Hinanap niya ito sa paligid pero tinuro lang ni carly ang daan palabas where they are.
Niyaya niyang lumabas si carly at ganun din ang itsura ng iba ng makita kung sino ang kasama ng binata sa tabi niya.
"R-raven" usal nila. Ngumiti ng tipid ang dalaga at lumapit ito sa kanila.
Naupo 'to sa harap nila kaya pumwesto na din sila upang makakain na, tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig mo sa kanila. Tahimik at walang nais magsalita.
Puro tinginan lang ang nangyayari at yuyuko ulit sila at kakain. Naramdaman ito ni raven kaya sa huling subo niya ng pagkain niya ay sumandal siya sa upuan at nagsalita.
"Spill it" Malamig na sabi nito. Kinikilabutan sila sa boses ng dalaga dahil para itong nanggagaling sa ilalim ng lupa.
Huminga ng malalim si keith bago magsalita.
"H-how are you captain? Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa dalaga. Tumango naman ito sa tanong ni keith.
"What's the plan now? Walang kaalam alam sila captain drake sa nangyari sa atin, pinatay lahat namin ang mga pwedeng magamit nila para ma trace tayo." Sabi ni jaime.
Tumingin lang sa kanila si raven, tama ang naisip nila no'ng tulog pa lang ito, may magbabago at nag uumpisa na ito. Buhay si raven pero parang patay naman ito dahil wala ka makikitang kahit anong reaksyon sa muka nito, blangko din ang mga mata nito. Nag iwas silang lahat ng tingin dahil hindi nila kayang salubungin ang malalamig na tingin ng dalaga.
"Get ready, tutulak tayo papuntang manila ngayon. Two weeks is enough nakapag pahinga na din naman ako" Sabi niya at tumayo na.
Hindi pa man din siya nakakalayo ng tawagin siya ni gavin, gusto nitong sabihin ang tungkol do'n sa lalaki pero iba ang naitanong niya sa dalaga.
"Sigurado ka bang okay kana? We can stay here a little longer if you want." Sabi niya pero umiling lang ang dalaga at pumasok siya sa loob upang maghanda.
*****
Sa headquarters naman ng M.E.A.A ay pinagta-trabaho pa din ng kapitan ang mga tauhan nila upang matukoy kung nasaan ba ang pamangkin niya. Nag aalala na din siya dito. Hindi ito ang unang beses na ginawa nila ito pero iba ngayon, kahit ni isang notify sa walo ay wala man lang nag send sa kanya. Hindi katulad dati na sasabihan siya ng mga ito.
Nasa opisina niya si drake at napahawak siya sa sentido niya, marami siyang trabaho pero isinantabi niya ito dahil sa nawawala niyang pamangkin. Hindi biro ang binigay niyang misyon kaya nababahala din siya kahit na sinabi na ng mga ito na nagtagumpay sila.
May kumatok sa pintuan niya kaya kaagad niyang pinapasok ito. Nagbigay pugay sa kanya ang isa sa mga tauhan niya sa delta team.
"Captain, captain raven wants to talk to you" sabi nito at inabot sa kanya ang telepono. Mabilis pa sa alas kwatro niyang kinuha ang cellphone sa kamay nito.
"Hello raven?" Nag aalala pero ma awtoridad nitong tanong.
(It's me captain drake, we're heading to the headquarters now.) Malamig nitong sabi kaya napakunot ang noo niya.
"Okay, you have many explaining to do captain elizalde" Sabi na lang niya at inabot ang telepono sa lalaki at pinalabas na ito.
Hindi siya makapaniwala na nakausap na niya ulit si raven, pero naninibago siya sa boses nito. Malamig na ang boses niya dati pa pero iba ngayon, mas naging malamig at nakakatakot.
Hindi naman nagtagal ay nagkagulo sa labas ng headquarters ng makitang nakabalik na ang kapitan ng alpha team kasama ang buong grupo niya, puno ng pag hanga at pag respeto ang makikita mo sa muka ng mga dinadaanan nila. They also slightly bowing their heads para magbigay galang sa pinakamataas sa kanila.
Dumiresto ang buong alpha team sa opisina ng pinaka boss nila, kumatok lang sila ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Pag pasok nila ay sinarado kaagad nila ang pinto at nagbigay pugay sa tanong kaharap nila ngayon.
Tumayo si drake sa kanyang upuan at lumapit kay raven, pinagmasdan niya ang buong grupo pero diretso lang ang tingin ng mga ito, isa sa mga patakaran nila ang wag ka'ng tititig sa boss or sa komandante mo, kawalan ng respeto yun, unless sinabi nila sayong tignan mo sila or nasa simpleng pag uusap lang kayo tungkol sa misyon.
Nakatanggap ng malakas na sampal sa kanyang kaliwang pisnge niya ang dalaga na ikinagulat ng lahat, hindi nila inaasahan ito. This is the first time na may nagbuhat ng kamay kay raven.
"What did you do elizalde?! Tingin mo ba tama ang ginawa mo?! Pagkatapos niyong matapos ang misyon ay bigla na lang kayong nawala! Tapos ngayon? Bigla na lang kayong babalik na parang walang nangyari?! You're a captain here raven, sa lahat ng ka grupo mo ikaw ang nakakaalam sa lahat ng batas at patakaran sa agency na to!" Bulyaw sa kanya ng tiyuhin niya.
Her hands balled fist para pigilan ang kanyang sariling galit niya, Tama naman ang tiyuhin niya pero ang ayaw niya lang ay pinagbuhatan siya nito ng kamay. Gustong makialam ng grupo niya pero tinignan niya ang mga ito ng (don't you all dare to speak)
"I understand captain and I'm sorry for what happened" hindi mo makikita ang kahit anong ekspresyon sa muka niya pati ang lamig ng boses niya ay walang kapantay kaya hindi alam ni drake kung sincere ba 'to.
Sa huli ay walang nagawa si drake at huminga na lang ng malalim para pakalmahin ang sarili niya.
F*ck! Wala nga akong asawa't anak pero daig ko pa magulang sa anak niyang limang taong gulang! Sa isip ni drake.
"Is there anything you need captain before we leave?" Tanong ni raven pero umiling lang si drake at akmang lalabas na sana sila ng marinig nilang pinigilan ni drake si raven.
"You are suspended for a week because of what you did. Ang team mo muna ang magbabantay sa mga montefiore, labas ka muna sa lahat ng misyon na posibleng matanggap ng alpha team." Deklara ng tiyuhin niya pero hindi man lang siya nagulat dahil expected na niya ito.
Habang palabas ay gulat ang buong grupo niya sa sinabi ng kapitan nila.
"That's unfair! Dapat tayo din ay suspended dahil iisang team lang tayo!" Pagmamaktol ni carly pero napailing lang sila anton.
Dumiresto sila sa sarili nilang quarters para magpahinga, umupo lang si raven at binuksan ang kinuha niyang dutchmill sa refrigerator nila.
Kung makikita mo siya ay parang wala itong problema na dinadala.
"So captain, what's your plan? Isang linggo ka mapapahinga?" Tanong ni anton habang kumakain ng jolly hotdog.
Hindi nila alam kung saan niya ito nakuha pero pinagsawalang bahala na lang nila ito.
"Nothing, I'm going to stay here while the seven of you will going to our mansion para bantayan yung apat habang wala ako." Sagot niya.
"Eh, paano ang mga pinsan mo? Wala ka bang balak munang magpakita sa kanila?" Tanong naman ni jem pero umiling siya.
"Siguro pag natapos na ang suspension ko tsaka ako babalik, sa ngayon magpapahinga na muna ko. And don't you dare tell them where am i" pagbabanta nito kaya napatango naman kaagad sila.