Episode 15

1331 Words
Chapter 15: Who is irene? ***** Raven's Pov It's already 5 in the afternoon at nandito pa din kami sa opisina nila, kanina pa nangangati ang dila ko at gusto ko magtanong kung sino ba yung babae na yun at napaka clingy.  "Spill it" napatingin ako sa gawi niya dahil sa sinabi niya. Ano daw?  "Ha?" Tanong ko. Tinigil niya ang ginagawa niya at sumandal sa upuan niya.  "I know you want to ask a questions, now spill it. Hindi yung muka kang kiti-kiti sa likot mo diyan." Sabi niya. Nagdalawang isip naman ako kung itatanong ko ba, dahil baka masabihan pa akong pakialamera. Pero di ba sabi niya itanong ko na daw? I cleared my throat at umayos ng upo. "Sino ba yun at bakit ganun makalingkis sa inyo? Dati ba siyang linta at naging tao lang?" Naka ngiwi kong tanong sa kanya. I saw the corner of his lips twitch. Did he just smile? "She's Irene Fuentes, she's archer's ex girlfriend and a good friend of ours. Before." Napakunot ang noo ko. Before? "What do you mean?" Tanong ko. "Irene is obsessed with my cousin so much, she will do everything just to get archer at her side. She can and she will do everything, until that day came, it supposed to be an amazing night for archer but it turns out into a nightmare." Sabi niya. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya.  "What?" Tanong ko sa kanya pero parang natauhan siya at bumalik ulit sa ginagawa.  "Forget what i said elizalde, don't ask a question last na yun" dahil sa sinabi niya nanahimik na lang ako. Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya. Bakit bigla akong naging interesado sa kwento ng buhay ni sir archer? Hindi naman ako ganito dati pero bakit parang gusto kong alamin lahat ng nangyari sa kanya noon? Natapos ang office hours at pauwi na kami ngayon, dala ko ang ibang files na iuuwi ni sir alex, masyadong mahaba ang alexander e. Naging instant alalay pa ko. Bakit ba ganito sila? Hays! Pagtapak pa lang namin sa labas ng opisina niya ay iba na ang pakiramdam ko, parang may mali?  We keep on walking hanggang sa makarating kami sa may parking lot, nilagay ko sa likod ng sasakyan ko ang mga files niya. Nakarinig ako ng mahinang kaluskos sa paligid. Nag focus ako do'n at hindi masyadong nagpahalata.  Bakit ba ang dilim dito? Ang yayaman kinukulang sa ilaw ng parking lot, nawala ang pansin ko sa mga tao sa paligid ng bigla akong tawagin ni sir alex.  "Let's go, you okay?" Tanong niya. I just nod as answer. Hindi talaga maganda pakiramdam ko ngayon. I need to follow my intuition. Mabilis akong sumakay sa kotse ko at ganun din naman ang ginawa ni sir alex. Confirm!  Hindi pa man nakakabit ni sir alex ang seatbelt niya ng paandarin ko ito ng mabilis. Napatingin ako sa side mirror ko ng makita kong may sumusunod sa amin. I smirked, tignan natin kung kaya niyo kong habulin.  "What the hell raven?!" Sigaw niya. Himala hindi niya ako tinawag sa last name ko? Minsan nga napapaisip ako kung papalitan ko na ba yung first name ko dahil ang hilig nila kong tawagin sa last name ko.  "Just...just hang on! Ikabit mo na din ng maayos yan seatbelt mo" Sabi ko sa kanya. Kahit napipikon siya ay ginawa na lang niya.  Malapit na kami sa gate ng village namin at peste lang nakasunod pa din yung van sa amin! Ano bang trip nito?  "Kanina ko pa napapansin yan van na yan? Are they following us?" Tanong niya habang nakalingon sa likod.  Napairap ako, ngayon lang ba niya nahalata? "What do you think?" I ask him with full of sarcasm.  "Nagtatanong nga di ba?!" Inis niyang sabi. Yung totoo? Para din siyang isip bata kahit mas matanda siya sa iba.  Habang tumatagal pag ako kasama nila nawawala ang pagiging cool nila, nagmumuka kasi silang tanga tapos lagi pa naiinis.  Nakita ko yung mga guard na binuksan ang gate kaya inaccelerate ko pa ang bilis ng sasakyan ko from 120kph to 150kph. Nakita kong napakapit si sir alex sa gilid ng upuan.  Hindi pa man kalayuan sa gate ay huminto ako, kinuha ko sa ilalim ng upuan ko ang baril ko, I check if it's loaded ng makita kong may bala naman ay tinanggal ko ang seatbelt ko at lalabas na sana ako ng may kamay na pumigil sa'kin.  "Where are you going?" Seryosong tanong niya sa'kin habang nakatingin sa hawak kong baril.  Napatingin ako sa salamin at nakitang paalis na yung van, sh*t! Hindi maganda ang kutob ko sa van na yun, panigurado akong may nagutos dun para manmanan kami. I won't let that happen. Hindi ko lang mailigpit kanina dahil nasa public place kami at paniguradong maraming madadamay. "Just stay here inside and don't you dare follow me" malamig kong sabi at iwinaksi ang kamay niya.  Sa pagbaba ko ay nakita kong bumilis ang takbo ng van, not so fast. Bumukas yung gate at mabilis akong tumakbo palabas. Alam kong hindi ko sila aabutan kahit takbuhin ko sila, pero kaya ko naman silang pahintuin ng hindi kinakausap.  I kneel down my right knee and calculate the distance. Nag focus ako sa target ko atsaka pinutok ang baril ng apat na beses. Bullseye!  Nakita kong sumalpok ang van sa isang malaking puno kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at tinakbo ko ang pwesto nila. May bumabang isang lalaki kaya kaagad kong itinutok ang baril ko.  "Put your hands on your head and don't move" malamig kong sabi dito at ginawa naman niya.  Humarap siya sa'kin at napakunot ang noo ko, why is he seems familiar to me? Parang nakita ko na siya? Pero saan? Sino ba 'to?  "Who are you and why are you following us?" Tanong ko dito pero isang ngisi lang ang natanggap ko mula sa kanya.  "Answer me damn it!" Naiinis na ako, ayoko sa lahat pinaghihintay ako.  "You know me raven, why did you suddenly forget about me?" Dahil sa sinabi niya ay lalo akong naguluhan. Kilala ko siya? Paano? Pamilyar siya pero hindi ko matandaan na nakasama o nakausap ko man lang siya. This is the first time.  "What?! Are you playing on me? Don't make a joke it's not funny, who are you?!" Hindi niya pinansin ang tanong ko at naramdaman ko na lang na may mahapdi sa may braso ko at may mainit na likidong umaagos dito. Shit! He shoot me using his gun, pero saan galing yun? Masyado ba akong na occupied dahil sa mga sinabi niya?  May humintong isang itim na kotse sa harap namin at mabilis siyang sumakay dito, f*ck! Hahabulin ko na sana siya ng may humawak sa braso ko para pigilan ako, damn!  "Raven!" Narinig ko ang nakakatakot na boses ni kuya jensen at nakita kong kumpleto silang mga lalaking nandito. Ano ginagawa nila dito? Paanong--? Napatingin ako kay sir alex na seryoso lang din ang tingin sa'kin.  ***** "What we're you thinking?! Are you planning to be killed?!" Galit na tanong ni kuya johannes.  "Mabuti na lang at tinawagan agad kami ni alexander, ano bang pumasok sa isip mo at nakipagtutukan ka ng baril?!" Galit din na sabi ni kuya james. Susko ang tenga ko! >.>  Si kuya maic at kuya jensen ay malalamig din ang tingin sa'kin, teka! May bago ba dun? Huminga ako ng malalim at ipinaliwanag ko ang nangyari. Pero naguguluhan pa din ako e.  "Kuya, posible bang nagkaron ako ng amnesia noon? Bakit sabi niya kilala ko daw siya at pamilyar nga siya. Pero hindi ko talaga alam kung kelan ko siya nakita at nakausap ng ganun kalapit e." Walang emosyong sabi ko dito.  Napakunot ang noo nila dahil sa sinabi ko, nagamot na din nila kuya ang sugat ko, medyo malalim dahil bumaon talaga ang bala. Tingin ko nga gusto ako patayin nung lalaking yun e. Weird!  Nagpapahinga na ang young masters kaya malaya din kaming nakakapag usap na magpipinsan. Imposible din na isa sa mga na trabaho kong misyon, lahat ng mga yun ay kung hindi napapatay ay hindi na makakalaya. So sino?  "Sigurado ka bang wala ka nakakaaway raven?" Tanong ni kuya maic at umiling ako.  "Wala kuya, kung related naman sa trabaho sobrang imposible. Inaayos ko ang trabaho ko alam niyo yan." Sabi ko. At tumango sila.  "Pero hindi lahat ay naaayos raven, you know what i mean." Makahulugang sabi ni kuya jensen kaya napayuko ako. Totoo naman e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD