Another update for you guys! Third Person's Pov Nagpatuloy ang kasiyahan ng buong grupo, nakahanda na ang lamesa pati ang mga pagkain. Magkatabi si Raven at sa kanan niya si Hugo, habang si Byron ay sa kaliwa niya. Halos hindi na hiwalayan ni Byron si Raven simula ng malaman nito na gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ang dalaga. Wala ang magpipinsan na Elizalde ang sabi ay puro nagpapahinga daw ang mga 'to samantalang si Jenna at Erin ay pumunta sa hospital to check on something. Kumuha si Raven ng pagkain sa plato, binigyan naman ni Hugo si Raven ng mangga at nagpa salamat lang 'to. Nagsimula na silang kumain ng marinig ni Raven ang nakakairitang boses ni Seira. "Archer babe, pwede bang subuan mo ko" Napalingon ang lahat sa kanila. Napangiwi sila Bella at Veoli sa inarte ng

