Third Person's Pov Dahil sa narinig ay nagngitngit sa sobrang galit si Raven, nanginginig ang kamay niya sa sobrang galit. Nakita nanaman niya ang kaawa-awang muka ng kaibigan, ang maputla nitong muka na naka ngiti sa kanya bago ito bawian ng buhay. Kung nadudurog lang ang brass knuckles ng ganun kadali, siguro pira-piraso na 'to, namamanhid ang buong katawan ni Raven, nakayuko lang siya at mabilis din ang paghinga niya. "Kawawang kaibigan at halos hindi man lang nasilayan ang kasintahan sa huling pagkakataon. Hindi ba't tama lang na mamamatay ka na din ngayon dahil sayo namatay siya."Sabi nito at tumakbo papunta kay Raven na nakayuko lang. Sa kabilang banda naman ay may sumugod na tatlong lalaki kung saan nagtatago sila Maic, napamura siya at kwarto pa naman niya 'to. Pinagtago niy

