Third Person's Pov Pag pasok pa lang ni Raven ng sasakyan niya ay ang dami ng humarang agad sa kanya, there's a high security in this place kaya todo ingat siya at baka hindi pa siya makalabas ng buhay. Nasa loob siya ng sasakyan ng may lumapit na isang lalaki sa may bintana niya, mabilis niyang binaba ang bintana, hindi pa man din siya nagsasalita ay yumuko na kaagad 'to sa kanya. "Capt! I'm so surprised seeing you here, anong atin?" Tanong sa kanya ni Perry na halos hindi na makita mata niya sa sobrang pag ngiti nito. "I just need to discuss something with your boss, is he inside?" Tanong ni Raven at agad naman tumango ang binata. Nakadaan naman ng maayos si Raven papasok sa lugar, madilim pa din ito pero malinis, lahat ng nadadaanan niyang tao ay nagyuyukuan habang nakikita ang kot

