"Let go of me!" Mahina pero madiing sabi ni Andrea, habang pilit na hinihila niya ang kaniyang braso mula kay Theon. Kahit ang dalawang guwardya na nakatayo sa may exit ng ospital, hindi nakapagsalita nang masamang tingnan ito ni Theon. Para pa ngang takot ang mga ito sa lalaki dahil agad din na gumilid para makadaan sila. Pero nang maisip niya na si Theon na ang magiging director ng ospital na ito sa mga susunod na araw, mas lalo pa siyang pinanghinaan ng loob. Huminto lang si Theon sa paghila sa kaniya nang tuluyan na silang makalabas ng hospital at hinintay ang pagdating ng sasakyan nito na kinukuha ng valet. Pero hindi pa rin nito binibitiwan ang braso niya. "Hindi ako sasama, sa 'yo. Bitiwan mo na ako!" piglas niya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakapit ng kamay nito sa

