KUYOM ang mga kamao ni Andrea habang nakatitig sa bahay ni Andrei. Hindi pa rin siya makapaniwala na pinakasalan nito ang babaeng matinding nanakit dito. Na sa kabila ng sakit na ipinaranas dito ng babae... Marahas na bumuntonghininga siya. Kagaya ni Manang Tina, hindi rin siya naniniwala na paghihiganti lang ang gusto ni Andrei kaya nito pinakasalan ang babaeng iyon. Mahal pa rin nito si Lorelei. Maaaring sa ngayon, galit ito at gustong maghiganti kaya nasabi nito iyon kay Mr. Sanford. Nagtanggal siya ng seatbelt at lumabas ng sasakyan. She pressed the doorbell twice before the guard opened the gate for her. Kilala na siya ng guard dito kaya hindi na niya kailangang magpakilala pa. "Is my brother's home?" "Wala po si Sir Andrei, Ma'am. Dinala niya po ang asawa niya sa ospital kasama

