Love makes you someone that you’re not. “This is my fault. Dapat hindi ko binigay sa lalaki na ‘yon ‘yung number and account mo. Tapos dapat, nagbackground check muna ako bago ko siya i-approve.” Mahigpit ang yakap sa akin ni Venera habang hinahaplos niya ang likod ko. Nasa terrace pa rin kami habang nagmumukmok ako. Pinayagan ko si River, tapos ganito ako? “Nakakinis,” tanging nasambit ko matapos ang ilang segundo na katahimikan. Venera sighed. Mag-aalas nuwebe na ng gabi at nasa terrace pa rin kaming dalawa. Sinubukan niya akong aliwin sa pamamagitan ng pagkukuwento tungkol kay DJ, mukhang gusto niya ‘yung kaklase niya na ‘yon kaya rin lagi niyang kasama. Inasar ko siya at panandalian na nakalimutan na nakikipagparty si River, at nandoon sa lugar na ‘yon ‘yung ex niya. Pero laha

