Catfish

860 Words
Ten thirty na nang gabi. Saka palang nakauwi Car sa bahay.  Natagalan silang kumaing magkakaibigan sa Icecreamstore. Oo, Icecream store talaga ang pangalan nung shop na tinatambayan nila para kumain ng icecream. Weird name pero masarap naman ang icecream doon. At dahil sa masarap, naka-dalawang  gallon na Cookies and Cream si Charize. Hindi niya malaman kung saan ba napupunta ang kinakain ng babaeng yon, Kung sa tyan ba o sa boobs? Biniyayaan si Charize ng cup D na dibdib. Kaya wagas magmahal, sa palpak na lalaki nga lang. Habang kumakain ito, hindi ito tumigil sa pagngawa kung gaano nito nasaktan sa ginawa ni Warren.  "Bwisit." Napabulong siya habang papasok na sa gate nila. Kumukulo talaga ang dugo niya kapag naalala niya ang narinig kanina. Hindi na niya masabi sa mga kaibigan. Sasama lalo ang loob ni Charize. Saka inaalala niya rin si Eric. Patpatin nga yon pero kilala niya hindi nito palalampasin ang lahat. Baka kung anong mangyari pa. Ayaw naman niyang mapahamak yon. Siya nalang ang bahala. Mahilig si Leo at mga barkada nito na manloko ng babae. Alam na niya kung papapaano papaikutin ang mga yon. Napakunot ang noo niya pagapak sa loob ng compound. Ang daming tao, napansin niya. Saka niya naalalang lunes nga pala at may naka-schedule na prayer meeting ang lola niya. Pumasok siya ng gate nang dahan-dahan. Baka maistorbo niya ang mga katandaan. Kumakanta na ang mga yon. Feel na feel talaga. "Carmelita!" Naku po! Nahuli na! Tumigil siya sa kinatatayuan. Malapit na, ilang hakbang nalang sa pinto ng unit na tinutuluyan. Dahan-dahan siyang humarap. "Hi Lola..." "Andito ka na pala. Pumarine ka at sumama ka na samin." Ani Lola. "Eh. Kasi lola..." Naku, pano ba ito? "May report pa po akong tatapusin." Sagot niya dito. Hindi siya pwedeng mag-aksaya pa ng oras. Kailangan na niyang simulan ang plano niya. "Ay hindi! Halika!" Hila pa nito sa kanya. Napangwi siya. Ayaw pa naman niyang nagagalit ito. Matanda na. Ayaw niyang madagdagan pa ang sama ng loob sa natitira nitong buhay. Andami na nga niyang binigay na problema noon/ "Inang," dinig niyang singit ng isang babae. Ang Tita Anatasia niya. Lumapit na ito sa kanila. "Madami pang gagawin si Carmen. Kolehiyo na yan." Sabi nito habang tinatanggal ang kapit ng lola niya sa braso.  Ngumiti ang tita niya sa kanya. Sabay kindat. Huminga siya nang malalim. Life saver talaga niya ito, naisip niya. "Hay naku mga kabataan talaga! Baka bukas-makalawa may iiyak ditong lalaki para hanapin ka. I pra-pray over muna namin para mahimasmasan." "Lola, ang puso niyo." Aniya. Medyo nakakabigla yung binanggit nito. "Inang. Malaki na si Carrie." Malambing na saway ni Tita Ana niya. Huminga uli siya nang malalim. Si Tita Ana naman kasi ang paboritong anak ng lola niya. Forty years old na wala paring asawa. Di nito maiwan mag-isa ang inang nya. "Siya. Siya sige," sabi ng lola niya sabay kumpas pa ng kamay. "Carmelita, magtino ka." Diin pa nito bago tumalikod. "Carrie?" Biglang tanong ni Tita Ana. "Ano na naman 'to?" "Huy, Tita. Di nga. Si Lola medyo ulyanin na diba?" Napasara siya ng bibig. May sa manghuhula lola niya. Parang may alam.  Pero sana magdilang anghel. Iiyak daw. magandang pangitain. "Sige na, pasok na. Ako na bahala" Sabi ni Tita Ana. Tumango siya. "Thanks po." At dali-dali siyang pumasok sa pinto at nilock iyon. Umakyat na siya ng kwarto agad at naghanda. Di na siya mag-aaksaya pa ng oras. Napailing siya nang makita ang hitsura ng kwarto. Itim at pula ang tema noon. meron pa nga siyang cabinet na hugis kabaong. Saka lampshade na korteng bungo. Hmm..Sabagay. Mukhang mysterious. Kailangan lang niyang bagayan. Binuksan niya ang cabinet. Pinili niya ang pinakafit na damit. Yung babakat lahat. Nilabas niya ang isang low cut na top at yung push up bra niya. Tumingin siya sa salamin nang mai-suot yon. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Di man kasing-laki ni Charize yung dede niya, panlaban na rin. Saka manipis yung bewang niya kaya lalong na-empasize yon.  Isa rin yon sa dahilan kung bakit siya laging nakaitim at maluwag na damit. Alam niyang takaw atensyon ang katawan niya. Madaling mabastos. Isang bagay na iniiwasan na niya. "Parang kulang." Bulong niya.  Inilugay niya ang mahabang buhok na itim na itim. Kulot na ang dulo noon dahil laging nakapusod. Kinuha niya ang liptstick na nakatago sa cabinet. Padala pa yon ng pinsan niya na nasa Hawaii. Pula. Kitang-kita dahil maputi siya. Umupo na siya sa swivel chair at binuksan ang laptop. Ngumiti siya. Heto na. "Kawawang mga gago.." Ok lang sana kung siya lang ang pinagtripan. Walang kaso. Kaya pa niyang palampasin. Kaso si Charize. Yung kaibigan niyang napakainosente. Hindi siya papayag na di magbayad yung mga loko-lokong yon. Syempre dun muna siya sa pinaka-puno. Literal na puno. Yung mastermind. Target: Leonardo Punongbayan   Nakita niya agad ang f*******: account nito. Nakaprivate ang pictures pero ang daming friends. Yung sa i********: ganoon din, andaming naka-follow. Oo na gwapo na ito. Puro papogi ang pictures. Walang pangit na kuha. Yung ugali't pagkatao lang. Finollow nalang niyang lahat maski yung twitter. Nag-like-like ng kaunti. Comment ng ilan. Ibang account ang gamit niya. Siguradong hindi siya ma tra-trace. Picture niya ang nandoon pero hindi yung pagkatao na pinapakita niya sa campus. Imposible siyang makilala. May mga naka two-piece doon sa beach. May mga daring shots. Almost nude. Pero hindi niya pinapakita ng buo ang mukha. Napangiti siya nang nag follow back si Leo. Nahuli na sa patibong niya. Let the games begin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD