Tatiana “TATIANA VAN AALSBURG?” Ngumisi ang babae na akala mo ay minamaliit ako. “Never heard of her.” Pinanatili ko ang sarkastiko kong ngiti. “And I never invited you today.” Dahan-dahan naglaho aang ngiti niya at seryoso na ngayong nakatingin sa akin. “Well,” panimula ko. “I invited myself.” Tumingin ako sa mga kasama niya. Kanina pa sila nagbubulungan, siguro ay kagaya ng babaeng kaharap ko ngayon, pinag-uusapan nila ako at minamaliit. “Ladies,” pagkuha ko sa atensyon ng mga babae. “Would you mind if you let us have some privacy?” Hinintay ko silang kumilos pero mukhang ayaw nilang gumalaw. Huminga ako nang malalim at naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ko habang nakatingin sa mga babae. “You’ll thank me later if you go now while I am being this generous of letting you all g

