Chaos NOONG una ay para bang hindi rumerehistro sa akin ang mga sinabi ni Papa. Dadalhin niya ako kung nasaan si Mama? For a moment, gusto kong umasa. Gusto kong sabihin ni Papa sa akin na buhay ang aking ina. Gusto ko siyang makasama at makilala. Gusto ko na mayakap si Mama at maramdaman kung paano maalagaan at mahalin niya. Gusto kong maramdaman na magkaroon ng ina. Tumigil kami sa isang bakanteng lupain. Nakita ko kanina na private property ito ng aking ama. Dinala niya ako sa tuktok ng isang maliit na burol. Mahangin at makikita mo ang kagandahan ng karagatan ng Puerto Rivas sa pwestong ito. Napatitig ako sa nag-iisang tombstone na naririto. Napalagok ako at binasa ang pangalan na nakasulat doon. Binasa ko sa isipan ko ang pangalan na nakaukit sa tombstone. In loving memory of

