Tatiana “SAAN tayo pupunta?” tanong ko kay Chaos. Bigla niya kasi akong inaya na aalis kaming dalawa. Sinigurado naman namin na ligtas ang aming mga anak bago kami umalis. “I want you to meet someone,” sabi niya sa akin. Nanatili akong tahimik sa tabi niya. Papunta na kami sa hindi ko malamang lugar at pakiramdam ko ay may malalaman akong isa sa mga nililihim ni Chaos. May hindi pa ba siya sinasabi sa akin? I wonder. Nakarating kami sa isang lugar. Hindi ko na nasundan ang mga dinaanan namin dahil nakakalito ang pagpunta rito. Bumaba ako ng kotse at agad akong nilapitan ni Chaos. Tinatanaw ko ngayon ang isang gusali that’s giving me an eerie feeling. “Let's go inside?” Sumama ako kay Chaos na walang imik. Hindi ako basta pumapasok sa lugar na hindi pamilyar sa akin dahil usually ay

