BEST OR WORST (Freed Day Special) Zack POV Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa 'Freed Day' na sinasabi nila. First time kong maka-experience ng ganito na may mga kasama. Noong bata ako puro training lang ang nasa utak ko kahit may puntahan man kaming mga lugar ay kasama ko ang mga tauhan ni papa para i-trained ako. Hindi ko naranasang magbakasyon at magpakasaya kahit ng magdalaga ako. Wala akong ginawa kundi mag-training ng mag-training kahit hindi ko alam kung para saan ba pero inisip ko na lang na dahil siguro gusto ni papa na maging katulad niya ako. Isang pulis. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mga dalang gamit ko. Walang bahid ng pagiging babae. Puro mga boxers, maluwang na t-shirt, beach short at breast binder. Mabuti na lang at agad na nasabi ni Mit

