Chapter 41

2062 Words

Zack POV ''Tulungan niyo ko rito mga brad!'' Nakatanaw lang kami kay Zarrion. Nakatali ito sa labas ng rooftop ng hotel. Tinawanan lang naman siya ng mga gago. Bagay lang naman yan sa kanya. Ipagsigawan ba namang bakla kami ni Dark. Sinong hindi magagalit? Nakakadiri kaya. Akala ko nga kanina hindi na siya bubuhayin ni Dark. Pero mukhang may konting awa pa ito kaya binuhay pa siya. Kaya lang itinali naman ito sa rooftop ng hotel na konting galaw niya lang mahuhulog siya at siguradong sabog ang bungo niya. Napatingin ako kay Mitzu ng bigla niya kong akbayan. Nakangisi ito habang nakatanaw sa kalangitan. Hindi ko nalang ito tinanggal at tumingin narin ako sa kalangitan. Naalala ko si Unknown kumusta na kaya siya? matagal narin mula ng magpakita siya sakin. Ang 'human body' niya kaya pano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD