Zack POV "Pero nalilito pa rin ako paano niyo nalamang ang pamilya ni Dark ang pumatay sa mga magulang natin? Bata palang kayo noon malay niyo hindi sila..." Huminga ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Nagbaba rin ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang matiim nilang titig sa akin. "Look, sabihin na lang nating bata pa kami noon pero hindi namin malilimutan ang pangalan ng pumatay kay mom. Raigo Buenavick. Minsan ng narinig namin ang pangalan niya siya ang pinakamatalik na kaibigan nila mom & dad but turned out as their traitor." Puno ng pagkamuhi ang mga mata nila na parang sinasariwa ang mga nangyari sa gabing iyon. "Alam kong napalapit kana kay Dark dahil sa pagsali mo sa Silver Kings pero alalahanin mong ang kanyang dugo ay nagmula sa mga walang awang tumapos s

