Chapter 7

772 Words
Nakapikit lang ako. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Parang ang bigat-bigat. Ano bang nangyayari? Ang daming boses ang naririnig ko pero hindi ko sila maintindihan. Wala rin akong maramdamang kahit ano. Parang manhid ang katawan ko. Pinilit kong igalaw ang daliri ko pero hindi ko kaya. I felt so weak. Zarrion POV ''s**t!'' Napamura na lang ako nang makarinig ako nang malakas na pagsabog galing sa direkyon nila Miguel at Zack. They're in danger mukhang sinugod sila ng Blue Bomber Assassins. Nabalitaan na siguro nilang may bago kaming membro. They want to kill Zack. As I reached the place, agad kong hinanap si Zack pero wala akong makita. Sobrang kapal ng usok. Tinakpan ko ang ilong ko. Alam na alam kong may poison ang bomba nila. Lalo na kung nalanghap mo. May iilan akong nakitang membro ng Blue Bomber. Mukhang huli na nga ako pumunta na rito si Dark. Hinanap ko nalang kung may mga naiwan pang mga hidden bombs pero wala naman na 'kong nakita. Mukhang maayos na ang lugar. ''Gun, long time no see. Nandito ka lang pala!'' Kumuyom ang mga kamao ko nang makita ko siya. ''You planned this again?" galit kong tanong sa kanya. ''Oh, dear brother. I'm just testing him if he's worthy to replace my position.'' Nakangising sabi niya. I hate him. I him so much. ''You're not my brother!'' inis kong sigaw sa kanya. ''Kahit anong takas mo, kapatid mo pa rin ako. Because you're a Monterzan.'' ''Matagal ko nang kinalimutan ang apilyedong yan. Mula nang pinatay niyo si mommy!" Saka ko siya tinalikuran. They killed mom with that Heartless Devil just to have power. I will never forgive them. Pagdating ko sa Silver House. Nagkakagulong ewan ang mga gago. Tsk! Anong problema ng mga ito? ''Hoy Zarrion! Diba may alam kang gamot sa poison ng mga Blue Bombers?'' Agad akong lumapit kay Zack I checked his eyes. s**t! Kumalat na ang poison. Paano na ito? Wala si Master Jay nasa kanya ang antidote. ''Na kay Master Jay 'yung antidote." ''Paano yan? Nasa katawan na niya ang poison.'' Tama nga si Miguel, namumutla narin siya. s**t! anong gagawin namin? Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan. Isang nakakatakot na mukha ni Dark ang bumungad sa amin. ''Dark!'' tawag namin pero hindi niya kami pinansin. Dire-diretso siyang lumapit kay Zack. Then, naglabas siya ng what the! Dagger? Nanlaki kaagad ang mga mata namin. ''Dark anong gagawin mo?'' Pigil ko sa kamay niya. ''Prime, alam kong ayaw mo sa kanya pero huwag mo naman siyang patayin. Hindi ko nga siya pinatay, kahit sinira niya ang baby ko.'' Bahagya akong napangiwi sa sinabi ni Mitzu gago talaga. ''I will not kill him idiots!'' Tinabig niya ang kamay ko sabay sugat sa kamay niya at saka pinatak ang dugong tumutulo sa kamay niya sa sugat ni Zack. ''Woah, Dark yan ba ang gamot?'' Manghang-manghang tanong namin. Hindi niya naman kami pinansin at saka siya kumuha ng isang batya ng tubig at basta nalang ibinuhos sa mukha ni Zack. ''s**t! What the!'' Agad napabangon si Zack sabay tingin ng masama sa amin. ''Oy! Wala kaming ginawa ah!" Sabay taas ng mga kamay namin na parang inaaresto at saka kami tumingin kay Dark na kampanteng nakaupo na sa sofa at umiinom ng kape. Parang wala lang ginawa ah. Agad namang lumapit si Zack sa kanya at walang habas na sinakal si Dark mula sa likod. Natawa na lang kami, mukha kasi silang magkayakap. "Zarrion, alam mo mukhang babae si Zack no?'' Napalingon ako kay Mitzu. Bubulong-bulong kasi ang lapit pa ng mukha kaya nilayo ko nga. ''Pare, sabihin mo lang kung gusto mo akong halikan. Hahalikan naman kita huwag ka na bumuo pa ng kwento," nakangising sabi ko sa kanya. ''Gago!'' sigaw niya sabay walkout. Pikon talaga. ''Sabihin mo lang kung french kiss, torrid kiss, passionate kiss, o smack! Pagbibigyan naman kita huwag ka nang mahiya!" Pang-aasar ko pa. He just point his middle finger. Hahaha ang sarap niya talagang asarin 'Asar talo eh'. Tumingin ako sa direksyon nila Dark at Zack. Nagbabatuhan sila ng mga kunais. Tinitigan ko nang mabuti si Zack. Oo nga, mukha siyang babae kung siguro lalagyan siya ng wig. Mapagkakamalan na talaga siyang babae. Pero impossible ring babae siya. Dahil masyado siyang malakas at siguradong na detect na siya ng University kung babae nga siya at paniguradong hindi siya mapupunta sa amin. Napatingin ako kay Miguel. Nakangisi siya habang nakatingin kay Zack. Anong iniisip ng baliw na iyon? Nakakakilabot ang mga ngiti niya. Parang may masamang binabalak. Mahirap pa naman mabasa ang iniisip ng baliw na yan. Tsk, hayaan na nga basta gwapo pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD