Zack POV ''Zack, anong nangyari sa dalawang lalaking iyan?'' bulong sa akin ni Zarrion. ''Oo nga Zack. Anong ginawa mo sa kanila?'' Nag-aakusang singit naman ng isip batang ito. Binatukan ko naman sila. Kanina pa kasi sila eh. Lalo pa nilang pinasasakit ang ulo ko. ''Malay ko ba sa dalawang iyan?'' Napasimangot na lang ako mula kasi kahapon iba na ang kilos nila. Parang mga baliw. Kainis. ''Ano ba talaga nangyari Zack?'' Kulit ulit nila sa akin. Tssk, mga isip bata nga naman oh. ''Wala nga!'' Naiirita ako. Pagnaiisip ko iyong nangyari kahapon. FLASHBACK ''Are you okay?'' Nanatili lang akong nakatitig sa kanila. Totoo ba to? Hindi ako makapaniwala iyong dalawang taong naiisip kong kahuli-hulihang magliligtas sa akin ang nasa tabi ko ngayon. ''Hey! Miguel! Its your fault. Look at h

