Buking part 2
Cheremia p.o.v
Naglalakad kami ni aleja ngayon papunta sa---
San nga ba kami papunta?
Basta paglabas namin sa library naglakad lang kami kung saan.
Paliko na kami sa may hallway ng masulyapan ko si zin na naglalakad papunta saamin na as usual walang emotion ang muka.
Kaya nagmumukang matanda to eh, maganda pa naman. Tsk tsk
"What are you doing here. You two supposed to be in the library, right?"bungad samin ni zin.
Kaya ayokong nagsasalita ang taong to eh.
Nauubusan ako ng dugo. >.<
"Ah eh wag na tayo dun boring"sabi ko nalang habang kinakamot ang batok ko.
Kumagat ka sa dahilan ko please kagat na.
"Well library is really a boring place. Kaya nga hinahayaan ko kayong matulog dun diba."
Yeah that right, sa twing NASA library kami kahit pa anong ginagawa natutulog lang kami ni aleja hindi talaga yun gusto ni zin pero wala syang nagagawa pay nag simula na Daming matulog.
"Wag na dun zin maingay"singit ni aleja.
Tinignan ko sya ng masama dahil sa dahilan nya.
Teana into sana hinayaan nalang nya akong magpalusot.
"The last time I check, library supposedly a quiet place"nanliit ang mata ni zin na parang sinasabing umamin na kami.
Alam ko namang Alam na nya na may ginawa kami pero hindi nya sasabihin yun dahil gusto nyang kami mismo magsabi nun.
Yun ang isa sa mga weird personalities nya.
Hayss, wla na kaming chose. Bwisit kasi tong aleha na to eh. Alam Kong maingay sya pero wag na nyang idamay ang diba.
Tsk tsk.
"Okay aamin na"sabi ko bigla naman tumingin sakin si aleja dahil pay sinabi ko ang dahilan kumg bakit kami NASA labas ngayon malalaman na rin ni zin ang secretong pinaka tatago nya.
"Ito kasing si aleja ang lakas ng boses. Tinatanong ko lang kung sino yung taong gusto nya eh"
Wala man lang nagbago sa itsura ni zin kahit sinabi ko na yun. Grabe kakaiba talaga.
"Wala man lang kahit na anong reaction? Violence reaction, or anything"pag tatanong ko hindi man lang kasi nag reacc
"None"kaswal na sabi nya"I already have an ideal about that"
Woah seryoso, may hinala na sya pero nalang sabi sabi. Kakaiba talaga.
Kultukan ko to eh.
"Talaga kilala mo ba kung sino?"
"Yeah"
"Sino?"
Shit can't believe this girl. Kung Hindi tatanungin Hindi magsasalita. Alam naman na palanya na may iniibig ang mahal naming kaibigan pero walang ginawa.
"Klint. Klint Cuena"
Tignan mo ayaw pa nyang sabihin saakin kung sino-------
Klint?
Cuena?
Wait I think narinig ko na yun kung saan eh. Saan nga ba?
Napamewang ako at at inikot ang ulo ko habang inaalala kung saan ko nga ba ulit narinig yun ng madapo ang mga tantalizing eye ko sa bulletin board.
And there it is. Klint Cuena, ang MVP Basketball team namin at panlaban sa mga math quiz bee.
Nakakadugo naman ng utak to.
Math talaga ah.
Hindi ko naiwasang mapangiti at tumingin sakanya.
"Ehem, klint cuena ha?"
May mapanuyong ngiti ako at nanunuyong mga mata. Sobrang pula naman ni aleja ngayon dahil buking na sya.
"So sya pala ang crush mo ah. Hahahaha si klint cuena pala ah haha------"
"What is it?"
Nahinto ang pagsasaya ko at pag pupugay ng marinig ko ang panglalaking Bose's na yun.
Naistatwa kaming tatlo dahil dun.
Oo tatlo kasi yung isa istatwa na talaga kung hindi mo yuyugyugin hindi gagalaw. Hindi ko sinasabing si zin to ah pero parang ganun na nga.
Tinignan ko si zin kung sya yung nagsalita. Malay nyo may hidden talent pala si zIn na kayang palitan ang Bose's nya diba.
Pero ang problems hindi sya kasi nakatingin sya ngayon sa likod ko.
Tinignan ko rin si aleja at nakita Kong ang singkit na mata nito at nagging bullad sa laki, at ang pamumula ng muka ni to at Mas lalong lumala.
Napalunok nalang ako ng laway dahil may hula na ako kung sino yun.
Unti unti Kong nilingon yung nagsalita, at katulad ng inaasahan sya nga si,
KLINT CUENA.
PUTONG MAPAIT.
ANONG GAGAWIN KOOOO.
NABUKING NA ANG BESTFRIEND KO, WALA NA SYANG MUKANG MAIHAHARAP SA BOYFRIEND NYA,ay wala pala syang boyfriend.
Erase erase palitan natin.
WALA NA SYANG MAIHAHARAP SA FUTURE BOYFRIEND NYAAAAA. /°O°
O diba ang supportive Kong kaibigan. Nyahahaha.
"What is it? I heard you say my name?"tanong nya ulit.
*LUNOK*
tumingin ako Kay zin para humungi ng tulong pero ang babae may hawak nang libro, at umaarteng nagbabasa eh baliktad naman.
Kay aleja naman ako tumingin pero ang bruha umaarteng nag bibilang ng langgam sa dingding.
Tsk iwanan to mga tyong
Hinga mia ,malulusutan mo to.
"Anong sinabi ang pangalan mo, hindi ah"
Sige lang mia itanggi mo.
"Hmm, I'm sure I heard you say my name. Klint Cuena, that me"
"Hindi naman klint cuena ang sinabi ko eh"
Go mia fighting kaya mo Yan onting push pa.
Ako nalang mag che-cheer sa sarili ko walang kwenta yung dalawa, kahit moral support manlang.
"Then if it not klint cuena, what is it?"
But ba ang hilig niti sa what is it.
Siguro yun yung unang English na natutunan nya.
"Kwan. Ano," isip mia isip. Kahit wala ganung laman Yan kaylangan mong mag isip.
"Ahh si kitty sana pala. Yun yung sinabi ko. Tama yun nga yung sinabi ko. Diba aleja"
Tawag ko ng pansin kay aleja na nagbibilang parin ng langgam
Teanang babae to. Pinurwesyo pa ko eh bebelabs nya to.
"Ha? Ta-tama , Tama yun nga yung sinabi ni mia."sabi nya na natatarantang tumango tango pa.
Hindi ko Alam kung kumagat sya sa palusot namin pero ngumiti nalang sya at tumango tango.
"If that so, I'll shall take my leave. Sorry for being assuming. I really thought I hear you say my name, haha. Goodbye"
Ngumiti sya at kumindat pa kay aleja.
Ayy galawang naruto to ah.
Nang mawala sya sa paningin namin bigla nalang napaupo si aleja.
"Grabe, nakita nyo yun. Kinindatan nya akooo gosshhhhh ." sabi nya at kinikilig na nagtititili.
Binatukan ko sya ng mahinto.
"Tumayo ka ng dyan mamaya bumalik yun makita kang nag kakaganyan edi huli ka" banta ko sa kaya.
Mukang nakuha ng loka ang point ko kaya tumayo naman.
"Hay buti nalang nalusutan natin yun noh"sabi.
nya.
"Oo nga eh. But I nalang nakagawa ako ng palusot".
"Mukang naniwala naman sya sa palusot mo"
"I don't think so"
Napahinto kami ni aleja dahil sa sinabi ni zin.
"Anong 'you don't think so'?"tanong ko.
"Kasi kanina pa sya nandun"sabi nya" I think narinig nya nga yung sinabi ni mia na crush mo sya aleja eh"
WHATTTT. SOO WALA RING SILBE YUNG PAGPAPALUSOT KO DUN.
"WHY YOU DIDN'T TELL US" Sabah na sabi ni aleja.
O diba napapa English na rin kami.
" you didn't ask" kaswal na sabi nya at nag tuloy sa pag lakad.
"ZINNNNN"me/aleja.
Grabe na to. Maloloka na talaga ako sa babaeng to