#04

865 Words
Sampal Cheremia p.o.v Pag dating ng daddy ni zin pinalabas na kami ni Mrs. Mabunga-nga. Pero maghintay lang daw kami sa labas ng office. Ilang minuto pa si lang nasaloob at naguusap. Simula ng magusap sila hindi na tumigil si zin kakapaikot sa parehong hintuturo nya. Yun kasi ang lagi nyang ginagawa kapag kinakabahan sya o natatakot. Ilang beses ko na rin syang narinig mag buntong hininga. Maski ako kinakabahan na kakapanood sa kanya. Nakakatakot kasi ang daddy ni zin. Pero hindi mo sya kilala siguro makikita mo sya as perfect daddy, pero wala naman katotohanan yun. "Anu ba wag nga kayong matahimik. Nabibingi ako sa katahimikan eh"reklamo ni aleja Tignan mo to na abnormal nanaman. Sinong mabibingi sa katahimikan? "Magtigil ka nga aleja kinakabahan kasi kami eh."sabi ko naman"bat ikaw di ka ba kinakabahan?" "Kinakabahan sino ba nalang hindi, nakakatakot kaya ang tatay ni zin. Pero Mas kinakabahan ako sa kung anong gagawin nya sayo zin"sabi nya na may pagaalala. Maski naman ako natatakot din. Yung last kasi na ginawa ng daddy nya sa kanya at pinagbawalan syang makipag kita saamin o makipagusap dahil bumaba ng isang point ang grade nya sa isang major sub. At isang buwan yun ONE FREAKING MONTH!! Hindi namin sya makausap sa personal nun dahil school bahay lang sya at binigyan sya ng bodyguard para masiguro na hindi nga sya nakikipagusap samin. Kaya nagmukang loner ang lalo nyo nung panahon nayun. Actually pwede naman syang hindi mag mukang loner nun pero kasi hindi nakikipag usap sa ibang tao si zin maliban samin ni aleja kung hindi mo sya unang kakausapin. Ewan ko ba sa babaeng to masyadong emo. Kulang nalang mag shot sya ng black na damit at mag eyeliner na black emo na talaga sya. Biglang bumukas ang pinto kaya napatayo kamimg lahat ng maayos. "Thank you po sa oras nyo Mr. Martinez"sabi ni Mrs. Mabunga-nga at nakipag kamay Kay Tito keV. Aruu chansing ka pa ha. "Wala po yun Mrs. Mabunga. Kayo ho dapat ang pasalamatan ko dahil binabantayan nyo ang anak ko"tugon naman ni Tito keV. "Ano ba kayo Mr. Martinez wag nyo na akong IPO."sabi ni mabunga-nga sabay Palo ng mahina sa braso ni Tito keV. Hoo lande nitong mabunga-ngang to. "Tsk" Napatingin naman ako Kay zin dahil sya yung nag-tsk. Mukang ayaw nya na may gumaganun sa daddy nya. "Ehem"inayos na ni Mrs. Mabunga-nga ang sarili nya at nagpaalam na samin dahil mag lilibot pa daw sya sa campus Baka meron pang diba na hindi umatend sa klase. Pag alis ni Mrs. Mabunga-nga hawala ang ngiti sa labi ni Tito keV at seryosong tumingin Kay zin. "It is true Charlotte that you didn't attend to your class?"unang tanong ni Tito keV. Shit nakakatakot talaga sya. "Yes papa"sagot ni zin "Sinong nagsimula nito"tanong nya ulit. Gusto ko sanang sabihin na ako pero siguradong Mas makakasama lang yun. Baka kasi pag sinabi ko yun gawin nanaman nya yung ginawa nya last time. At ayaw ko nun "I am papa" Dahil dun sa sinabi ni zin bigla syang sinampal ni Tito keV at sobrang lamas nun. Inalalayan namin si zin para hindi sya matumba kasi siguradong nqhilo sya sa lakas ng sampal. "I can't believe it Charlotte--" Hindi natuloy ang iba pang sasabihin ni Tito keV dahil may dumaan na istudyante. Umayos kami ng tayo at ganun din ang ginawa ni zin. Iniharang nya ang buhok nya sa muka nya dahil namumula pa ito. "Excuse me po nandito po ba si Mrs. Mabunga?"tanong nung lalaki. Kung titignan ang gwapo ng lalaking to pero di ko type. Nakita ko naman na medyo sumulyap sya Kay zin na may pag aalala ang mata. Who what's the meaning of that koyang ha. "Ah wala sya dito hijo,sabi nya mag lilibot daw sya sa buong campus nyo"sagot naman ni Tito keV na may ngiti sa labi. Plastic Di naman sa wala akong respeto Kay Tito kev pero dahil sa ginawa nya Kay zin ngayon lang gusto ko syang isumpa. "Ganun po ba. Sige po tuloy na ako"sabi ni koyang at umalis na Bago pa nga sya umalis tumingin ulit sya Kay zin. I smell something fishy talaga dito kay kuya. "Mausap tayo mamaya Charlotte"bulong ni Tito keV Kay zin Tumango lang si zin Kay Tito keV. "Kung ganun mauuna na ako"inayos nya ang tux na suot nya at tumango saamin. "Bye po Tito ingat"sabi ni aleja, pero napansin ko ang peke yung ingat nya. Nagtuloy tuloy sa pag lalakad si Tito keV at walang lingon lingon. Snober Narinig Kong bumuntong hininga si zin. "Zin ayos ka lang?"tanong ko. Tumango lang sya at tumingin samin ni aleja "oo"sabi mya na may konting ngiti "Tsk stupid me. Bat pa ba ako magtanong eh Alam ko naman na hindi tapos nagtanong pa ako"lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang balikat nya. "Do you want a hug?"tanong ko Nakita Kong lumamlam ang mga mata nya"yes please"sagot nya. Agad ko naman syang niyakap nun. "Huy huy bakit dalawa lang kayo. Sama ako"sabi ni aleja at nakiyakap narin samin. Sinilip ko ang muka ni zin. Malungkot ang mata nya pero hindi sya umiiyak. Isa sa mga bagay na ayaw ko sakanya at ang hindi nya pagiging iyakin. Umalis na sya sa pagkakayakap namin "ayos na ako. Punta na tayo sa next sub natin Baka kasi maabutan pa tayo ni Mrs. Mabunga dito"sabi nya saamin at nauna nang mag lakad. Nagkatinginan naman kami ni aleja bago sumunod sakanya. Kaya Idol ko ang babaeng ito eh. Napakalakas nyang tignan. Kakasampal palang sakanya pero hindi man lang nya ganung ininda. Sanan naman hindi sya saktan ulit ng daddy nya mamaya sa bahay nila. Sana..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD