Mataman tinitingnan ni Lianne si Feliciano na hawak ang itim na notebook kung saan niya isinulat ang kaniyang bucket list— mga bagay na gusto niyang gawin kasama ang una niyang magiging boyfriend. She was feeling nervous, shy, and excited. Twenty-seven years of existence and here she was discussing her bucket list with a guy who was pertaining to be her boyfriend for a month. “May I ask a question?” ani Feliciano saka nagtaas ng tingin kay Lianne. Her embarrassment doubled when she noticed Feliciano's attempt to stop smiling... But ended up miserably. He bit his bottom lip to suppress his laugh. Lianne pursed her lips. "Don't make fun of me." Napabuntong hininga bago naisip na maling ideya ang ipakita kay Feliciano ang bucket list niyang 'yon. "Akin na nga 'yan. Kalimutan mo na ang tun

