***
"I'm so excited!"
Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Lianne si Rexjene na sumigaw. Malaki ang ngisi ng naturingang ‘outgoing darling’ dahil sa mga lalaking nakatayo sa stage at kinulang sa tela ang mga saplot.
Napapangiwi si Lianne sa mga kaibigan dahil hindi lang si Rexjene ang gano’n ang reaksyon. Hindi niya maintindihan kung anong nakakatuwa sa mga lalaking halos hubad na sa harapan nilang lahat. Nakakailang ito para sa kaniya.
"As expected. Angel is still Angel. Tama ang naiisip ko na may kakaiba siyang gagawin sa kaniyang bridal shower," sabi ni Rashaine na nakaupo sa tabi ni Lianne at seryosong nakatingin sa stage.
Nabibilib naman si Lianne kay Rashaine at sa iba pa niyang kaibigan na nagagawang tingnan nang diretso ang mga lalaki na iyon. Most of them were like assessing the men as if they were under a microscope.
Nakayuko lang si Lianne kahit na ba nagsalita na ang host sa stage. She could not look directly. Mabuti na lang talaga at mukhang masiyadong hooked ang mga kaibigan niya sa mga lalaking nasa stage kaya hindi siya inaasar ng mga ito dahil gumagana na naman ang pagiging inosente niya sa mga ganitong bagay.
But what could Lianne do? She was really innocent in all aspects of Rated SPG!
"So ladies, together with these nine hunks, we are going to play the game called THE LUCKY 9!" hirit ng host na nasa gitna ng stage habang nakahilera sa likod nito ang siyam na lalaki.
Nangunot ang noo ni Lianne sa narinig na sinabi ng host. Pa'no sila makapaglalaro nang maayos kung halos wala nang damit ang mga lalaking kalaro nila?
Naisip tuloy ni Lianne na magdadahilan na lang siya para hindi maisali sa kalokohang ito.
"To answer your questions regarding the game, I will explain the mechanics. So, I hope everyone can lend me their ears," nakangising turan ng host. Ang mapaglarong ngisi nito ay nagbibigay ng karagdagang sabik sa kung ano mang mangyayari sa gabing ‘yon.
Nakararamdam naman ng kaba si Lianne at pangingilabot sa mga susunod na maaaring mangyari. Her mouth was dry while her heart was thumping loudly against her chest. This was going to be a night she surely would not forget. Suddenly, she was starting to regret her decision of coming over to this bridal shower. She could have spare herself from this if she did not come.
"So, our bride-to-be, Ms. Angel, please sit over there," panimula ng host bago itinuro nito ang upuan sa gilid ng stage. "Ms. Angel will just sit and relax on that chair and just going to watch this playful game. Sa totoo niyan, ang bridal shower na ito ay inilaan ng bride at groom para sa inyong lahat! Everyone, ready?"
"Yeah!"
Lianne bit her lower lip when all of her friends shouted. They seemed really excited. And she didn’t want to spoil the fun, so, she decided to keep up with the flow.
Kahit naiilang at hindi sanay sa mga nangyayari, pinilit ni Lianne na mag-angat ng tingin sa stage.
Her face turned into crimson red when her eyes settled on the exposed flesh of the nine men on the stage. She gulped. This was the first time for her to see a live topless man. She noticed how each muscles of these men were placed on its proper places. They all have glorious bodies to flaunt. Their bodies were like sculpture, defined and so gorgeous.
Lalong nag-init ang mga pisngi ni Lianne dahil sa mga tumatakbo sa isip niya. Natutulad na ba siya sa mga kahalayang ini-imagine nila Michelle?
"The mechanics of this game is very simple. As you can see, we have nine mysterious but yummy men here—topless at nakamaskara para matakpan ang kalahati ng kanilang mga mukha, mula ilong paakyat ng noo. Each of you will choose one guy and the chosen one of yours will be your official boyfriend for one month.” The host looked at them, squinting his eyes, as if trying to challenge them. “As a citizen with reputation, you have to introduce them to the public. Sa loob ng isang buwan, ang pares na mabubuo ngayong gabi ay kailangang maging exclusive sa isa't isa or else, ang magloloko ay kinakailangang magbayad ng one hundred thousand pesos na mapupunta naman sa mga charity niyo.”
Napangiwi si Lianne sa mechanics ng larong The Lucky 9. Sinong nasa tamang pag-iisip ang papatol sa ganitong klaseng laro? Relationship didn’t work like this --- it was not a contract with a prize to pay if you get tired of it and you wanted to quit.
“At bago ko makalimutan. Among these nine hotties, there's a catch that you need to know," pambibitin ng host bago ngumisi nang nakaloloko na para bang may masamang binabalak. "Out of these nine men, one of them doesn't have the looks. He simply just got the body. Direct to the point, isang hipon guy. Kaya dapat, galingan niyo sa pagpili dahil nakadepende rito ang image niyo sa public. Remember, you are all nine here, therefore, someone has to pick the Lucky 9. So girls come on choose!"
Tuluyang napaawang ang bibig ni Lianne sa kabuuang mechanics. So, this was a really absurd game. A game that only for those who didn’t like to commit and just want to play with love.
Napatingin si Lianne sa itaas habang pina-process ng utak niya ang mga nangyayari. “Ano na naman ‘to, universe? Kotang-kota ka na sa paglalaro sa akin ngayong araw,” pabulong niyang saad bago ginulo ang buhok dahil sa inis.
She really didn’t like to have a boyfriend because of a game. May iba pa ba siyang p’wedeng gawin para sa sitwasyong ‘to?
Matapos maipaliwanag ng host ang laro, nag-uunahang nagsipagtakbuhan ang mga kaibigan ni Lianne sa stage habang siya ang pinakahuling lumapit. Nag-aalangan pa siya at hindi makapaniwalang sasakyan niya talaga ang kalokohang ‘to.
Lianne was the last one to choose.
All of her friends already with their chosen guy. Napabuntong hininga ulit si Lianne bago nakayukong lumapit sa lalaking nasa gawing dulo ng linya. She didn’t even bother to look at the guy’s number.
"Hey, Baby."
Dumistansya kaagad si Lianne sa lalaki dahil sa naging pambungad na bati nito. Kinilabutan kasi siya sa malalim nitong boses at sa tawag nito sa kaniya.
"Girls, are you sure? I give you five seconds to change your pick."
"Five."
Sa sinabing 'yon ng host, wala nang pagtutumpik na umalis si Lianne sa unang napili. She was not comfortable with the guy.
"Four."
Napakagat sa pang-ibabang labi si Lianne nang makita siya at si Rexjene na lang ang hindi nakakapili. Dalawa na lang ang natitira at hindi niya alam kung sinong pipiliin.
"Three."
Kaya naman, ginawa ni Lianne ang isang bagay na lagi niyang ginagawa kapag naguguluhan siya.
Einie, minie maynie mo!
Sino ang pipiliin ko sa inyo?
Ikaw ba o ikaw?
Sabi ba ng Diyos?
"Two."
Her finger stopped with the guy on the left side, to Mr. Number 4. Kaya naman, hindi na siya nagpatumpik-tumpik, doon siya pumunta. Katulad ng palagi niyang ginagawa, iniaasa niya na lang kay universe ang mga susunod na mangyayari sa buhay niya dahil sa naging pagsali niya The Lucky 9 game. Sana nga, dahil may gabay siya ni universe, swertihin siya.
"One! Okay! Time’s Up!"
Lianne trusted her way of choosing. Hindi pa naman siya binigo ng paraan na 'yon. Palagi siyang natutulungan ng einie minie sa mga exams kaya siguro naman, sa pagkakataong ‘to, gagana ang swerteng dala no’n.
"That's a weird way to choose, Sweetie."
Lianne turned around to the guy who said that. No other than Mister Number 4.
She flushed red when her eyes accidentally settled on his bare body instead of looking on his face. Nag-iwas siya kaagad ng tingin nang tawanan siya ng lalaki.
"You're cute when you did einie minie for choosing. But you are beautiful when you're blushing."
Napaangat ng tingin si Lianne sa mukha ng lalaki dahil sa sinabi nito. There's a boyish grin on his lips and his eyes were dancing with amusement.
Pamilyar ang boses ni Mr. Number 4 sa kaniya gano’n din ang paraan ng pagtingin nito. Hindi niya sigurado kung saan nakita ang lalaki. Pero sobrang nakakahiya nito para kay Lianne kung talaga ngang kakilala niya ang lalaking nasa likod ng maskarang suot nito.
Nakaramdam ng iritasyon si Lianne nang maisip na pinagkakatuwaan siya ng binata dahil sa mapanukso nitong mga ngisi.
"Hindi ako cute. Hindi kasi ako aso," mataray na tugon ni Lianne bago inirapan ang lalaki.
Sa halip na mainis, tinawanan lang siya ng binata 'tapos ay may iniabot sa kaniya.
Nangunot ang noo ni Lianne nang makita ang lollipop na iniaabot nito sa kaniya ni Mr. Number 4.
"Ano 'yan? I am not a dog and certainly I am not a child. Why are you giving me that?"
Mister Number 4 shrugged. Then, he reached for Lianne's hand and put the lollipop on it before he removed his mask.
Napahawak naman nang mahigpit si Lianne sa lollipop na nasa kamay niya kasabay nang panlalaki ng mga mata sa lalaking nasa harapan niya. Ilang beses siyang napakurap habang tinitingnan ang lalaking napili.
“Ikaw?” Lianne gasped as she stared at the very familiar guy.
Mr. Number 4 was no other than the elevator guy earlier. That was the reason why Lianne recognized his voice and built. Napalunok si Lianne habang hindi makapaniwalang tinitingnan ang lalaking nasa harapan.
Nginisian naman siya nito bago sinuklay ang itim at kulot na buhok. His eyes were boring unto Lianne’s and she could feel how her legs started trembling.
Hindi makapaniwala si Lianne na ganito ang epekto sa kaniya ng lalaking ‘to.
"I am Feliciano Cadavedo. Gusto kitang makasundo kaya binibigay ko sa 'yo 'yang lollipop na paborito ko."
“You’re really weird,” kaagad na nasabi ni Lianne sa binata na naging dahilan ng lalong paglawak ng ngisi nito.
Saglit pa silang nagkatitigang dalawa bago nailing si Lianne. Out of nowhere, she found herself smiling from the guy's weird quirks and aura. Unti-unting nawala ang ilang niya kay Feliciano. Sino ba ang dapat mailang sa isang lalaking mahilig sa lollipop na parang bata? Lianne started seeing him in a different light.
He loves lollipop while Lianne loves anything sweet. Mukhang magkakasundo naman sila.
"I'm Lianne Agonia. I accept the friendship, by the way," nakangiting sabi ng dalaga bago tiningnan ang lollipop na inilagay ni Feliciano sa kaniyang kamay.
Somehow, Lianne realized that it was a good thing that she changed her choice earlier. Mukhang mabait naman si Feliciano at mali lang ang naging una niyang impression dito nung nasa elevator sila.
"Good to hear that. Let's enjoy this game, okay? I hope this game will really bring us luck just like how it was being called."
Natawa si Lianne sa sinabi nito. She hoped too. Sana nga s'werte ang dala ng larong 'to sa kanilang dalawa.