“So Dok, ano po ba ang dapat naming gawin?” tanong ng ina ng isang pasyente ni Rome, bakas sa mukha nito ang pag aalala para sa kanyang anak.
“as I said lately mam, need lang pong i- take niya ang mga nereseta kong medicine at kung pwedeng maumpisahan na ang inadvice ko na-“
“Stop!!!! Ayaw ko nga diba!” sigaw ng lalaking pasyente.
“iho, you need this please. pwede bang i-try mo muna anak” mangiyak ngiyak na pagmamaka awa ng ina ng pasyente
“No mom! bakit ba dinala niyo pa ako dito ha? what are you thinking ma?... I’m not crazy, I don’t need that nonsense physic!” galit na tumayo ang pasyente.
“Where are you going son!?” pero hindi pinansin ng pasyente ang kaniyang mangiyak ngiyak na ina.
“pasensya na Dok, hahabulin ko lang siya”. Agad nagmamadaling hinabol ng ginang ang kanyang anak.
-
Akmang bubuksan na ni Vincent ang pintuan ng clinic room ni Rome ng biglang bumukas ang pintuan at nagkatitigan sila ng lalaking nagbukas galing sa loob, bakas sa mukha nito ang galit. Binangga ng lalaki ang balikat ni Vincent at nagpatuloy na maglakad. Sobrang na angasan si Vincent sa inasta ng lalaki, hahabulin niya pa sana ito para hamunin ng suntukan pero bigla nalang may isa pang ginang ang lumabas sa kwarto at hinahabol ang lalaki na sa tingin niya ay nanay nito. Hinihila ng nanay ang kamay ng lalaki pero tinatabig lang ng lalaki ang mga kamay ng humihila sa kanya. kaya naman nagpatuloy nalang siya sa pagpasok sa loob.
Nabigla si Rome sa taong pumasok sa loob ng kwarto.
“What’s the problem of him. Sobrang angas! Gusto kong suntukin yun ah!” bungad ni Vincent, naisip naman agad ni Rome kung ano ang ibig sabihin ni Vincent.
“his my patient, hindi mo siya pwedeng patulan Vinz.”
“Oh, I see, dapat ngang hindi patulan ang mga pasyente mo. Kasi ang mga ginagamut mo ay mga may sakit sa utak. Pero yung taong nakasalubong ko mukhang Malala na. Ano bang sakit nun?”
“hindi ko pwedeng sabihin ang information ng sakit ng mga pasyente ko, pero wag mo siyang papatulan dahil masasabi kong dalikado siya”
“haha mas may dadalikado pa pala kaysa sa sakin?”
“Wag kang mag yabang jan, yung taong yun, kaya na niyang manakit ng tao. Lumala yun ng mawala yung girlfriend niya, 3 years na ang lumipas but still, hinahanap padin niya ito. Natatakot na yung mother niya kaya gusto niyang ipagamot ito sakin kaso ayaw naman maki cooperate.”
“ohhh Obsession!!!! Hahaha nakakabaliw talaga ang mga babae!” iniiling iling pa ni Vincent ang ulo niya habang ngumingisi.
“Parang tuwang tuwa ka pa ahh, ano bang ginagawa mo dito?”
“wala, naglilibang lang”
“anong tingin mo dito sa hospital? Arcade?”
“Parang ganun na nga. O! kung hindi ako pumunta dito hindi ako makakakita ng taong nababaliw ng dahil lang sa isang babae”
“halika nga dito, parang ikaw ang kailangang gamutin ei”
“tiyaka mo na ako gamutin, hindi ko pa nagagawa ang dapat kong gawin”
“dapat gawin? Teka Vincent ha! Baka kalokohan nanaman yang gagawin mo ha!”
“Relax kuya, hindi naman ikaw ang trip ko ei”
“ikaw—“
“Sige na kuya, aalis na ako. Magiingat ka dito baka bigla ka nalang atakihin ng mga pasyente mo haha” bago lumabas ay kinindatan pa niya si Rome.
“tsss , pasaway ka talaga!” nasabi nalang ni Rome sa sarili dahil umalis na ang kapatid.
Isa siyang psychiatrist, maliban dun ay head at manager siya ng kanilang departamento sa isang malaking pribadong hospital. Naging busy siya sa kanyang propisyon kaya nagkalabo sila ni Loraine, naging masyado kasi siyang masaya sa pagpapagaling ng kanyang mga pasyente. Pero magkaganun paman, ay hindi padin niya nakakalimutan si Loraine, ang unang babaeng kanyang tinangi. Binuksan niya ang kanyang account at inistalk ang account ni Loraine. Natutuwa kasi siya sa mga post nito na puro patama sa kanya, wala naman kasing ibang naging boyfriend ito maliban sa kanya. Pero bigla nalang nagbago at dumilim ang kanyang mukha ng makita ang latest post ni Loraine na may kasamang ibang lalaki at parehas silang naka peace sign may hashtag pa na #needpeace.
Tok tok tok!
kumakatok sa labas ng pinto ang dalawang intern na lalaki, wala silang narinig na sagot mula sa loob kaya binuksan nila ito.
“good day dok, maguumpisa na po-“ natigil sa pagsasalita ang isang intern dahil sa nakitang madilim na awra ang bumabalot sa mukha ng doctor at nakatuon lang ang tingin sa laptop nito. Nakakatakot!!!!!
“ahh pre, parang ang lamig dito sa kwarto ni dok no?, maya nalang kaya tayo bumalik” aya ng isa pang intern, sumang ayon naman agad ang kasama, kaya agad agad ay nilisan nila ang lugar. Laging nakangiti ang gwapong doctor at hindi nagsususngit kaya naman hindi sila sanay sa nakita nilang pag babago ng awra nito.
-
Loraine’s POV
hmmm tignan ko lang kung hindi ka pa magselos hehehe. Ang galing ko talaga!. Anong akala mo hindi kita kayang ipagpalit? At anong akala mo ha hindi ko alam na iniistalk mo rin ako ha Rome!.
Well, Nagpapicture sa akin ang isa sa mga employee ng kompanya na alam ko namang matagal ng may gusto sakin, pinagbigyan ko nalang siya kasi naman ang kulit. Pinakita niya sakin ang kuha namin at infairness maganda ang kuha, kasi may itsura din naman yung guy. Nang may bigla nalang umilaw sa taas ng ulo ko, ‘TSING’… ei kung pagselosin ko kaya tong Rome na to? Humingi ako ng copy ng picture at agad kong pinost sa social media account ko na may hashtag na need peace. Nakakatuwa yung picture kasi parang ang tagal na namin magkakakilala dahil mukha kaming sweet sa litrato nung employee. Magseselos naman kaya siya? Wish ko lang matauhan pa itong Rome na to.