Paggising ni Ahtisa ay nakaalis na si Apollo. Alam naman na niyang hindi siya magigising na katabi pa ito sa kama. Napabuntong-hininga na lang siya, matamlay at bagsak ang mga balikat. Ibinaba niya ang mga paa sa gilid ng higaan at nag-unat, tapos ay tumayo na siya. Pagkatayung-pagkatayo niya ay bigla siyang napaigik. Kumikirot na naman ang katawan niya, lalo na ang kanyang mga balakang. "Hah..." Napailing na lang ang dalaga, napapailing sa sarili niya. Pumasok siya ng banyo at naglunoy sa bathtub. Maligamgam ang tubig kaya masarap lumublob doon. Nakakatulong din iyong maibsan ang pagkirot ng kanyang katawan. Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya, nagsuklay ng buhok, nagsepilyo, at tumungo na ng kusina. Gusto lang niyang uminom ng gatas dahil wala siyang ganang mag-almusal. Pero sa kalag

